"Zena!"

"Hi, mahal!" ngiting bati ni Zena sakaniya at sinugod kaagad siya ng yakap. Tila nawala ang sakit sa paa ni Nella at bigla-bigla nalang siyang tumayo at sinalubong ang mahigpit na yakap ng kaibigan. "Ah! Namiss kita!"

Napatitig sila Karl kay James para makita ang reaksyon nito at halos mapasinghap sila nang bigla itong tumalikod at dumeretso sa kung saan.. Sumulyap muna si Karl at Bj sa dalawang babae na nagyayakapan bago sumunod sa kaibigan.

"JAMES! Sandali!" habol nila dito ngunit hinahabol na nila ang mga hininga, hindi padin nila naabutan ang kaibigan dahil sa bilis nitong maglakad at laki ng agwat ng paghakbang nito. "HOY! BAGALAN MO! LAKI-LAKI NG BIYAS MO, EH!"

Hindi padin binagalan ni James at huminto lang nung umabot na sila mismo sa may Resort at doon pa sa may buhanginan, kung saan walang makakakita sakanilang mga turismo. "D'yos ko naman, par! Wait lang! Matatanggal na yata bituka ko! ANG SAKIT!" hihingal-hingal na daing ni Bj habang nakahawak sa tagiliran niya.

"Ano bang problema, James? Bigla-bigla ka na lang nagwo-walk out.." kalmadong kausap na ni Karl sa kaibigan na nagpamaywang at lumingon sakanila.. 

Parehong napatigil si Bj at Karl nang makita ang namumula at kumikislap ng mga mata ni James at hindi pa nila tuluyang napoproseso sa mga isipan kung anong nangyayari dito nung tumulo na ang luha nito sa kaliwang mata at hindi na nila alam ang gagawin pa dahil iyon na lang ulit ang pagkakataon na umiyak ito sa harapan nila.

"James..."

"AYOS KA NA BA, MAMSH!?" tili na tanong ni Jorji kay Nella na ngayon ay nakapagpalit na. Pinagpapahinga muna ito ng limang oras para mawala na din ang pagkirot ng balikat nito. "Hayst! Okay ka lang talaga?"

"Okay na 'ko, Jorji.. 'Wag ka nang mag-alala.. Nalagyan na din naman ng ointment, eh." ngiting sagot naman ni Nella at tumingin sa kapatid na nakikipaglaro sa apat na babaeng kaibigan nito. Nasa buhanginan sila habang may nakatayong net doon. Maglalaro sila ng volleyball. "Sali ako, Melo.. Okay lang?"

"Ah, sige po, Ate!" agad na tugon nila Jenna kaya agad nang tumakbo si Nella papunta doon at inayos ang suot niyang Halter Top na kulay itim. Pa-crop top iyon kaya kita ang flat na flat na t'yan at pakurba niyang bewang. Sa pang-ibaba'y suot ang itim na hot pants na ini-expose ang makikinis at mahahaba niyang hita. Tila naging isang diwata ito sa modernong bersyon dahil na din sa pagtama ng sikat ng araw mismo sa mukha nito.

"Team ako kila Maela. Doon ka, Melo." turo ng dalaga sa kabilang parte dahilan para pumwesto ang kapatid doon. Ang magseserve ay si Jenna, sa kabilang team. "Okay, bigay.." tango ni Nella kay Maela nang i-receieve nito ang bola at ibigay na nga sakaniya na swabe niyang pinasok sa kabila na ni-receieve naman ng kapatid niya't pinasok iyon sa gawi nila.

Sinalo naman iyon ni Brianna at sakto namang papunta sa gawi ni Melo na ngumisi sa nakatatanda niyang kapatid at ini-spike iyon ngunit nasalo ni Maela na napatili nung tumalsik kaya agad-agad na hinabol iyon ni Nella na swabe pading naipasa sa kabila.

Muli namang nag-serve ang kapatid niya na nasalo nanaman ni Maela para i-set at doon na bumwelo si Nella at ini-spike iyon na wala nang nakasalo sa kabilang team. Dali-daling lumipat si Nella ng pwesto at nagkunwaring susugurin ang kapatid na tatawa-tawang tumakbo sa likod ni Leon na tatawa-tawa din.

"Bakit ang galing mo pading mag-volleyball, Ate?! Akala ko nangalawang ka na, eh!" inis kunwaring angil ni Melo kaya ngumisi sakaniya ang nakatatandang kapatid.

"Hay nako, Melo.. Player ng volleyball 'yan sa HU kaya 'wag kang ano d'yan sa Ate mo." malokong saad ni Misty kaya natawa si Zena na simpleng nakaupo lang sa cottage habang sumisimsim ng pineapple juice.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now