"Portal ng mga diyos at diyosa!" nanghihinang sagot ni Curton bago bumagsak.

"Ama!"

"Haring Curton!" ani ni Sapto at inalalayan na buhatin si Curton.

Puno ng sugat at dugo si Curton, samantala si Sapto ay may mga galos din ito at malaking sugat at lapnos sa kanang balikat.

Lumapit si Wiena sa ama at nakasunod si Treno, si Damon naman ay nanatiling nakatayo at nakatingala sa langit dahil may nababanaag siyang pigura.

"Ama anong nangyari? ang kaharian?"" nag-aalalang tanong ni Wiena.

Umiling si Curton. "Kami nalang ni Sapto ang nakaligtas, napakatuso ni Bukanao hindi ko alakain na napakarami na niyang alagad. Bawat matatalo niyang kaharian ay ginagawa niyang taga-sunod, sadyang napakalakas ni Bukanao. Nakatakas ako at nagtago, ngunit nahanap pa rin ako ni Bukanao nakipaglaban ako dahil wala na akong pagpipilian, mabuti nalang dumating si Sapto at tinulungan ako. Nang makahanap kami ng pagkakataon para makatakas ay agad kami nagtungo dito sa mundo ng mga tao, at ito nga narito kami sa harapan n'yo."

"May malaki tayong problema! mukhang bumaba na sila!" nababahalang sabat ni Damon.

"Anong—" nahinto si Curton ng umugong ang napakalamkas na tunog ng trumpeta, at napatingala sa langit dahil may mga nakalutang na nilalang doon. "Hindi maari!" halos mawalan siya ng ulirat sa nararamdamang takot, sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng labis na takot, hindi para sa kanya kun'di kina Dijana at Treno.

Nagtungo sila Damon sa loob ng baryo biño, nagkakagulo ang mga tribano dahil nakikita nila ang mga diyos at diyosa sa taas. May mga katanungan sa isipan nila na bakit bumaba ang mga diyos at diyosa? may malaki bang magaganap na digmaan? o katapusan na nilang lahat.

"Ama, bakit hindi kita magamot?" nagtatakang tanong ni Wiena, dahil ang kapangyarihan niya ay hindi gumagana upang gumaling ang mga sugat ng ama.

"Isa iyan sa kapangyarihan ni Bukanao, ang daluyot na mutya ay sadyang napakalakas hindi basta-basta maghihilom ang pinsalang nagawa nito," nakangiwing sagot ni Dijana.

"Ha? ibigsabihin nakuha ang mutya kay haring Leo?" tanong ni Wiena.

Tumango si Sapto. "Oo, napatay ni Bukanao si haring Leo at hinigop nito ang kapangyarihan ni haring Leo, gayon din si reyna Liway."

"Narito na sila," saad ni Damon.

Sumiksik si Treno kay Wiena, nasa harapan na nila ang dalawang diyosa at tatlong diyos na kalalapag lang.

Tumabi si Damon sa mag-ina at inilagay sa likuran niya. Umabanti ang isang diyosa at siya ngayon ang nangunguna.

"Ano itong nakarating sa'min, na ang anak ni Tamare ay may relasyon sa isang itim na engkanto? at nagkaroon pa ng supling!" maautoridad na saad ni diyosa Tiara.

Napahigpit ang hawak ni Wiena sa braso ni Damon at hinalikan sa noo si Treno na karga niya.

Ang mga tribano ay nakaluhod sa lupa at nakayuko ang mga ulo nila, ang ilan ay nanginginig sa takot dahil hindi biro ang naging panauhin nila.

"Walang katuturan ito!" sabat ni Curton, kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo.

Kahit si Sapto ay napayuko dahil sa presenya ng mga kaharap, hindi niya akalain na makakaharap niya ang mga diyos at diyosa.

"Talaga?" nakangising tanong ni diyos Milid. Sa iglap lang ay hawak na si Treno.

"Treno!" sigaw ni Wiena.

"Bitawan mo ang anak ko!" utos ni Damon, at nagliliyab ang mga matang nakipagtitigan kay Milid.

Tahimik namang nagpupumiglas si Treno, ayaw niyang gumawa ng ingay dahil sa sakit ng paraan ng pagkakahawak sa kanya ni Milid. Dahil ayaw niyang mag-alala ang ina at baka bigla itong sumugod.

Ngumisi ng nakakaluko si Milid at inisa ang pagkakahawak sa mga kamay ni Treno at itinaas. Kumawag-kawag ang mga paa ni Treno at tinangka pa niyang sipain si Milad, ngunit nasalo agad nito ang paa niya.

Umiling-iling si Milid. "Salbaheng bata, alam mo ang dapat gawin sa salbaheng bata?" sabay hila sa tainga ni Treno.

"Treno! bitawan mo ang anak ko! walang hiya ka!" galit na sigaw ni Wiena.

Pinatigas ni Treno ang mukha upang hindi makitaan ng sakit dahil sa paghila ng tainga niya. Namula ang mga mata niya nang makita kung paano magwala ang ina, habang pinipigilan ng lolo Curton at ama niya.

"Ina! hindi naman masakit!" saad ni Treno at pilit na ngumiti, para iparating sa ina na ayos lang siya.

Napakit si Treno nang kurutin ang tainga niya na ikinadugo nito.

Hahamakin Ang LahatNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ