Katulad nung nauna nilang shoot, ay marami ding pina-try kay Nella na pose. Katulad nang nakaupo siya sa mismong table habang nasa tabi niya ang perfume product, tapos ay pinaupo din siya sa isang stool habang hawak naman ang pabango. Saglit lang naman ang shoot na iyon dahil halos naging madali na lang ang pag-shot ng ilang litrato sakaniya.

"Okay, next concept.. is Angel concept. The set is already on standby, the model please?"

"Ayan na ayan na.." kalabit ni Merida kay Bodyguard Lee na tahimik lang na pinanood si Secretary Camero na pumasok ng kwarto. Nasa mismong kwarto sila at malaki iyon. Sa gitna ay may puting kama at ang mga bintana ay may takip pa muna, at mamaya ay bubuksan din.

Suot ni Nella ang isang White Spaghetti dress na may nakapatong sa mga braso niya ng puti ding cardigan, knit ang tela non para mas bumagay sa concept nila. Ang buhok niya'y gano'n padin, ngunit may nakasabit ng puting head band sa pagitan ng curtain bangs niya at sa likod na buhok.

Inalalayan ng mga staff si Nella na sumakay ng kama at padapain ito sa may dulo ng kama dahil iyon ang nakalagay sa script nila. Habang inaayos ng lahat ang damit at buhok ng babae ay napabaling ito bigla sa isang lalaki na napansin niyang may napakalalim na pagtitig sakaniya.

Nung magtama ang mga paningin nila ay agad itong umiwas ng tingin at pabuntong-hiningang hinigpitan ang kapit sa blazer dahil ang mga braso niya'y nakakrus.

"Okay, Miss Nella.. Wow! You look really fresh!" compliment ng direktor kaya hindi maiwasan ni Nella ang mapangiti bago nagsimula nang mag-pose para sa photoshoot nila. Ang concept ay Angel concept for Perfume Donna, Fallen Angel. At nakakatuwa para sakaniya ang ginagawa dahil naging interesado na din siya sa mga products dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoong klase ng concept o kaya'y mga produkto. At kung susuriin niya ang mga scent ng bawat perfume ay nakakabaliw ito.

May mga kakaibang amoy na tila hindi mo na maaamoy sa iba.. Sa katunayan, pamilyar ang mga amoy ng mga produkto. Hindi naman pare-pareho ang bawat scents dahil may ibang nagiging powdery kapag tumatagal, at ang iba ay watery.. Pero may isang sangkap doon na tiyak niyang iisa lamang dahil pamilyar talaga sakaniya iyon.

Hindi niya nasisiguro pero.. ang naamoy niya sa mga pabango ay tila aroma ng kaniyang pabango noong mga kabataan niya pa. Amoy rosas na ipinagsamang amoy ng isang sanggol.

"Okay! We're done! Let's pack up for the next concept, but before that.. take your lunch and we will be back to our work! Great job, guys!"

Napapalakpak sila Nella na nakatayo na dahil nakatapat siya sa malaking bintana para masinagan ng araw, kasama iyon sa konsepto. "Thank you po.." pagpapasalamat niya sa mga staff's na tumutulong sakaniya sa pagpapalit. Ngayon, ang suot na lang niya'y puting sweater at itim na high waist shorts para mas madali siyang ayusan mamaya.

Ang sunod nilang concept ay Actress Concept, para sa Perfume Donna, Spotlight Girl. Ang alam niya'y itim ang kapaligiran habang may spotlight na nakatutok sakaniya. Nabanggit naman na kasi sakaniya ni Director Jang ang tungkol doon kaya alam na niya ang lahat ng gagawin.

"Nakakapagod, mamsh?" tanong ni Jorji sakaniya habang naglalakad sila sa isang park dahil doon malapit ang set nila kanina, para mas madali na lang din silang makabalik. Maya-maya lang din, matapos ang photoshoot nila for Concept 5, ay dederetso sila sa pang-anim. Ang concept naman non ay Fresh City concept.

"Medyo, pero okay lang naman.. Para naman 'to sa kompanya, eh." sagot ng dalaga at kumuha na ng plato, at nagsandok ng dalawang kanin at kumuha din siya ng shanghai, menudo, at adobo bago inilapag iyon sa table na napili nila. May food truck doon at para talaga iyon sa mga crews na tumulong sa set.

"Ang ganda mo nga talaga, 'no? Sobrang ganda mo, mamsh.. Nagiging straight yata ako dahil sa'yo.." nakanguso na sunod sakaniya ni Jorji dahil tapos na itong kumuha ng pagkain. "Ang taray kanina.. para ka talagang fallen angel! Alam mo, bukod kay Miss Eliyanah? Ikaw lang yung bumagay sa mga concepts!"

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now