"Ayown! Tara tara mga ungas!" Tumakbo na si Denver sa gitna ng court, excited talaga to eh noh? Napangisi ako saka pumunta sa gitna.


Hindi ko talaga makakalimutan ung araw na nakilala ko si Dens, unang laro namin yon ng basketball dito sa court, siguro mga 6 or 7 years old lang kami non. Syempre larong bata, anong inaasahan mo? Konting tulak lang, iyak tapos sumbong.


Agawang buko parang ganon mag laro si Denver, mahilig gawing shield ung katawan niya maprotektahan lang ung bola. Magkakampi kami non, since hindi pa kami magkakilala .. nakalimutan niya atang kakampi niya ko.


"Dito! Dito!" Sigaw ko sa kanya habang ginagawa niyang shield ung katawan niya. Tumingin siya sakin at umiling, nagtaka naman ako ng nilagpasan niya ko tapos siya nag shoot ng bola.

 

Lumingon siya sakin, "Kalaban ka kaya." Aniya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

 

Napataas ako ng kilay, "Ako? Kakampi mo ko!" Lumapit ako sa kanya saka pinakita ung naka tuck – in kong damit. "Diba lahat ng naka tuck – in, magkakampi?" Tanong ko dito.

 

Ngumiwi siya, "Sinuksok mo lang yan sa loob ng shorts mo kanina eh! Naka tanggal kaya yan kanina nakita ko!"

 

"Hindi kaya! Sumbong kita eh! Magkakampi tayo!" Sabi ko habang pinagpipilitang magkakampi kami.

 

Umiling siya, "Wag mo nga ako kausapin." Tumalikod siya atsaka nagsimulang kunin ung bola. Kinausap niya ung iba pa naming kalaro na wag na daw akong isali. Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya.

 

"Isali na natin si Gino, Denver. Magaling kaya yan!" Sabi ni Ross sa kanya. Napatingin sakin si Denver habang inaayos niya ung mga goma na nasa kamay niya. Mukhang ang dami niyang napalalunan kanina ah?

 

Bahagya akong ngumiti habang nakatingin sa kanila, lumapit siya sakin saka ako inakbayan. "Sige magkakampi na tayo! Magaling ka din ba sa pogs?"

 

Ngumisi ako at tumango, "Lagi akong panalo!" Pagyayabang ko.

 

Nakipag apir siya sakin, "Ayos! Bestfriend na tayo ha?" Napa taas ung kilay ko sa sinabi niya. Ganon ba kadali makakuha ng bestfriend? Kapag magaling ka sa pogs pati magaling mag shoot ng bola, bestfriend ka na agad?

 

"Bestfriend?"

 

"Oo! Basta kakampi kita lagi ha?" Ngumiti siya ng pagka laki laki habang nakaakbay sakin. Tumango na lang ako habang naka titig sa magkabila niyang kamay na punong puno ng goma. Ang galing niya, pano niya naipon lahat ng yon? Samantalang ung sakin hindi man lang lumagpas ng sampu.

 

 

9 years old kami nung nagpa – tuli kami. Maylibre kasing patuli saka pa-bakuna si Mayor sa court kaya hindi na pinalampas ni Ate saka ung mama ni Dens na si Tita Lucy ung pagkakataon . Kabadong kabado ako habang nakapila kami ni Ate. Nasa unahan ko si Denver na namumutla na, kanina pa siya palinga linga sa mga batang tinutulian.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon