Humingi siya ng continental breakfast. Pagkatalikod ng lalaki'y napangiti siya. Karaniwan na'y prutas at fresh orange juice lang ang almusal niya. For a change, gusto naman niyang mag-almusal ng tama. Isa pa'y wala siyang balak na balikan ang dating trabaho sa New York.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya
pagkaisip sa trabaho at mabilis na muling naglakbay ang isip pabalik.

Pagka-graduate niya ng kolehiyo sa isa sa mga
kilalang unibersidad sa Maynila ay umalis siya patungong Paris upang dalawin ang kaisa-isang kamag-anak ng Mommy niya. Si Lucia, tiyahin ng mommy niya at biyudang retired teacher. May isang anak na lalaki subalit nasa destino lagi.

Hindi niya inaasahang sa pagto-tour niya'y may makapunang talent scout and freelance photographer sa kanya, si Bruce, who later became a dear friend. He offered her a job. Modelo para sa isang kilalang jewelry manufacturer.

Sa una'y hindi siya makapaniwala sa inaalok ng
talent scout. Subalit nang puntahan niya ang address na ibinigay nito'y ganoon na lamang ang tuwa niya. She passed all the screen tests. Perfect sa kanya ang bawat alahas na ipasuot sa kanya at pagkatapos ay kinukuhanan ng larawan. She had a classic face, ayon sa mga advertisers. A Eurasian beauty. A kind of face
that was so captivating. Ang ama niya'y Pilipino subalit Italyana ang namayapang ina. At minana niyang halos ang pisikal nitong anyo.

"You look like your mother," masuyong wika ng
tiya niya sa Pranses. "I missed her so much. I'm glad you've found a job here and that would make you stay with me..."

"So do I, grandmere..." sagot niya. Bagaman
hindi siya sanay magsalita ng Pranses ay naiintindihan niya kahit paano ang matandang babae. At alam niyang nalulungkot ito na sandali lamang ang bakasyon niya at ganoon na lamang ang tuwa nang malamang may trabaho siyang natagpuan doon.

She was ten years old nang mamatay ang ina niya. Heart failure na taglay na nito mula pagkabata. Doon niya unang nakita si Lucia nang dumating ito ng Pilipinas para sa libing ng ina. Pagkatapos noon ay regular na ang komunikasyon ng dalawa sa sulat at sa pagbibisita niya sa Paris paminsan-minsan.

Doon nagsimula ang pag-angat niya sa larangan ng modelling. Makalipas lamang ang isang taon, mula sa mamahaling magazine ay nahimok na rin siyang subukan ang rampa at imodelo ang mga damit ng mga kilalang couturiers.

Isa sa mga privileged Filipinas na naging successful sa prestihiyosong karerang iyon sa ibang bansa. Though not really very tall at five feet and five inches, ang pagiging slim niya'y tila nagdagdag ng ilang pulgada sa height ng dalaga. Plus a Eurasian face that stops traffic.

Higit sa lahat, naroon ang hindi mabilang na mga lalaki na naghihintay ng atensiyon niya. She dated a few, Rich and handsome men, not to mention the DOMs, na kung saan ay magalang niyang tinatanggihan. Pero wala man lang ni isa siyang napupusuan sa mga guwapong Italyano.

Hanggang sa makilala niya si Xander, isang
guwapong Italyano at kilalang negosyante maging sa labas ng Europa.

Sa isang show niya sa Las Vegas ay ipinakilala sa kanya ng isang kilalang designer si Xander. At mula noon ay hindi na siya hiniwalayan nito. Laging naroroon sa bawat show niya, handsome and charming and enchanting. Matalino at mayroong sense of humour at tuwina'y napapatawa siya.

And she was so naive na inakala niyang nabighani ng ganda niya si Xander. And she was in love with him tulad din nito sa kanya. At ang isa pang higit na naka-attract sa kanya rito ay ang hindi nito pamimilit sa isang bagay na ayaw niya -- that is, pre-marital sex.

Bagaman hindi naman siya direktahang niyayaya nito ay binuksan ng binata ang topic minsang nasa isangbrestaurant sila. He laughed at her gently nang sabihin niyang napakakonserbatibo niya pagdating sa bagay
na iyon.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWhere stories live. Discover now