Chapter 3

2.9K 172 63
                                    

A/N: Hindi talaga ako masipag, tinapos ko lang draft ko rito na nabulok na.

Isabaw sa kanin ang ihi ng kambing.

Joke!

"Hazel! Nasaan dtr mo? Ipapirma mo na kay Ma'am, out niya na mamaya. Ikaw kawawa pag walang pirma yan, maiinvalid yang oras mo sayang pera." napatango na lang ako sa kasamahan ko sa part-time job.

Ewan ko ba kung bakit ako nag apply maging crew dito ang layo sa course na kinuha ko pero nag eenjoy naman ako. Ang babait ng mga staff dito, tapos sobrang approachable talaga nila. Noong bago pa lang ako very welcoming sila.

Libre ang meal! Grabe, hindi ka magugutom dito.

Silantro Fil-Mex Cantina.

Sa Pasig Branch ako naka assign, alangan naman lalayo pa ako diba.

Kung ako sainyo try niyong kumain dito mga acla! Hindi ito sponsored, gusto ko lang ipromote dahil worth it talagang kumain. May branch din sa Kapitolyo, U.P. Town Center, Eastwood, ATC, Solenad, Urdaneta,
Dagupan, at Baguio.

Ano pang hinihintay niyo? Itry niyo na.

Pagkatapos kong magpapirma, agad kong kinuha ang basket na lalagyan ng sauce dahil may customer na magpaparefill. Then pumunta na agad ako sa bar area, dahil ako nakatoka magtimpla ng ice tea. Ang daming tao dahil weekend ngayon.

Nag lagay lang ako ng apat na basong tea sa pitcher, calamansi at fructose bago lagyan ng ice. Kinuha ko yung cocktail shaker para lagyan yun at ishake.

This is just easy for me, hindi niyo naitatanong bartender din ako sa isang bar. Ang dami kong part-time job, nasanay na yung katawan ko sa ganito although napapagod din naman ako kasi tao lang ako.

"Sa table 24 yan, Banana." sabi ni ate cashier na 7 years ng nagtatrabaho rito.

"Copy."

Pagkatapos kong magtimpla ay isinerve ko agad sa nasabing table. Isinunod ko naman ang dalawang glass ng mojito. Hanggang sa matapos ako sa pinapatinpla, nag hugas na rin ako ng mga baso at kutsara.

Pwede ng pang steak ang sweswelduhin ko rito next week. Kung maaaya ko pa yung babaeng yun, hindi nga ako nagpapakita roon. Lagi kong tinatakbuhan, nakakahiya na kasi.

Makapal naman mukha ko kaso hindi ko kayang humarap. Sus, hindi naman yun sasama pag inaya ko. Ayaw na non baka akalain niya sa cheap at tabi tabing kainan ko lang siya dalhin.

Maarte pa naman ata siya.

Nag refill na rin ako ng tubig sa mga pitcher na walang laman. Mabuti na lang ganito, maraming ginagawa minsan kasi nakakaantok talaga lalo pag walang customer. Hanggang ala sinko lang ako rito, sunod na duty ko sa bar naman. 6 hanggang closing na ako.

Nakita ko naman si Ethel na mukhang masama ang timpla. Inakbayan ko naman siya. "Problema mo? Daming customer oh, huwag ka nga sumimangot. Sige ka, baka bigla na lang silang magsi alisan." biro ko.

Inismiran lang ako. "Paano ba naman! Kung pwede lang manabunot ng customer ginagawa ko na. Pilosopo ampota, sarap sakmalin. Tinanong ko lang naman kung ilan sila, tapos ang ganda ng sagot sa'kin." napakunot naman ako ng noo, ang ganda pala ng sagot.

Tanga talaga 'to!

"Anong sagot?" hindi ako tsismosa, unahan ko na kayo.

"May nakikita ka bang kasama ko. Punyeta talaga, anong alam ko diba? Malay ko ba kung may kasama pa siyang iintayin. Bwesit na kalbong yun." pinisil ko na lang ang pisngi niya, mainitin talaga ulo nito.

Ang dami ko ng na encounter na ganiyan, may isa pa ngang customer na nagtanong kung lamb na talaga karne nong lamb chop. Commonsense naman na oh my ghad, kaya nga lamb  diba. Edi lamb yung karne, alangan naman beef.

Loving Miss BananaWhere stories live. Discover now