Sulyap ng Pag-ibig sa Dilim

Start from the beginning
                                    

"Mama, tama po ba 'to?" Nilingon ko ang maliit na tinig. Pinakita niya sa akin ang iginuhit niya. Buong pamilya ang iginuhit nito na tingin ko ay ipinagkait ko sa kaniya.

Ngumiti naman ako, hininaan ang apoy ng stove at nilapitan ang aking anak na masiyadong abala sa iginuguhit. Hinagkan ko ang matambok niyang pisngi bago nagwika, "Galing-galing naman ng baby ko!" Napakalaki ng ngiti na humarap ito sakin, proud din sa sarili niya. Kamukhang-kamukha ng ama niya.

Sa murang edad ay nakikitaan ko na ito ng hilig sa paguhit kaya naman binilhan ko ito ng mga materials. Tuwang-tuwa naman ito.

"Mag-drawing ka lang d'yan, tatapusin lang ni mama ang niluluto nang makakain na tayo." Sugmagot lang ito ng, "Okay po, mama!" With matching thumbs up pa.

Naghahain ako ng pagkain sa lamesa nang marinig ang mga katok mula sa pintuan. 'Wala naman akong inaasahang bisita, bukas pa daw pupunta ang dalawa kong kaibigan para bisitahin ang inaanak nila.'

Nagkibit balikat na lang ako bago buksan ang pintuan, at halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng mapagsino ang matangkad na lalake sa harap ko. Mas gumanda ang hugis ng mukha niyo at bumagay ang malapad niyang balikat sa tangakad niya. Napaka-gwapo niya. Napahinto ako nang napagtanto kung ano ang mga iniisip ko.

'Ano ka ba, Portia, napagnasaan mo pa talaga!'

Nakatitig ang mariin at malamig niyang mga mata sa akin at  hindi pa rin ako makapagsalita o makagalaw. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito kami at bakit niya kami hinanap?
Hinihiling ko lang na sana hindi lumabas si Reeve, ang anak ko.

"Anong ginagawa mo dito?! Ba-bakit ka nandito?!" Sa wakas nahanap ko ang aking boses. Uutal-utal man ay nakapagtanong ako.

"Give me my son!" Para naman akong pinukpok ng bell dahil sa narinig. Paano niya nalaman?

"A-a-a-anong son ang pinagsasasabi mo?! Wala kang anak!" Sigaw ko rito na dahilan ng lalong pag-alab ng galit sa mga mata niya.

Siya pa ang may karapatang magalit? Sino ba siya sa akala niya! Hindi siya nararapat na maging ama ni Reeve!

"H'wag mo akong niloloko, Portia. Please, I just want to meet my son." Lumamlam ang tinig niya ngunit matigas ako. Pagtapos ng lahat lilitaw lang siya sa harap ko at sasabihing gusto niya ang anak niya?
"Yes, I was an asshole back then! Bata at mangmang pa ako noon, Portia. Nang magising ako na wala ka sa tabi ko para akong mababaliw, hindi ko malaman pero nakaramdaman ako ng kahungkagan. Please, Portia, just let me be with him I just want to fix everything. If hindi mo na ako kayang tanggapin, naiintindihan ko. I was a jerk but can't you give me a chance to be a father?" Mahabang lintaya niya na dahilan ng pag-iyak ko. "Matagal ko na kayong hinahanap, nabaliw ako kakahanap. Akala ko noon magiging maayos ako kahit wala ka kaso mali ako, maling-maling, lalo na nang makita ko ang pregnancy test sa banyo, nanghina ako. Doon ko lang napagtanto lahat ng mga nagawa ko. Two years ago alam ko na kung nasaan kayo, kaso wala akong lakas ng loob kaya inayos ko ang sarili ko, nagparehab ako, Portia, dahil ayaw kong makita at makilala ako nang anak natin na sira at walang naabot." Nanlalabo na ang paningin ko pero nakita ko pa din ang mga patak ng luha sa kaniyang nga mata. He looks so vulnerable, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Mama?" Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata at nilingon ang anak ko.

"Reeve, anak, pasok ka muna sa loob." Mahina kong saad pero hindi ito sumunod at tinitigan lang ang matangkad na lalake sa harap niya.

"Mama, siya si Mr. Ice cream. Yung ikinukwento ko po sa inyo na minsan lumalapit sa akin at binibigyan ako ng ice cream. Hello po, Mr. Ice cream!" Masayang bati nito. Napalingon naman ako Kay Raphael dahil sa mga narinig na impormasyon, nagtatanong ang aking mga mata.

"Hindi ko kinaya na subaybayan lang siya mula sa malayo kaya lumapit ako." Mahinang sagot ni Raphael na nabasa ang nagtatanong kong mga mata.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng aking anak sa aming dalawa ni Raphael. "Mama, bakit ka po umiiyak inaaway ka po ba ni Mr. Ice cream?!" Umiling naman ako bilang sagot.

Kinarga ko ang anak ko at dinala papasok sa sala. "Anak, may ipapakilala si mama sa'yo. Alam ko matanggal mo nang gusto itanong kay mama ang tungkol sa papa mo, makikilala mo na siya." Nakangiti kong saad. Nagliwanag naman ang mga mata nito. "Talaga po?!" Tumango ako sa tanong niya.

Naisip ko kasi na lahat naman siguro deserve ang second chance at nasa kaniya na iyon kung babasagin niya sa ikalawang pagkakataon. Nilingon ko si Raphael na matiim lang na nakamasid at nginitian.

"Si Mr. Ice cream ay ang papa mo. Ang pangalan niya ay Raphael Gale Hidalgo." Gulat na gulat itong tumingin kay Raphael at umiiyak na tumakbo upang sunggaban kito ng yakap. Buong kamay naman itong sinalubong ng ama niya. Naiyak lang ako sa nasisilayan. Hindi ko naisip na magkikita sila at magkakakilala. Ang akala ko ay tapos na ang lahat sa amin at hindi niya kami hahanapin. Akala ko hindi na mararanasan ng anak ko ang magkaroon ng ama.

"Papa, ang pangalan ko po ay Reeve Joaquin Cameron po!" Naiiyak pa na saad ng anak ko. "Ang tagal kitang hinihintay, papa, akala ko hindi na kita makikilala." Humihikbi pa itong nagpunas ang mga luha gamit ako chubby niyang kamay.

"Ako rin, anak, akala ko hindi ko na kayo mahahanap. Hindi na mawawala si papa, maayos na si papa para sayo, para sa inyo ng mama mo." Lumingon ito sa akin na ikina igtad ko. "Aayusin namin ito ng mama mo para buo ang pamilya natin." Nakatitig ito sa akin at bakas sa boses nito na seryoso ito. Hindi ko naman mapigilan ang pag-ngiti ng aking puso na hindi naman talaga tumigil na mahalin siya sa kabila ng sakit at panahon  na aming pinagdaanan.

"Hindi madali ang magpatawad at magbigay ng ikalawang pagkakataon, pero alam kong hindi ka rin naging perpekto at mayroon ding mga bagay na kailangan kong patawarin. Kaya't nais kong simulan natin muli at subukan na mas gawin natin ng tama. Masiyado rin akong naging selfish dahil tinago ko ang anak natin. Kaya sana hindi na tayo biguin ng pagkakataong ito para sa anak natin." Nakangiti kong saad. Lahat naman nagkakamali walang perpekto. Nabulag din ako ng sakit na natamasa ko kaya tumakbo ako.

Nakikita ko sa mga mata niya na talagang nagsisisi siya at handa siyang gawin ang lahat para maibalik ang tiwala ko sa kaniya. Kaya nais ko rin magbigay ng pagkakataon upang mapatunayan kong lahat nagbabago at maaaring pang maayos. Kitang-kita ko kung gaano niya ka mahal ang anak namin. Sa higpit ng yakap niya at sa nga titig niya mukhang tama naman ako ng desisyong ginawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now