Chapter 37: Behind her smile

Start from the beginning
                                    

"Do friends kiss?" I asked out of the blue na ikinalingon niya bigla at pulang pula ang mukha niya. I gulped and blinked because I didn't intend to actually asked it... but I already did.

"M-malamang hindi!"

"But we already did..." I murmured to myself.

"A-alam mo, you broke your own principle! Nauna yung kiss and hugs kaysa sa l-label! Galing ahh!" Hindi niya makapaniwalang sabi at dinuro pa ang mukha ko.

"Nagustuhan mo rin naman..." Then I smug that made her face look even red. Kukurutin na niya sana ako sa pisngi when I said something that stop her.

"I know that girls do want confirmations, yet to say it honestly, words failed to explain what I'm actually feeling whenever I'm with you... malabo man 'tong nararamdaman ko pero ang tanging alam ko... masaya ako kapag andito ka sa tabi ko... funny that I only accepted that fact now, maybe before I did felt it but I denied that feeling..." I said. Hindi na siya nakaimik at nakatitig na lamang sa akin. Her cheek is as bright as red rose that makes her cute in my eyes, kaya't hindi ko napigilang bigyan siya ng mabilis na halik sa labi na ikinadilat ng malaki ng mata niya.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Theo. Nagtataka ang itsura nito habang nakatingin sa amin ni Darlene that made her stood up and took the tray at walang lingon-likod na umalis ng room ng walang pasabi.

"Napano 'yun?" He asked but I shrug my shoulder.

"Bukas na raw umpisa ng chemo?" tanong niya at naupo sa malapit na upuan.

"Yeah..." I shortly replied at inayos ang kumot sa katawan ko bago nahiga nang maayos.

"Something bothering you? Kung mayroon, iwan mo muna iyan at magfocus ka sa pagpapagaling. Saka mo na isipin kapag magaling ka na. Paano mo 'yan aalalahanin kung patay ka na?" aniya na ikinalukot ng mukha ko.

"You really want me dead, don't you?"

"I'm just saying factual statements..."

Ilang minuto kaming tahimik nang muli siyang magsalita.

"I'm sorry. In behalf of them..."

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Nakalimutan mo na naman? Kaibigan ko sila noon... naging isa ako sa samahan nila. I feel ashamed that they did that to Paolo." Aniya na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang alam niya iyun.

Ipinaliwanag niya na isa roon sa kanila ay may koneksiyon pa kay Theo at naikuwento iyun.

Ilang araw na ang lumipas at habang tumatagal ay nagiging bukas na ang usapan. Isa sa mga estudyante ay pumayag na na maging witness para sa nagawang mali ni Arthur, the student who pushed Paolo to death.

Nagkaroon na ng trial, the defender fought for his innocense and the offenders quite find it hard to send him guilty.

Habang nangyayare ang mga ito ay wala akong nagawa kundi manatili lang sa ospital at magpalakas.

"Say ahhh..."

I took a small portion of soup fed by Darlene. Sa kasagsagan ng mga kaganapan, siya ang nanatili sa tabi ko para bantayan ako. She already knew the case but I didn't see much reactions from her, kahit mabanggit ang bagay na iyun sa akin ay ni minsan ay hindi niya ginawa. She only speak about it when I'm the one who's opening and asking.

"Nakailang chemo ka na. Dapat magtuloy-tuloy pa para gumaling ka na kaagad..." banggit niya at ngumiti nang pagkatamis sa'kin.

She comb my hair using her fingers and her face reaction changed, I saw her gloom. I felt it in my sculp and I chuckle a little.

"Nalalagas na pala buhok ko? I'll become bald sooner..." I joked.

"N-normal lang 'to. Syempre nagki-chemotheraphy ka ehh. Wait, may naisip ako! Gawa tayo ng bonnet. You still remember how?" she gleefully suggested and I nod.

"Anong color yung gusto mo? Hulaan ko, red di ba??? Madalas kasi pula suot mong polo kapag may lakad ka ehh..." she laughed and fed me again.

Natawa ako dahil napansin niya iyun. She's right about it and I'm impressed.

"Malapit na graduation! You won't mind if you're bald when you receive your diploma naman hindi ba?" natatawa niyang tanong na ikinailing ko.

She's unusually cheerful, but I might be mistaken. Perhaps I am expecting something from her which kind of irrational to think. Noon pa man ay masiyahin na siya at maingay, palabiro at minsan ay nagbabaliw-baliwan.

"Ayos lang naman sa akin... 'yun ay kung buhay pa ako 'nun..." I said that made her become silent. Noong una ay hindi ko mabasa ang mga titig niya sa akin na pagkuwa'y biglang naging matatalim.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Gutom lang yan..." and she give me another spoonful but I only stared at it.

"What if I didn't make it?"

"BLA BLA BLAAAAA WALA AKONG NARIRINIG! Sige na, magpahinga ka na..." at tumayo siya dala ang pagkain. She glared at me first bago tuluyang lumabas ng pinto. At dahil sa antok, I drifted off to sleep after she left my room.

Siguro ay ilang oras din akong nakatulog. I open my eyes and saw that the sun is already setting at the horizon. The orange sky from outside told so.

My vision is a bit blurry dahil kagigising lang, at ang may kadilimang paligid ay dumagdag rito.

I'm only bothered as I heard someone sobbing near me. I roam my eyes around and I saw Darlene from a distant desk. Bahagya siyang nakatalikod sa akin at may pinapanood sa cellphone niya habang may ginagawa. It's a tutorial on how to knit bonnets and scarfs.

I saw that she's knitting something... and it's a red bonnet. Umiiyak siya habang nagsusulsi non.

I watched her for a while. Pamaya-maya ang paghinto sa pagsusulsi dahil sa pagpahid niya ng luha sa pisngi. Ang tanawing 'yun ay dumudurog sa puso ko.

"Darlene..." I called weakly na kaagad niyang ikinatigil at mabilis na pinahid ang mga luha niya bago ako lapitan.

"G-gising ka na pala! Tingnan mo, sinimulan ko na 'yung bonnet mo. Medyo madilim pero ang ganda ng pagkagawa ko!" masayang pagkakasabi niya at pinakita sa akin ang simula ng paggawa niya.

I look at it for a while before staring at her face. Kahit ano pa mang tago niya ay halata ang mga luhang natuyo sa mukha niya.

"Y-you cried again..." I whispered and caressed her cheek.

"H-ha? Ah! Oo. May pinapanood kasi ako k-kaninang movie... sobrang nakakaiyak eh..." she chuckle and smile again. She might think that i'll be relieved on what she said, but that hurts more than ever.




End of Chapter 37:
Behind her smile

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now