"Okay! I love you Wife"

"I love you too hubby and of course also our baby"

"We love you too wife-mommy"

"I love you too hubby-daddy"naka simangot na sinamaan ko ng tingin si, Amaris ng agawin nito ang cellphone ko at siya mismo ang pumatay ng tawag

" Hindi pa kami tapos nag-usap eh. "

" Sus! Nag babye na kayo diba? puro kayo I love you. "asar na wika nito

"Paki mo? Tawagan mo din girlfriend mo hindi yung naiingit at panira ka ng moment."masungit na wika ko rito

Muling bumalik ang kaba sa puso ko ng tuluyang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng Watson Mansion

Ewan ko kung bakit kinakabahan akong makita ulit sila dahil siguro hindi maganda ang huling pag kikita namin

"Good afternoon, Ma'am Sir." bati ni, Manang Em na siyang nag bukas ng pinto para sa'min

"Nay!" agad na sinalubong ko si, Nanay Nette ng makita ito siya ang tumayong Nanay at Tatay ko dahil laging Wala sila Mommy at Daddy kaya talagang malapit ang loob ko sakanya

"Naku na miss kitang Bata ka." ngumiti na lang ako saka muling yumakap rito

"Tinatawag niyo pa din akong bata eh may sarili na nga akong baby." naka ngusong wika ko rito

"Isip bata ka daw kasi." sinamaan ko lang ng tingin si Amaris saka inirapan

"Kailan mo naman balak dalhin dito ang Bata at ng makilala at makita ko manlang."

"Siguro pag-ayos na lahat, Nay alam niyo naman pong ayaw nila kay, Leif." malungkot na wika ko rito

"Huwag kang mag-alala, Neoma dahil paniguradong darating din ang araw na matatanggap nila ang Asawa mo. Mabait na bata si, Leif at malambing siya yung taong Hindi mahirap magustuhan kaya sure akong matatanggap din siya nila, Ma'am." lintaya nito

"Sana nga po, Nay." ngumiti ako rito

"Nasaan nga po pala sila, Mommy? Gusto daw po akong maka usap eh." tanong ko

"Nasa private office ng Daddy mo kanina ka pa nga hinihintay eh." sagot nito

"Traffic po kasi kaya natagal kami." paliwanag ko

"Oh siya puntahan mo na ang, Mommy at Daddy dahil mukhang mahalaga ang sasabihin sayo."turan nito

" Ay, Amaris ang bilin ni, Ma'am mag-isa lang pupunta dun si, Neoma."napatigil sa pag sunod sa'kin si, Amaris punta sa taas kung nasaan ang Private Office ni Daddy ganun din Ako

"Talaga, Nay? Bakit naman po? "takang tanong ni, Amaris rito

Huminga na lang ako ng malalim at mag-isang nag tuloy tuloy sa pag-akyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang Private Office ni Daddy

Huminto ako sa tapat ng pinto ng office nito bago kumatok ay huminga muna ako ng Malalim

" Enya!"Malaki ang ngiting tuluyang pinag buksan ako ng pinto ni Mommy saka pinapasok sa loob

"Ano pong sasabihin niyo sa'kin?"agad na tanong ko na saglit ikinawala ng ngiti ni, Mommy ngunit ngumiti din agad

"Why don't you sit first?" pag-ooffer nito

"I think there's no need for that. Hindi naman siguro ganun kadami ang sasabihin niyo sa'kin diba?" tanong ko

"Your disrespecting your mother."may babalang wika ni, Daddy ngunit na natiling naka tayo lang ako sa harapan nilang dalawa hinihintay ang sasabihin nila

" Pwede bang sabihin niyo na lang sa'kin yung dapat niyong sabihin? Dahil kung wala din naman aalis na ako dahil kailangan ko pang uwi."naiinip na turan ko

" Your getting married, Enya! "masayang wika ni, Mommy na ikinatigil ko

" W-What? "

" One our business partner agreed with this. At pumayag yung anak niyang pakasalan ka."naka ngiting wika nito

"I'm already married, Mom."madiing wika ko rito pilit pinapakalma ang sarili

" Kasal na ako at may pamilya na ako. Ano bang hindi niyo maintindihan dun!"puno ng galit na sigaw ko

Napa awang na lang ang labi at nanlalaki ang matang lumingon ako kay Daddy ng malakas na dumapo ang palad nito sa pisngi nito

" Don't shout at your mother! You will annul that man and marry the man we choose for you. "puno ng autoridad na wika nito

"Wala kayong karapatang saktan Ako?! "hilam ang luhang sigaw ko rito

"At hindi ko hihiwalay ang Asawa ko para lang pakasalan ang taong Hindi ko naman mahal at kilala! "
" No! Stop disappointing us! Marry that man!"Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi ni, Daddy

" Buong buhay ko sinunod ko kayo! Ginawa ko lahat para maging proud kayo sa'kin!Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko?! Kailangan niyo pang sirain ang buhay ko?! "

" We're doing this for you! "sigaw ni, Mommy

" Hindi! "puno ng sakit at galit na sigaw ko sakanila

"Ginagawa niyo toh para sa mga sarili niyo at sa pera?! Dahil kung ginagawa niyo para sa'kin toh tatanggapin niyo si, Leif bilang Asawa ko! Hindi mag hanap ng bagong asawang magugustuhan at pasok sa standard niyo!"galit na galit na sigaw ko sakanila saka sila tinalikuran at dali daling lumabas ng office

Mabilis na bumababa ako ng hagdan at muntik pang mahulog dahil nag kamali ako ng aapakan mabuti na lang at agad akong naka hawak sa barrier nito

"Enya, ano—"Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni, Amaris dahil mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan rito at mabilis na lumabas ng Mansion

Agad akong sumakay sa driver seat ng kotse at mabilis na pinasadida ito paalis hindi pinansin ang pag tawag nila sa'kin

Ang sakit... dahil lang sa hindi ko sinunod ang gusto nilang hiwalayan ang lalaking mahal ko ay disappointed na sila sa'kin...

Pilit na inaanig ko ang daan dahil nanlalabo na ang tingin ko dahil sa walang tigil na pag tulo ng luha sa mga mata ko

Hindi ko aakalaing magagawa akong saktan ni, Daddy na makakaya niyang pag buhatan ako ng kamay

Walang tigil ang pag hikbi ko habang nag mamaneho

Napalingon ako sa passenger seat ng tumunog ang cellphone ko na basta ko na lang nilagay dun

Hubby-Daddy Calling ~~

Nang makita kung sino ang tumatawag ay agad kong kinuha yun ngunit biglang nahulog

Nanlaki ang mga mata ko ng pag tingin ko sa harapan ay nakaka silaw na liwanag ang sumalubong sa'kin

Hindi ko alam kung anong nangyari pero naramdaman ko ang sakit ng katawan ko na Kung saan saan na tumama

Pilit na minumulat ko ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa dahil sa labis na pang hihina at hilo

Kita sa gilid ng mata ko ang cellphone ko na walang tigil sa pag liliwanag dahil may tumawag

Leifff... pilit na inaabot ko ito kahit na tila onti onting nilalamon na ako ng dilim bago ko pa tuluyang mahawakan ang cellphone ko ay tuluyan ng nag dilim ang paningin ko at walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang Asawa at anak ko

Leif

Baby Meissa....

The Brats Captivation ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon