Alimpuyong Puso by Andrea Cornilla

10.8K 163 16
                                        

Pinamana kay Mary Jane Bueno ng kanyang yumaong lola ang kanilang ancestral mansion na noong Spanish Era pa nakatirik. Saksi ang lugar na iyon sa mga pinagdaanan niya sa buhay simula pagkabata.

Subalit sa kanyang pagbabalik sa mansyon, hindi inasahan ni Mary Jane na sa ibang panahon pala siya dadalhin. Napadpad siya sa taong 1886, bilang Juana Maria Alcaraz Morales at asawa ang nangangalit na si Alvaro Morales na isang doktor.

Sa pagbabalik sa lumang panahon, sa panahon na may pamahalaang Kastila at hindi niya nakasanayan—anong magiging papel ni Mary Jane doon?

Anong mga lihim ang nakakubli na magdidikta sa takbo ng buhay niya?

Title: Alimpuyong Puso
Author: AndreaCornilla
Genre: Historical Fiction Fantasy Romance Novel
Status: Complete

#AndreaCornillaAlimpuyongPuso

**Disclaimer**

Ang ilan sa mga mababanggit na lugar o pangyayari ay bahagi ng kasaysayan sa partikular na lugar ng bayan ng Rosario at Padre Garcia na matatagpuan sa Batangas.

Inaamin ko po, na hindi pa ako confident sa story na ito at hindi gaanong kalinis at ka-accurate. Nagmula lang ang mga impormasyon sa aking research sa internet kaya kung may mapuna kayong pagkakamali, lalo na sa timeline, kasaysayan at kultura ng mga Pilipino noon sa Pilipinas, magaan kong tatanggapin at hahayaang iwasto ako. Sa ganoong paraan, hindi maliligaw ang iba pang makababasa at upang matama ko na rin po ang aking mga pagkakamali.

Gayunpaman, ang mababasa ninyong kuwento ay galing lang sa imahinasyon ng may akda at walang katotohanan.

Date Started: June 16, 2023
Date Ended: March 22, 2025

All Rights Reserved
Copyright © 2023

Alimpuyong PusoWhere stories live. Discover now