Chapter Ten - Finale

Începe de la început
                                    

"Sabihin n'yong hindi pa ako dumating." Muli siyang sumakay sa kabayo.

"Pero, Aura..."

"Hindi ako babalik hanggang nasa villa ang mga bisita!" aniya at hinagupit ng renda ang kabayo upang kumaripas ng takbo.

Hindi pa nakalalayo si Aura nang lumabas si Miguel.

"Hindi raw siya babalik ng villa hanggang nandito kayo," ani Clara na inulit ang sinabi ng dalaga.

"Kung gayon, susundan ko siya." Tinawag ni Miguel ang isang tauhan na sakay ng kabayo at pinababa ito.

"Saan nagpupunta si Aura, Manang?" tanong ni Miguel sa katiwala.

"Sa tabing dagat sa dulo ng hacienda."

Mabilis na sumakay sa kabayo si Miguel at sinundan ang dalaga. Naiwang nangingiti si Clara, at napapakamot sa ulo ang tauhang nalilito sa nangyayari.

"AURA!"

Tinangay ng hangin ang sigaw ni Miguel, dinala sa pandinig ni Aura.

Lumingon ang dalaga at nang makitang sumusunod ito'y binilisan pa niya ang pagpapatakbo kay Lightning. Natitiyak niyang hindi siya aabutan ni Miguel. Wala pang nakatalo sa bilis ng kanyang kabayo, at kung maililigaw niya ito'y tiyak na mahihirapang makabalik sa villa.

Ilang sandali pa at hindi na nga niya makita si Miguel.

Hanggang makarating siya sa tabing dagat.

Bumaba siya kay Lightning at itinali sa puno ang lubid. Naglakad siya sa buhanginan habang pinagmamasdan ang ilang nama-mangka sa laot.

Sa lugar na iyon siya nagkakaroon ng katahimikan. Pero nang mga oras na iyon ay hindi niya maramdaman.

Maaaring hindi niya nailigaw si Miguel at anumang sandali ay kasunod na niya ito.

Ayaw na niya itong makita at ayaw na ring makausap. Lalo lamang siyang masasaktan kung sa bibig ng binata mismo niya malalaman ang katotohanan.

Huminto siya sa paglalakad nang marating ang bahaging nakakubli mula sa pinanggalingan. Naupo siya sa batuhan habang nilalaro ng alon ang mga paa.

Sa ganoong tagpo naabutan ni Miguel si Aura, na sa pagkadismaya ng dalaga ay hindi niya nailigaw.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" yamot na tanong niya. Pinigil ang sarili sa kagustuhang salubungin ng yakap ang binata.

"Hindi na mahalaga iyon, Aura. Ang mahalaga'y magkausap tayo."

"Ayaw na kitang makausap, Miguel. Leave me alone, will you? Ginagambala mo ang pananahimik ko."

Lumapit si Miguel at walang paalam na naupo sa batong katabi ng kinauupuan niya.

"Please, hayaan mo muna akong magpa-liwanag..."

"Wala ka nang dapat ipaliwanag, Miguel.

Maliwanag na sa akin ang lahat."

"No, you don't understand—"

"Ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi?" nagtaas ng boses si Aura. "Que bruto! At dinala mo pa dito ang babae mo?".

Bagkus na magalit ay nagtawa pa si Miguel. Napailing ito.

"You mean, Georgia. ."

"Why, is there somebody else?" patuloy na pagtataray ng dalaga.

"Yes."

"Nakita mo na! Get out of here! Leave me alone, you—"

"Bastard? Sabihin mo at magsisisi ka!" babala nito.

Kristine Series 06: Kapirasong PapelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum