Prologue

4K 185 30
                                    

"Anak ng tatay mo ka! I'm a digital marketer here. Hindi ako ang personal assistant at slash secretary mo Miss Buen. Ano bang trip mo sa buhay?" inis na sigaw ko rito.

Pinatawag lang naman ako rito para lang timpalahan siya ng kape? Sinong matutuwa roon, nag aral ako para hindi maging utusan lang at taga timpla niya ng kape.

Anong trip ng babaeng to?

Kahit siya pa may ari nitong kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ko talaga siya uurungan.

Inuubos niya na pasensya ko.

Ilang beses na rin akong nagtimpi sakaniya, namimihasa na siya. Wala na sa trabaho ko bilang isang Digital Marketer ang pinag uutos niya. May inaasikaso pa'kong upcoming advertisements para next week.

Sino ba kasing matinong tao ang sisentahin ang personal assistant niya kahit wala namang ginagawang mali at maayos ang trabaho sakaniya.

Malamang siya lang.

Tapos yung secretary niya naman missing in action.

Tinawag pa'ko mula 5th floor para lang utusan sa mga small things na kaya niya naman gawin. Kung hindi lang mataas ang sweldo ko rito, noong una pa lang nag resign na'ko.

"20 thousands and a bunch of banana, make a coffee for me." she seriously said while making an eye contact to me.

Bigla naman akong naglaway ng marinig ang saging na suhol ng babaeng 'to.

Hindi ka marupok Hazel.

Hayaan mo siyang gumawa ng sarili niyang kape, kaya mo namang bumili ng saging. May saging din sa baba.

Huwag kang papa uto.

Hindi pwedeng ganiyan na lang siya lagi, ano bang silbi ng kamay at paa niya para hindi magawa ang pinag uutos niya sa'kin?

Hindi ako masisilaw sa suhol niya.

Tama.

"Fine! Give me a seconds. Igcash mo na rin yung 20k! Huwag kang scammer kung ayaw mong kulamin kita."

.....

A/N : HELLO GUYS! ANOTHER STORY NA NAMAN, NAISIP KO LANG BIGLA TO. HINDI SIYA PROFXSTUDENT PARA MAIBA NAMAN. SORRY AGAD, ALAM KONG TAMAD AKO MAG UPDATE HINDI PA UMUUSAD YUNG IBANG STORY KO. 

I WILL UDPATE LATER SA STORY NI SEAH, GOOD DAY!

Loving Miss BananaWhere stories live. Discover now