The Ex-Girlfriend

1K 21 7
                                    

Kianna

Ang hirap pala. Ang hirap gumawa ng desisyon

Sinong siya?

Si Archer Morales o mas kilala bilang Arc. Miyembro siya ng isang sikat na banda kasama ng kanyang mga kabigan. Si Arc ang nagsisilbing bassist, si Lester naman ang drummer, abd kapatid ni Arc na si Carl and vocalist, si Kats ang Rythme Guitarist at si Hugh, ang Lead Guitarist. 'Yung dati small time na banda sa university namin, ngayon big time na. Biruin mo iyon, ang bilis ng panahon.

Tandang-tanda ko pa nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

(FLASHBACK)

"Don't do this to me." Sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay na marahas kong iniwas.

"Arc tama na sawang-sawa na ko. Simula nang sumikat iyang banda niyo, wala ka ng oras para sakin. Arc hirap na hirap na kong makihati jan sa oras mo!" Sabay tulo ng luha ko.

"Kianna hindi lang ikaw ang nahihirapan, ako din! Intindihin mo naman ako. Hirap din akong hatiin ang oras ko pero nakikita mo naman 'diba,  sinusubukan ko.  Alam mo namang pangarap ko 'to 'di ba."  pakiusap niya sa akin nagsusumamo pero hindi ko pinansin.

"Papipiliin kita ako o yang pagbabanda mo?"

"Kianna don't make me choose..." sabi niya na parang nagmamakaawa na.

"Uulitin ko, ako o yang pagbabanda mo" ulit na tanong ko.Hinihintay kong sabihin niyang ako ang pinipili niya pero hindi siya nagsalita at yumuko na lang.

"Okay. I understand. Nakapili ka na at hindi ako ang pinili mo." sabi ko at tumulo ulit ang mga luha ko.Sa paglalakad ko palayo ay umaasa ako na hahabulin niya ako ngunit nanatili lang siyang nakatayo habang pinagmamasdan akong umalis.

(END OF FLASHBACK)

Diba dapat masaya ako dahil ito naman ang gusto ko pero bakit parang hindi ko matanggap na wala na kami. Inaamin ko, naging makasarili ako noong panahon na iyon at hindi ko naisip ang mga napakaraming bahay. Gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko sa nagawa kong desisyon pero alam kong kahit saan banda mo tignan ako itong nagkulang sa pagintindi. Simula pa lamang ay parangap niya ang pagbabanda at sino ako upang pigilin siya sa pagkamit ng gusto niya. Sino ako para limitahan siya sa mga gawain niya sa buhay. Girlfriend ako at inaamin kong bukod sa ipinagkakait na oras sa aming dalawa ay kailanman hindi siya nagkulang biglang boyfriend ko. Gustuhin ko mang ibalik ang dati, sa tingin ko ay hindi na pwede dahil may iba na siya.

Si Abby, kaklase siya ni Arc noong college at napapabalita nga na mayroon siyang pagtingin noon kay Arc pero syempre dahil kami pa noon ay hindi siya napapansin marahil noong maghiwalay kami ay saka lamang siya nito nakita higit sa pagiging kaibigan. Kung tutuusin ay maganda naman talaga si Abby, mas maganda kaysa sa akin at a tingin ko naman ay mabait siyang tao dahil hindi naman siya magugustuhan ni Arc kung hindi. Ayon sa kwento ay nagkasama ang banda niya at si Abby sa iaang gig at soon nagsimula ang lahat. Siguro nga mas bagay sila,  pareho sila ng propesyong pinili kaya naiintindihan siguro nila ang isa't-isa. Isang bagay na hindi ko na nagawang ibigay kay Arc. Ang pagiintindi.

Nandito kami sa mall ni Isa, kaibigan ko. Nagpagawa ako ng costumized cap. Mahilig kasi si Arc dun kaya naisip kong iyon ang iregalo ko sa kanya. Malapit na kasi and birthday niya at imbitado kaming lahat sa concert nila. Hindi ko alam kung pupunta ako dahil simula ng nagbreak kami ay hindi na kami nagkita o nagkausap ulit.

"Pupunta ka ba?" Tanong ni Isa.

"Hindi ko nga alam"sagot ko at nagkibit balikat.

"Punta ka na! Minsan lang naman. Libre pa at isa pa masaya yun." sabi niya with matching taas-baba kilay.Alam kong nangaasar siya.

The Ex-GirlfriendWhere stories live. Discover now