[11] - P r e t e n d

ابدأ من البداية
                                    

“Oo na! Sige plan B na!” nagsimula na naman siyang mag-isip na parang genius nakakarumi! Kundi ko lang talaga gusto ang taong ‘to malamang nahampas ko na ‘to ng kawali at kaldero sa mukha!

“Ito ang plan B, bu-bwisitin mo lang naman ang kapatid ko. Bibigyan mo siya ng mga bagay na ayaw niya at yung mga bagay na kapag ginawa mo ay maiirita siya at mawawala ang pagka cool niya. Okay una sa lahat, ayaw ng ate ko ng bulaklak na tulips. Pangalawa ayaw niyang makakakita ng ibang tao sa kwarto niya at take note bawal kang lumapit sa kama niya. Nawawala ang pagka cool niya kapag nagugulo ang hairstyle niya tapos wala siyang suot na alahas at kapag ang damit niya ay galing lang sa ukay-ukay!”

Tae, ang dami naman yata nun! “Gaano ba ka sensitive yang ate mo? Binabad bay an sa zonrox? Gaanong kadaming kajejehan sa buhay ang ginagawa niya higit sayo?”

“Boring mo kausap. Ge, salamat matulog ka na.” tapos bigla niya akong iniwan. Aba! Walanghiya ‘to ah!

“Sige Gio Dray Min! Napakabait mo saludo ako sayo!” tapos di na ako nilingon. Naiwan akong mag-isa sa baba ng bahay nila at sobrang tahimik! Nakakaburyo!

Nagtingin-tingin na lang ako ng mga magazine ng may nalaglag na picture ng isang babae na kamukha ni Dray at parang halos kaedad lang din naming.

Nanlaki ang mata ko. Ang ganda niya, ang kinis ng balat tapos ang tangos ng ilong at basta perfect na kagandahan! “Hindi kaya ito yung kapatid ni Dray?”

Ilang oras ko ng pinagmamasdan ang litrato na ito at di ako nagsasawa. Kasabay na din dito ang pag p-practice ko ng wrong grammar at bisaya accent. Teka, anong makukuha kong kapalit dito?

*bzzz* *bzzz*

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at tiningnan ko naman agad kung sino ang nag text dito.

From: Dray

 

Bakekang, wala ka bang balak matulog? Sige ka baka magkatotoo nga na ikaw si bakekang. Goodnight!

 

-end-

 

Tch, so inaantay niya pala akong tumaas? Hindi na ako nag reply at umakyat na lang din sa kwarto ko. Iniisip ko pa lang ang mangyayari parang di na ako makatulog, baka mamaya mala Godzilla ang kapatid niya juice ko po!

-Thursday Morning-

“Bakekang! Bilisan mo na baka ma-late tayo!” otso naman kasi nakakahiya ang hitsura ko. Pagsuotin ba naman ako ng boots na hanggang tuhod tapos dress na nagkikintaban dahil sa glitters tapos yung buhok ko kirara. May pekeng nunal pa ako sa mukha tapos may pekeng makapal na kilay din.

“Oh yan bagay sayo din a tayo mahahalata ng kapatid ko.” batukan ko kaya siya!

“Tss, may extra pay ako na 10,000. Para akong bagong baba sa bundok nito eh!” sabi ko sa kanya at iniwan na siya. Sa hitsura ko ngayon pwedeng-pwede na ako maging clown! Bongga.

-Airport-

“Dali bakekang itaas mo na yang banner nandyan na yung kapatid ko!” kanina pa niya akong minamadali itaas ko na daw ang banner.

“SISTER IN LAW!” sigaw ko habang nagtatalon, nakita ko naman na binaba niya ang sunglasses niya at napatingin sa direksyon namin. Tae, ito na nga ba ang sinasabi ko ang sama ng tingin niya.

“Umayos ka, yang grammar at accent mo ha!” bulong sakin ni Dray saka tumakbo sa kanyang kapatid at sumunod na din naman ako.

“Oh my sister in law! Yours hair was so pretty. I do like it, very really much. Oh by the way highway my name are Yarumi Ashley kang, how about are you?” puchak! Sabi nila mahirap daw kapag nag e-english eh mas mahirap naman kapag wrong grammar.

“What the fuck is this!? Who is she?” omo, galit na agad. Dray naman kasi eh!

“Girlfriend ko nga pala siya. Diba honey bee?” puchak ano daw honey bee!? Nasaan na yung Baby Princess?

“Yes sweetie pie.”

“I don’t like you get lost.”

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن