Pasimple kong siniko si Xaiver nang makitang bahagyang namutla si Charles. He swallowed hard.

"Chantal, I'll go ahead. I have lunch with my colleagues," biglang paalam ni Charles gayong kanina ay gusto niya akong imbitahin na kumain ng lunch. "You should uhm... eat lunch with your husband, too."

"Sige." Maagap akong tumango at ngumiti. "Salamat ulit sa libre."

"He treated you?" singit ni Xaiver at sinulyapan ang iniinom ko. His jaw clenched when he saw it was my go-to coffee. "You should join us for lunch, Charles," kaswal na pag-aya ni Xaiver sa kanya.

"Sir?" Charles was so eager to leave. Nagkunwari siyang hindi narinig nung una ang aya ni Xaiver.

"I would also like to treat you to lunch. You showed kindness to my wife, and I wanna pay you back by doing the same," paliwanag ni Xaiver. "Besides, I'd like to know more about you."

Hilaw na ngumiti si Charles saka tumingin sa akin. I could almost hear him pleading for help. Agad akong naawa sa kaibigan. It was time for me to step in. Hindi ko rin gusto ang tono ni Xaiver na parang may masamang binabalak.

"Huwag na, Xavi," sabi ko at ngumiti kay Charles. "Sige na, Charles. Baka hinihintay ka na ng mga kasama mo. Thank you."

"Thank you, and you're welcome," he politely told me, then turned to Xaiver. "I'm sorry for turning down your invitation, Sir."

"Ayos lang 'yon!" ako na ang sumagot para kay Xaiver.

Napalingon sa akin ang aking asawa. Nanatili akong nakangiti hanggang sa tuluyan nang nakaalis si Charles. And once he was gone, I knew I was about to meet a big storm.

"You care about him," sabi ni Xaiver habang paakyat kami sa kanyang opisina.

"He's my friend, Xavi."

"But he's also your ex," he reminded me.

"Pero magkaibigan pa rin kami. Alam na niyang kasal ako sa 'yo," paliwanag ko.

"He knew, and yet he still had the guts to invite you for a coffee date?"

Sa salamin ng elevator, nakita ko siyang nagtaas ng kilay. Bumuntonghininga ako. Bumukas ang pinto nang nasa tamang palapag na kami. Nauna akong lumabas. Agad siyang sumunod sa akin na parang tuta.

Hindi ako nagsalita hanggang sa nakarating kami sa loob ng kanyang opisina. Binati kami ni Joseph pero hindi ko man lang magawang tingnan ang kaibigan. Baka mamaya ay dumagdag pa sa ikinakaselos ni Xaiver.

"Kanina niya lang din nalaman nung dumating ka. Sasabihin ko pa nga lang sana kung sino ang pinakasalan ko," saka lang ako sumagot nang nasa loob na kami at nasara niya na ang pintuan.

"That's impossible. Hindi niya alam na kinasal na tayo? He didn't see it anywhere?" tanong niya. "We're all over the news, baby. I made sure that our wedding is highly publicized to stop the other guys who might want to pursue you."

"Wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao, Xavi. Gano'n na siya dati pa."

Umupo ako sa round dining table kung saang nakahanda ang lunch naming dalawa. Nakatayo siya sa harapan ko at hindi umupo. Even when he towered over me, I made sure I still had the upper hand.

"If you had only told me his name before, I could've sent him an invitation then."

Nalaglag ang panga ko sa nga naiisip niya. I knew he had crazy ideas. Buti na lang talaga at hindi ko sinabi sa kanya. Ano na lang ang iisipin ng tao kapag ginawa niya 'yon?

"Kahit na sinabi ko sa 'yo ang buong pangalan niya noon, hindi mo rin alam kung saan siya hahanapin. Ni hindi ko rin alam kung nasaan siya. We didn't keep in touch. Ngayon lang kami ulit nagkita," paliwanag ko.

Play PretendWhere stories live. Discover now