Pagkatapos namin kumain ay siya na ang pinaghugas ko ng mga pinggan. Aba't swerte niya kung ako pa no, ako na nga may-ari ng bahay.

Pagkatapos ay bumaba kami upang bumili ng gamot para sa hang-over. Kumpleto naman ang building na ito kaya hindi na rin namin kailangan lumabas pa.

Kasalukuyan kaming nandito sa elevator pababa ng ground floor. Nandun kase ang grocery section.

Medyo puno na ito. Nagulat kami pareho ni Shane ng pumasok ang dalawang lalaki na pareho naming iniiwasan.

“Hayop na yan! Hanggang dito ba naman sa elevator ayaw tayo tantanan." bulong nito sa akin.

“Huwag kang maingay Shane maawa ka. Mahal ko pa ang buhay ko." ani ko rin sa mahinang boses.

Habang pababa kami ay pakiramdam ko ang tagal ng oras. May lumalabas na rin at unti unti kaming lumiliit na nakasakay.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay anumang oras lalabas na ito.

“Kapag may lumabas sasabay tayo." bulong sa akin ni Shane na agad ko ring sinang-ayunan. Mas mabuting umalis na kami dahil anim nalang kaming nandito sa loob.

Mabuti na lang at hindi lumilingon ang dalawa. Kinakabahan din ako dahil baka makita nila ang repleksiyon namin.

“Tara na." mabilis akong hinila ni Shane palabas at inunahan ang tatlong babae. Narinig pa namin na nagalit ito at maraming sinabi pero mabilis kaming tumakbo palayo roon.

“Tara sa escalator." sigaw nito sa akin at mabilis kaming nagtungo sa escalator. Nagtago kami sa maraming tao upang hindi kami makita sakaling nasundan na naman kami ng dalawa.

Tila baliw na nga kaming dalawa dahil ginawa na naming hagdan ang escalator.

Kahit wala kaming balak umalis at lumabas sa building ay napilitan kaming umalis doon.

“Saan tayo?" tanong ko sa kanya habang buma-byahe kami sa hindi ko alam..

“Malay ko rin." sagot nito sa akin.

“Akala ko katapusan ko na."

“Punta nalang muna tayo sa office ko."

Dito nga kami pumunta. Bumili muna kami ng matinong damit dahil mukha kaming tanga na nakapantulog pa. Malay ba naman kase naming makikipaghabulan kami kay kamatayan.

“Bwisit! Ayoko pa sanang magtrabaho." reklamo nito habang inaayos ang mga papers na iniwan sa kanya ng manager nila.

Si Shane ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Ayon sa kanya ay isa raw iyong beach resort pero hindi siya naka assign sa mismong dagat. Opisina nila iyon dahil isa siya sa mga nasa accounting team.

“Akala mo naman gusto kong tumambay dito sa office mo. Para ko naring tino-torture ang sarili ko sa amoy ng papel at ballpen mo." reklamo ko rin sa kanya.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa amoy ng ballpen ma ginagamit niya at maging sa amoy ng mga papeles na nasa harapan niya.

“Edi umuwi ka para mahanap ka na ng asawa mo. Pasalamat ka nalang at dinala pa kita rito no." panunumbat nito sa akin.

“Gutom na kase ako."

Malapit na mag gabi at hindi pa kami kumain ng tanghalian.

“Saglit nalang, tatapusin ko pa to."

Hinayaan ko nalang siya upang mabilis siyang matapos sa trabaho niya. Wala rin akong balak tulungan siya dahil ayaw ko nga ang magsulat.

“Pahiram nalang ng phone mo. Pa online ako."

Habang hinihintay siyang matapos ay inabala ko ang aking sarili sa facebook.

Jaypee Montegrejo want to sent you a message.

Nagulat ako sa nagpop up na notification ko.

Agad kong tiningnan ang message request ko at nanlaki ang aking mga mata sa dami ng mensahe na pinadala nito.

Jaypee Montegrejo
     Huwag mo akong takasan, makikita rin kita.

Ang dami pa niyang message na tungkol lahat sa pagtakas ko sa kanya.

Jaypee Montegrejo
    Kilala mo pala ang ex ni Yrich. Sabihin mo sa kanya na miss na siya ng tauhan ko.

Agad akong naglog out at binato kay Shane ang kanyang cellphone.

“Bakit?" bulyaw nito sa akin dahil nagulat sa ginawa ko.

“Namiss ka raw ng gago mong ex." bulyaw ko rin sa kanya.

“Sabihin mo namiss ko rin siya." nakangising saad nito. “Lalo na sa kama." dagdag pa niya.

“Kadiri ka!"




***

cyrexzyrnx:

Don't forget to follow, share, vote and comment zyrnxiesss. Mahal ko kayo.

Slowly Series #2: SLOW DIVE | COMPLETED | Where stories live. Discover now