Bumibilis ang tibok ng pareho nilang puso dahil sa pinaghalo-halong pakiramdam. Nandoon ang galak. Ang lungkot. Sakit at pighati. At ang pangungulila sa isa't isa. Kaya wala na ding makakapigil sakanila sa sandaling iyon dahil pareho nilang gustong manatili lang sa ganoong posisyon na tila wala nang balak bumitaw. Dahil sa pag-aakala na kapag bumitaw ay hindi na muling magkakalapit pa.

Ilang oras nanatiling ganoong ang sitwasyon nila hanggang sa tumigil na sa pag-iyak si James. Kaya dahan-dahang inilayo ni Nella ang sarili at sinapo ang pisnge ng lalaki gamit ang kanang palad saka siya ngumiti ng tipid. Mugtong-mugto ang mga mata nito at pulang-pula dahil sa magdamagang pag-iyak. Iyong kaninang maliwa-liwanag pang kalangitan ay unti-unting nagdilim dahil sa oras na nagdaan.

"Maayos na?? Hindi na ba mabigat??" tanong ng dalaga pero hindi sumagot ang binata at pinasadahan ng tingin ang bawat parte ng mukha niya gamit ang namumungay nitong mga mata. Hindi maiwasan ng babae ang palakihin ang tipid na ngiti nung makita kung gaano namumula ang ilong, at mga pisnge nito. Wala padin talagang ipinagbago. Kahit galing sa paghagulgol, ay nananatili pading gwapo. "Hmmm.. ??"

Dahan-dahang umangat ang mga paningin nito sa mata niya at doon na umusli ang pagtulis ng nguso nito na ikinatawa ng mahina ng babae.. "Nakanguso ka na."

"Bati na tayo?"

Muli nanamang natawa si Nella dahil sa malambing na boses ni James na tila bumabalik na ito sa dating gawi nito. Ayan nanaman ang binata sa pagbe-baby talk sakaniya. At hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil nag-aalinlangan siyang yakapin ulit ito dahil baka mamaya niyan ay hindi niya na ito bitawan.

"Pagtapos mong kumain.. Mag-usap tayo, hmm? Marami akong sasabihin.." mahina ngunit sapat para marinig ng lalaki na sabi ng babae kaya napatango-tango na lang ito at nagsimula nang magpasubo ulit. At gano'n nanaman ang ginawa nito.

Bawat subo'y nakatitig padin sa dalaga. Ang bawat pagnguya'y pinapasadahan ang maganda nitong mukha. Hindi niya lang talaga maiwasang pagpantasyahan ang kagandahan nito.. Iyong mga mata niyang napakaganda ng korte at hugis, at bahagya pang natatakpan ng kulot at mahaba nitong mga pilik-mata. Ang mga kilay na kasing-kulay ng purong itim nitong buhok na napakaganda ng pagkakaukit. Ang napakatangos na ilong na mataas ang nose bridge at manipis. Habang ang labi'y matambok ngunit maganda ang hugis. Namumula na tila pinaparisan ang nagliliwanag nitong kutis.

"Hmm, last na.." tango ni Nella at marahang isinubo iyon kay James bago pinunasan ang gilid ng labi nito't pinanood itong ngumuya. Parang tanga silang pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa na para bang pareho silang nasabik sa isa't isa. At sa katunayan, wala man silang binibigkas na salita, ngunit parang nagkakaintindihan na agad sila. "Busog na?"

Tumango-tango naman ang lalaki at kinuha ang baso ng tubig bago siya pabuntong-hininga na humawak sa kamay ng dalaga saka iyon bahagyang pinisil ngunit siniguradong hindi nakakasakit. "Usap na tayo."

"Sige, tara.." pagtayo ng babae ngunit hindi binibitawan ang kamay ng binata. Naglakad silang pareho papunta sa kung saan nakatambay ang mga barkada nilang gulat na nakatitig sakanilang dalawa, lalo na kay James.

"Halah putang ina! ANONG GINAWA MO SA BABY KO!" tili ni Jay at sinapo ang mga pisnge ni James na paangil iyong hinawi at tumakla pa. "Namumugto 'yang mga mata mo! An'yare?! Nag-away--NELLA HA! Bakit mo naman inaway 'tong baby ko, ha?!HOW DARE YOU! Wow, putang ina mo english yun! Ikaw naman, ikaw naman!"

Halos mapasapo na ng lalaki ang noo nung sunod na umarangkada ang pagiging maloko nila Karl at inalo pa siya. Sa huli ay nanahimik din dahil inanunsyo nilang mag-uusap muna sila, na silang dalawa lamang.. "Dito muna kami, babalik din kami.." paalam ni Nella at doon na niya hinatak si James na nagpahatak naman.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now