"Si Thomas ang dumukot sa kanila ni Ace. Ikinulong sila ng dalawang buwan bago sila nakatakas ng isang hindi kilalang grupo." yun ang sinabi ni Ace kay Jeff no'ng nagkausap sila, kaya ito na din ang kaniyang sinabi kay Alexus, dahil tingin niya ay karapatan nitong malaman iyon.

"Matagal ko ng alam na hindi si Mia ang kasama ko ngayon." pag amin ni Alexus na ikinagulat ni Jeff. But not totally na gulat na gulat talaga. Dahil hindi naman na talaga 'yun nakakagulat.

Alexus is not just some ordinary person na madaling mauto at madala.

"Kailan?"

Namulsa si Alexus, saka nagtungo sa nag iisang sofa na meron sa silid na tinutulogan nila ni Denise at prenteng naupo. "By the time she showed herself at me, sa hospital." aniya, na tila ba isang napaka-interesting na paksa.

"Eh, kung alam mo naman pala, bakit ka nagpanggap na parang hindi mo alintana ang ginagawa niya?" nagtatakang tanong naman nito sa kaniya.

"I'm just bored, and I'm giving her a chance to be with me by just using the face of my lovely wife." humalukipkip siya, "Bakit? Iniisip mo ba na nauto ako at isang baliw na naniwala sa pagpapanggap niya?"

"Well, sino bang hindi mag-iisip ng gano'n? You totally looked like a fool." makasaysayan na puna ni Jeff sa kaniyang kapatid. Kulang na lang na umirap siya.

"Silly fvcker. I can't believe you had that impression for me." komento naman ni Alexus na may kasama pang dismayado na pag-iling. "You really owe me something in return, Jeff."

Nangunot naman ang noo ni Jeff, "Bakit ako pa ang may utang? Hindi ba't ikaw dapat ang may utang sa'kin?"

"Well, for me, having that crap impression is a sin, my dear brother." mapang-uyam na tukso ni Alexus kay Jeff.

Marahas na napabuntong hininga si Jeff, "Sabihin mo na lang kaya na gusto mong umiwas sa naging tingin ko sayo. Para kang gago na na nagpapa-as if na cool."

Tawa lang ang naging sagot ni Alexus sa kaniya, tipo ng tawa na tunay at natutuwa talaga dahil nainis niya lang naman ang kapatid niya. "I won't admit, but you really have to do me a favor bro."

"Papatayin mo ba ako sa pagod, Monteiro number 1? May gagawin pa nga akong surpresa para sa'yo, tapos ako pa uutusan mo sa gusto mong ipagawa sa'kin?" at hindi maiwasan ni Jeff na hindi mag maktol. Hindi pa nga niya naisasagawa ang naisipan niyang laro kay Thomas ay sinira naman ng kapatid niya ang mood niya. Parang gusto niya na lang tuloy umuwi sa bahay niya at matulog magdamag.

Ito rin kasi ang panahon na nagbili pa si Jeff ng bahay malapit lang sa bahay na inuukupa ni Thomas, upang makapag spy. Wala pa nga siyang ginagawa ay pakiramdam niya, pagod na pagod na siya.

"Titingnan ko lang. Ano ba 'yun?" iritado niyang tanong.

Dumaan ang multong ngiti sa labi ni Alexus habang naglalaro naman sa kaniyang isipan ang mga plano niyang eksena na gagawin nila ni Jeff. "Pero teka, tatanungin muna kita Monteiro number 2."

"Tanong na naman? Ano ba 'yan? Interview session?"

"Hindi, ogag. Marunong ka bang umarte?" tanong ni Alexus na ikina-isip naman ni Jeff.

"I won an award as the Campus's drama King no'ng high school. hindi ko alam kung marunong pa ako ngayon. Pero para saan naman?" hindi niya alam kung para saan ang tinatanong nito sa kaniya, pero tingin niya ay may kalokohan ding naiisip ang kapatid niya.

"Right after you're done with your works there, I want you to chase me here. Di'ba sabi mo may surpresa ka sa'kin? I'll wait for that first. Then I will be leaving for almost two weeks. You should be here around that time and when I come back, I will call you. Ang gagawin mo lang ay paghinalaan si Denise. Scare her and use fish to fuel the scene." Sa sinabi ni Alexus ay biglang nagbalik sa katawan ni Jeff ang pagka-thrill.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now