12

69 1 0
                                    


Chapter 12

"Bakit ka nakikinig sa usapan namin?" galit na saad ni Wiena.

Ngumuso si Treno at nagkibit ng balikat lang siya.

Napatampal sa noo si Wiena sa kapasaway ng anak.

Walang paalam na tumalikod at umalis si Curton, ngayon ay naiwan silang dalawa na mag-ina.

"Anak komplekado ang sitwasyon ng pamilya natin, pero pangako aayusin ko ito at makikita mo ang ama mo," nakangiting saad ni Wiena sa anak.

_____

Malapit nang magtakip-silim nang makarating sila Damon sa bundok gibabano.

"Ikaw na bahala na tawagin siya, Pablo ang ngalan niya," saad ni Lito. At umupo sa nakauling bato na katamtaman ang laki.

Paulit-ulit na tinawag ni Damon ang ermitanyo, ngunit ilang oras na sila doon hindi pa ito nagpapakita.

"Anong kailangan ng anak ni diyosa Tamare sa'kin?"

Napalingon sila Damon at Lito nang may magsalita sa loob ng kuweba, umalingaw-ngaw ang boses nito. Hindi nila maaninag ang loob ng kuweba dahil subrang dilim.

Naglakas loob si Damon na pumasok doon, at nang makapasok ay naaninag niya sa dulo ng kuweba ang isang matandang lalaki. Subrang haba ng puting buhok nito na nasa lupa na, at ang balbas nito na aabot na sa tuhod.

Lumapit si Damon at tinitigan ang nakapikit na matanda, kulubot na ang balat nito.

"Kayo po ba si Pablo?" tanong ni Damon.

"Oo ako nga, anong kailangan mo?" sagot ng ermitanyo.

Umupo si Damon kaharap ang matanda.

"Kailangan ko malaman kung paano makakapunta sa mundo ng mga engkanto,"

Napasinghap ang matanda at napailing.

"Bakit?... bakit nanaisin ng isang tulad mo na tumapak sa mundo ng mga engkanto, alam mo ba ang magiging resulta nito?" saad ni Pablo.

"Dahil naroon ang aking mahal, isa siyang itim na engkanto. Limang taon na simula ng kunin siya ng ama niya, ngunit hindi pa rin siya bumabalik sa'kin," malumanay na saad ni Damon.

Tumayo si Pablo at napailing.
"Hindi maari!"

Napatayo din si Damon at nagsalubong ang kilay.
"Bakit hindi? alam mo ba o hindi?" tanong ni Damon. At hindi napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses.

"Hindi maari magsama ang itim na engkanto at ang Diyos! kakalabanin mo ang kalahi mo! mabigat na ipinagbabawal iyang nais mo!"

"Isusuko ko ang dugong diyos ko! kagaya ni Ina!"

"Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon? nagkakamali ka, hindi mo alam kung anong kayang gawin ng pamilya ng ina mo, malaki ang galit nila sa mga itim na engkanto. Patawad ngunit hindi kita matutulungan!"

"Pablo, tulungan mo na si Damon," sabat ni Lito.

"Nahihibang ka na rin ba Lito, alam mo... alam mo ang maaring mangyari kapag mangyari ang nakasaad sa propesiya," paalalang saad ni Pablo.

"Alam ko, ngunit nakatadhana na ito wala tayong magagawa. Kahit anong pigil mo ay mangyari pa rin ito, ang maari nalang natin gawin ay gabayan sila,"

Lumuhod si Damon at hinawakan ang mga kamay ni Pablo, at nagmakaawa.

"Pakiusap nababaliw na ako kakaisip kay Wiena! hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi! Nagmamakaawa ako sayo! ikaw nalang ang makakatulong sa'kin!" umiiyak na saad ni Damon, despirado na siya gagawin niya ang lahat makasama lang si Wiena.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now