Maarte na kung maarte pero kahit sobrang gutom na ako ay di ko maiisipan kumain ng sardinas.

"Alam mo napakaarte mong tao!"sigaw niya sa akin kaya tumaas ang kilay ko ,"Walang budget si Boss para bigyan ka ng matinong pagkain! Kaya sa ayaw at sa gusto mo kainin mo yan!"

"Ayoko ngang kainin..."napipikon na ako.

"Aba't sumasagot ka pa! Gusto mo ako magpakain sayo ha parang matanggal na yang kaartehan mo sa katawan mo tangina!"sobrang galit na siya kaya nagpanic na ako na unti unti na siya lumalapit sa akin habang dala dala niya yung pagkain na niluto niya.

No way!

Akmang hahawakan na niya yung baba ko na biglang may nagsalita kaya napatigil yung kidnapper sa pamimilit sa akin para kumain.

"Wag mong pilitin kumain kung ayaw ,"napatingin ako sa nagsalita at nakita kong may hawak siyang sigarilyo sa kamay niya. Masyadong bata itong tingnan hindi katulad sa mga kidnapper na nakita ko na may mga edad na.

Nasa mids 30 siguro dahil batay sa pangangatawan niya. May itsura din kahit papaano kaya di mo mapaghahalataan na kidnapper siya.

"Wag ka ngang makialam dito Froilan!"pagalit na sabi ng isang matandang kidnapper.

"Diba sinabi sayo ni Boss na wag na wag sasaktan ang anak ni Gilbert ,"seryosong saad niya ,"Kaya kung ako sayo hayaan mo na lang siya diyan kapag nalaman pa ni Boss na sinasaktan mo yan baka mauna ka pa niyang patayin."

Di makasagot ang matandang kidnapper. Tinignan niya ako ng masama dahil doon at marahas niyang inilapag na lang sa baba yung pagkain.

"Pasalamat ka bata ,pinoprotektahan ka ni Boss na di ka masaktan."nanlilisik na mata niya saka siya umalis sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko. Bakit di ako hinahayaang masaktan?

"Ayos ka lang?"napapitlag na lang ako na biglang magsalita yung isang kidnapper dito.

"Hindi ako okay kung yan ang gusto mong malaman!"I sarcastically said then I rolled my eyes.

Alam na ayoko dito sa lungga nila nagtatanong pa siya kung ayos lang ba ako? Tanga ba siya? Tsk!

Di na lang siya kumibo bagkus umalis na lang siya sa harapan ko—kaya ang ending ay ako na naman ang mag isa dito. Mabuti na rin yon para magkaroon ako ng oras para umisip ng paraan para makatakas sa napakabahong warehouse na 'to!

Ilang oras ako nakatulala pero para maghanap ng paraan pero bumagsak na lang ang balikat ko senyales na sumuko sa kahibangan ko na 'to. Ilang araw na ako nakatali dito at wala man lang tao ang gustong sumagip dito sa akin!

Kumusta na kaya si Kevin? Ayos lang ba siya? Wala na ako naging balita sa kanya dahil kinuha ako bigla ng mga kidnapper. And about Bryle? Hinahanap din niya kaya ako dahil dalawang araw na akong nawawala?

I'm sure nakarating na rin 'to kay Bryle dahil alam kong ibabalita ni Kevin ang nangyari pang-kidnap sa akin ngayon. Sana mahanap din nila ako dahil gustong gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makawala sa bangungot na 'to.

Hindi ko ma-imagine sa buhay ko na bibigyan ako ng ganitong pagsubok. Di ako sinasaktan dito pero.....pinapahirapan ako sa pananatili ko. Na parang pinipilit ko na lang maging malakas para di nila makita ang kahinaan ko. Pinipilit ko maging matibay para wala silang gawin na masama sa akin.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now