Simula na naman ng School

6 0 0
                                    

Bakit kapag bakasyon, nakakaexcite na pumasok? Pero kapag first day na ng school, tulad ngayon, nakakatamad na ulit? Bakit ganon?


"Lauren! Kanina ka pa ginigising ah! Alas singko na!" Si mama, daig pa ang alarm clock.

"Kakain ka pa, maliligo ka pa, ang tagal mo pang magbihis, unang araw late ka nanaman, pagagalitan ka pa!" Si mama, instant horoscope din.


"Gising na po! 5 minutes!" Snooze ba.


"Hay nako Lauren, yang 5 minutes mo magiging 30. Kung hinahanda mo na iyong gamit mo ng hindi ka naghahabol. Maaga ka tumayo para makapag unat unat naman ng buto. Kumain ka rin habang mainit ang kanin." Akalain mo, si mama, ay orator na rin.


Naiintindihan ko naman si Mama. Kami lang kasi ang magkasama. Hindi ko na nakilala ang biological father ko kasi iniwan niya si Mama noong nagbubuntis sa akin. Ang sabi lang nya, complicated raw.


"Lau, dalhin mo na itong susi ng bahay. Baka tulog na ako pagdating mo. Lutuan na lang kita ng hapunan, anong gusto mong ulam?"


Call center ang trabaho ni Mama. Saliwa ang oras namen. Simula ng mag-teenager ako, humiwalay na kami ng bahay sa Lola ko. Si Mama lahat ang nagpapalaki sa aken. Astig ni mama.


"Sige ma, kahit ano na lang po." "Oh sya, umuwi agad ok, wag ng tumambay."







Grade 9. Ano kayang nagaantay sa akin ngayong taon na ito? Amity High.


Pangalawang taon ko na sa school na ito since lumipat kami dito ni Mama. Iilan pa lang ang naging kaibigan ko. Hindi pa nga kaibigan eh, kakilala lang. Siguro kasi hindi naman ako friendly. O sila lang ang hindi friendly sa akin?


Ayoko kasi ng trip nila. Ayaw rin ata nila ng trip ko. Quits lang.


"Hi Lauren, how was your summer?" Ella in her Orocan tone.

"Hot." In my Tupperware heavy tone. Ayun, umikot nanaman sa eye sockets nya ang eyeballs nya. Kasabay ng pagikot ng mga dulo ng buhok niya.

Ang aga-aga, umeffort magkulot? May party?


Ano? Ako ba talaga ang may problema?









Drama ClubWhere stories live. Discover now