Chapter 10: Hired Wife

332 37 0
                                    

Nang matapos sa paglalaba at pagsasampay si Mia ay pinuntahan niya muna ang cellphone niya sa kuwarto niya at nag-tungo sa labas ng bahay.

"Kent, Ian. Pasok kayo, Dali." Paanyaya niya sa dalawa na nagtuturuan pa sa kani-kanilang mga sarili.

"Manonood ba tayo ulit ng Netflix madam?" Natawa nalang si Mia dahil sa kahiligan ng mga ito sa mga palabas.

"Iba naman ang panoorin natin, 'yung action pero traditional! Alam niyo 'yung si Ha Ji Won? Nasa Empress Ki!"  Excited na pagbabahagi ni Ian at nauna pa ngang pumuwesto sa sala.

"Sige, mukhang maganda naman 'yang suggestions mo today. 'Yun na panoorin natin." Pag-sang ayon naman ni Mia at sumunod sa dalawa do'n sa sala. Hinayaan niya si Ian na maggamay ng TV dahil hindi pa naman siya marunong.

"Pero, Boss Madam. Series 'to. Baka ilang araw natin bago matapos?" Puna ulit ni Ian. Tumingin si Mia sa screen at nakita nga na may dalawang-po na episode. Ngumiwi siya. Pero mukha naman kasing maganda.

"Hindi ba kayang panoorin ng one day?" Nakakabitin ba naman kasi kung putol-putol ang panonood. Nagkatinginan si Kent at Ian tiyaka sabay siya na nilingon.

"Pwede, Madam! Pero mag-grind ka talaga sa panonood?" Dahil sa salita na sinabi ni Kent ay napatigalgal si Mia. Ano ba kasing grind? As in grind?

"Anong grind na ibig niyong sabihin?" Sadya bang bobo siya o mahalay lang talaga? Kahit ano-ano ang pumasok sa utak niya eh! 

Idagdag pa na may pagka-slow ang dalawa at nalilito din sa tanong niya. "Grind nga Madam! Ganid ba." Sa eksplanasiyon ni Ian ay mas lalo lang siyang nagugulohan.

Sinapak ni Kent si Ian saka binunot ang personal nitong cellphone. "Sandali nga, e search natin sa google para malaman ang meaning!" Sini-seryoso pa nga nito ang pagta-type. At mukhang hindi bihasa si Kent sa keyboard kaya inagaw ni Ian at ito na mismo ang nagtype.

"Ang bagal mo mag type, aabutin tayo ng siyam-siyam!" Reklamo ni Ian saka ibinalik ang cellphone sa kapatid na si Kent. "Ayan, pakita mo kay Madam ang meaning. Bobo ako sa english eh!"

Naiiling na lamang si Mia sa dalawa at binasa ang kahulogan ng grind. Tama nga si Ian, ganid. Meaning straight na panonood. Pero may similar word pa na nagsasabing katumbas ng twirk ang grind, which is 'yun ang una niyang pagkaka-intindi.

Nahihiya na ngumisi si Mia dahil sa ka-slowhan niya. "Pasensya na, slow si ako."

"Ayus lang madam! Ano, nood na tayo noh?!"

"Sure!" Sa paglayon ng araw na pananatili ni Mia sa bahay ni Alexus ay nagiging kaibigan niya na rin ang dalawa. Hindi lang kaibigan kundi sobra pa doon at parang kapatid na niya ang mga ito. Nanood sila ng Empress Ki hanggang sa maggabi. Siguro ay ipinu-pause lang nila saglit ang panonood dahil sa kinailangan nilang maghapunan.

"Ang saklap ng kinahihinatnan ni Sungnyang ay ng anak niya, matatagpuan pa kaya niya 'yun?" Nag-aalala na tanong ni Mia habang nagluluto siya ng pakbet.

"Nakakaawa nga eh, bakit ba kasi hindi alam no'ng nobyo niyang hari na may anak sila? Nakakabaliw din ang storya, sarap pumasok sa TV." Komento ni Kent ni nanggigil sa inis do'n kay WangYu na walang alam na nagsilang pala ng sanggol ang minamahal habang tinutugis ng mga hindi makilanlan na kawal si SungNyang at muntikan ng mahulog sa bangin.

"Mas nakakaawa 'yung bata talaga, imposible na mabuhay pa 'yun. Sa taas ng bangin na binagsakan no'n tapos sa lambot ng katawan ng bata. Naku, huwag na tayong umasa." Si Ian naman na mukhang dismayado sa naganap. Do'n kasi muna sila natigil.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now