"[Ah.. Yung kompanya pala ni James 'yan. Oh, kamusta naman ang ex?]"

Napangiwi si Nella at sumulyap kay James na sapo padin ang noo. "Okay naman siya.. Bakit?"

"[Ay kawawa ka naman.. Baka nakalimutan ka na niya.]"

"King ina mo." napasapo ng dalaga ang bibig dahil sa biglaan na paglabas ng mura sa bibig niya. Hindi niya inaasahan iyon dahil hindi naman siya palamura!

"[Ayyyy! TARAY! Bakit? Mahal mo, 'no? Kaya ka siguro hindi nagpagupit kasi hindi ka pa maka-move on?]"

"H-ha? Hindi, ah.. Saka paano mo na laman na hindi ako nagpagupit, huh?"

"[Eh, sinabi nila Karl sa amin ni Thea na mahaba pa daw buhok mo, eh.. Yieee, ikaw ha! James padin talaga. Kunwari ka pang aalis tapos.. sus!]"

"Alam mo, dapat ko lang naman na gawin iyon.. Malaki ang kasalanan na ginawa ko sakaniya kaya wala na dapat akong kapal ng mukha na iharap sakaniya. Saka, hindi ko naman aasahan na maganda ang ibibigay niyang treatment sa akin kasi nga sobra siyang nasaktan at alam ko yun.."

"[Eh.. paano kung mahal ka padin niya? Kahit sinaktan mo siya?]"

"Imposible na yun, beh.. Hindi na pwede yun."

"[Eh, paano kung hinihintay ka lang pala niyang bumalik, ikaw lang 'tong manhid na ayaw pang ibalik?]"

"Imposible padin."

"[Eh, bakit ka nanghihinayang?]"

Napakunot ang noo ni Nella at iiling-iling na bumuntong-hininga.. "Hindi ako nanghihinayang, sira.. Bakit naman ako manghihinayang?"

"[Kasi.. aminin mo man o hindi, doon sa bitag na ginawa niyo ni Sir Jordan, ikaw din ang nahulog. Hindi ba? Imposible namang hindi mo minahal si James, sa loob ng limang buwan na pagsasama niyong dalawa?]"

"Anong gusto mong iparating?"

"[Yung kilos mo sakaniya noon, halata namang may gusto ka din sakaniya..]"

"Nasa plano iyon, kaya 'wag kang makulit d'yan.. 'Wag mo din akong subukan na anuhin na kesyo minahal ko siya.. kasi hindi totoo yun."

"[Sige, sabi mo 'yan, Nella ha? Kapag nalaman saka napagtanto mong mahal mo talaga siya, in denial ka lang.. umiyak ka mag-isa.]"

"Hindi mangyayari 'yan, kasi nga hindi."

"[Oki, oki! Kita us sa day off mo, ah? Libre mo!]"

"Aba desisyon ka!"

"[S'yempre, aangal ka ba?]"

"Hindi po, boss.. Beh, I love you.."

"[YUN OH! 'YAN ANG HINIHINTAY KO, BEH! 'YANG I LOVE YOU MO!]"

Napabungisngis si Nella dahil doon saka napakagat sa dila niya.. "I love you ko, beh?"

"[I love you, beh.. Putang ina mong in denial ka.. Kita us, ah? Miss you!]"

"Yep, I miss you beh.. Kitakits! Mwah!" pagkababa ng tawag ay nakangiti siyang bumalik sa trabaho.. Kaonting oras pa ang nilaan niya doon bago ipinasa sa amo na hindi iyon binalingan ng tingin. Bagkus ay dumeretso ang tingin nito sa kaniya..

"Sinong kinausap mo kanina?" tanong nito sakaniya kaya napaamang siya.. Ngayon niya lang narinig na nagsalita ulit ito ng tagalog. At doon niya nakumpirma na ang laki nga ng pinagbago ng binata. Sobrang lumaki ang boses nito ngunit hindi naman nakakatakot o masakit sa tenga. Bagkus ay naginhawaan pa nga siya dahil kalmado lang ito. "Answer me."

"K-kaibigan lang po, Sir."

"I didn't know that friends should say that 'I love you' thingy.. Am I counted to your friends if I tell you, I love you?"

High School SweetheartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora