Chapter 25

303 8 0
                                    

READ AT YOUR OWN RISK!



“Ikaw na magbayad babaita ka. Nakikitulog at nakikikain ka na nga sa bahay pati ba naman dito sa labas papalibre ka pa rin. Baka nakakalimutan mo sino may trabaho sa ating dalawa." reklamo ko sa kasama ko.

Napagpasyahan naming mag Jollibee dahil ito ang malapit na fastfood chain dito sa tinatrabahuan niya.

“Nanunumbat na siya Lord. Kunin niyo na po." asar pa nito sa akin bago pumunta sa counter at mag-order.

Naghanap ako ng bakanteng table at doon naghintay. Hindi naman ganun karami ang customer kaya mabilis din siyang nakabalik dala ang order niya.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid dahil baka bigla na namang sumulpot ang dalawa rito.

“Traumatized yarn." pang-aasar nito ng mapansing hindi ako kampanti.

Gaya ng lagi kong ginagawa ay inirapan ko lang ito at hindi na pinatulan pa.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin kami. Laking pasasalamat ko ng hindi ko na nakita ang kahit anino nilang dalawa sa building na ito.

Wala na akong nagawa ilang araw dahil sa kakatakas sa kanila no. Idagdag mo pa si Shane na tila nagpapabuhay sa akin.

Kulang nalang at dito na tumira. Baka nga mamaya nandito na naman iyon eh.

“Dito ako makikitulog."

Hindi nga ako nagkamali dahil bigla na naman siyang sumulpot. Ganun lagi ang ganap namin. Maliban ngayon dahil may trabaho siya kaya naiwan akong mag-isa rito sa unit ko.

Naisipan kong bumili ng cellphone para may magamit ako. Ang keypad ko kase na phone ay hindi ko pa rin binabalikan ng baterya hanggang ngayon.

Bigla kong naisip kung kamusta na kaya ang lagay ng mga magulang ko. Maayos pa kaya sila?

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha dahil sa pagkamiss ko sa kanila. Hindi naman ako galit sa kanila eh. Nagtatampo lang ako kase tinago nila sa akin ang totoo. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako.

Pero pinapangako ko sa sarili ko na kapag tuluyan ko nang maaalala ang lahat ay babalikan ko sila. Dahil sa kabila ng lahat sila pa rin ang pipiliin ko.

Kailangan ko lang ngayon na ihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari sa oras na bumalik na ang alaala kong nawala.

Nagbihis na ako at lunabas upang bumili ng sarili kong phone. Hindi naman ako nagtagal dahil bumalik din ako kaagad, wala naman kase akong ibang gagawin sa labas.

Pagkarating ko sa unit ay inayos ko ang cellphone at tinawagan ang number ni Shane.

“Putang-ina! Yrich pwede ba tigilan mo ako!" bungad nito sa kabilang linya.

“Gaga! Si Chelsea to!" bulyaw ko sa kanya. Ang lutong na mura ba naman kase bubungad sa akin.

“Ay!" rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. “May cellphone ka na?"

“Tatawag ba ako kung wala." pambabara ko rito. Hindi gumagamit ng common sense eh.

“Oo nga no! Ano ba kaseng kailangan mo?"

“Uwi ka na. Bili ka pagkain." utos ko sa kanya.

“Bwisit ka hindi mo ako utusan—."

“Okay. Ako nalang pala bibili. Bibili nalang din ako ng bagong susi para hindi ka na makapasok dito sa—."

“Hala pauwi na pala ako. Sige bye!"

Natawa nalang ako. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya ang dito matulog sa unit ko.

Slowly Series #2: SLOW DIVE | COMPLETED | Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon