chapter 17

20 14 1
                                    

Elly pov:

I don't know pero naninibago ako na wala si amelia. Di naman kami ganun ka close pero namiss ko siya. Andito ako ngayon sa tree house niya. Wala pa akong ginalaw maski isang gamit. Halata na inaalagaan ang loob napakaganda nito. May maliit na kama pagpasok mo at may bintana sa gilid. Hindi ko alam kung bakit niya ibinigay sa akin to kahit baguhan lang ako pero nagpapasalamat ako sa kanya.

Pagkauwi ko kanina sa bahay galing school ay dito na ako dumiretso. Maayos naman ang bagong taon ko. Nagkakasiyahan sa mansion noong bagong taon. Kompleto kami maliban kay amelia at gio. Sa ngayon naghahanda na ang paaralan sa gaganapin ma valentines day. Wala naman akong maiambag sa kanila kaya hindi na ako nakialam kung ano man ang plano nila.

Pagkatapos ko libutin ang loob ng tree house ay nilock ko na ang pinto at bumaba. Simple lang ang babaan dahil may hagdan ito na gawa sa kahoy.

Pag pasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni sarai at hinila patungo sa upuan kung saan nakapalibot ang gamus.

" Where have you been Elly?" Agarang tanong ni coleen pero di ko na pinansin. Mula rin noong pasko ay dito na nanirahan sina amber at coleen.

" Teh elly baka may plano ka sa valentines day" sabi ni zera at inabot sa akin ang isang pirasong papel. Pansin ko din na may kanya kanya silang hawak. Agad kong tinanggap ang papel na inabot ni zera at tiningnan ito.

" May naisip na kayo?" Tanong ko sa kanila at agad naman silang tumango maliban kay shie at raine.

" Puro mga booth naisip namin. At bawat section ay hati hati tayo bale kukunin sa section natin ang magbabantay ng bawat booth." Ani thea.

" Example si jl at thea ay naka assign na magbantay sa marriage booth kasama ang grade seven." Paliwanag ni jen kaya tumango na ako.

" Sige, ano bang grade level ang naka assign sa akin?" Agaran kong tanong. Pansin ko naman ang pagkislap ng mata ni sarai kaya alam ko na agad kong ano.

" Grade eight elly" ani calix kaya tumango na ako.

" Bukas na tayo pupunta sa mga naka assign na level sa atin. Good luck gamus " ani shie at pagkatapos ay nagsialisan na sila. Nagpunta kami ni sarai sa kwarto namin at nagplano.

Kinabukasan ay nagtungo agad ako sa building ng grade eight. Madami naman akong kasama gaya nina yves at yung cristine kasama ang jowa niya na si micz.

Pagdating namin ay agad naming tinipon ang buong grade eight. Napagplanuhan namin na ang booth na gagawin namin ay "bitter booth" kung saan maaaring sabihin ng mga mag aaral ang hinanakit nila nang hindi nalalaman nino man. Hindi naman porket valentine day ay puro pag ibig at ang may jowa lang ang pede maging masaya. Pede naman sa pamilya kaya yung mga nasaktan o naiingit ay maaring mag punta sa booth namin para maglabas ng hinanakit.

Ang kikitain namin sa booth ay gagamitin namin para ibili ng mga gamit at pagkain para sa mga bata. Yun ang napagplanuhan.

Nang masabi na ni mics ang plano ay sumang-ayon na ang lahat lalong-lalo na si sarai.

Ewan ko pero ang kulit niya lage. Parang Hindi nauubusan nang energy.

(Kinabukasan)

Maaga akong gumising para maghanda. Ngayon na Ang valentines day at kailangan Kong ihanda ang booth namin.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako sa banyo at nakita ko si sarai na nakatayo na habang kusot kusot pa ang mata.

" Excited ka naman ate elly pero akala mo may ka date" diretso niyang sabi na nagpatawa sa akin.

" Edi date tayo mamaya" ani ko pero tinawanan niya lang at pumasok na siya sa banyo.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas din si sarai at nagbihis. Madali lang ang paghahanda na ginawa namin ni sarai.

La Familia De GamusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon