"Mag-iingat ka, hija."

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago kunin ang shoulder bag ko at mabilis na umalis sa dining table.

Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Sapphire. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay bigla akong napaisip.

Paano kung bigla kaming magkita roon? Malaki ang Sapphire pero hindi pa rin malabo na pagkita kaming dalawa ni Dianne.

"Nandito na po tayo, ma'am."

Napatingin ako labas at totoo ngang nandito na kami. Nasa tapat na kami ng Sapphire. Nakita ko rin ang ibang estudyante na papasok palang habang yung iba ay pababa palang mula sa kanilang sasakyan.

I sighed before finally getting out of the car. I told our driver to go home, but he didn't want to leave me because something else might happen to me.

Wala naman akong magawa kaya hinayaan ko nalang. Siguro naman saglit lang ako rito.

Sinuot ko ang sunglasses ko at sinukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko bago tiningnan ang paligid. Nakasuot lang ako ng crop top na pinarisan ng black jogging pants at white rubber shoes. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok kong hanggang bewang na.

Naglakad ako papasok at hindi pinansin ang mga taong napapatingin sa akin. Nakarating na ako ng quadrangle at hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.

Hindi pa rin nagbabago ang Sapphire, gano'n pa rin naman. Mukhang school pa rin naman. Ang Sapphire University at CHU ay halos magkatulad lang, ang pinagkaiba lang ng dalawang eskwelahan ay mas malaki ang Sapphire kung ikukumpara sa CHU pero pareho namang maganda.

I sighed and decided to find them. I know where they hang out in Sapphire.

I turned back, but at the same time I bumped into someone. I almost fell, but luckily I managed to balance myself.

"Gosh!" matinis na tili niya. "Ang tanga!"

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. At dahil sa biglaan niyang pagtili, nakakuha agad kami ng atensyon. Yung ay iba mga huminto pa at naghihintay sa susunod na mangyayari.

"Look what you did, bitch!" she shouted angrily. "I spilled my coffee on my clothes because of you!"

Tumingin ako sa damit niya at totoo ngang natapon ang kape niya sa mismong damit niya ng magkabunggo kaming dalawa.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad. "Babayaran ko nalang."

Ayoko munang makipag-sagutan sa kaniya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano pa ang magawa ko. Baka sa susunod na makita at mahanap ako ng pamilya ko, nasa kulungan na ako.

"Babayaran?" Mapang-insulto siyang tumawa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Maybe you can't afford it. I mean, look at yourself. The clothes you are wearing are cheap. You're fucking cheap. I wonder how you got in here."

Maraming napasinghap sa sinabi niya habang yung iba naman ay nagbubulungan na kesyo raw ay naawa sa akin.

Hindi ba nila ako matandaan lalo na itong babaeng kaharap ko?

Natawa ako nang mahina. "Years have passed, but you still haven't changed. You're still a bitch."

Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay niya at galit akong tiningnan.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now