Chapter 1

8 0 0
                                    

Please vote this story, thank you!

*****

"Yann! Gising na, maglinis ka na dito, maghapon ka nanamang nakahiga diyan!" Si daddy, paulit ulit nalang. Of course it's Saturday, what do I expect?

Di nalang ako sumagot at bumangon na, inayos yung kama at chinarge ang phone bago lumabas. Nagpainit muna ako ng paligo at humarap sa salamin.

Sabado nanaman.. eto nanaman tayo

Kumain muna ako, naglinis pagkatapos ay naligo "Wow naglinis ka ah, bago yan, may sakit ka?" Huminga nalang ako ng malalim, ayoko maging bastos. This always happens nakakapagod na nga e' dahil paulit ulit nalang.

Di ulit ako sumagot at lumabas nalang, ang alam ko lilipat na kami dahil babalik na ang may ari ng inuupahan namin at kailangan ipaayos ang bahay. Mamimiss ko rito kahit ang toxic ng mga naging kaibigan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagpalit narin ako, umupo sa sala at nag cellphone. "Magsaing ka na" si Kuya, tumango lang ako at dumiretso sa kusina para magsaing at bumalik din naman sa sala.

Nakakapagod

Sumapit ang Alas dose ng tanghali ay naghain nako sa lamesa "Teo! Kain na!" tawag ko sa nakababata kong kapatid. Apat kami, pangatlo ako at nagiisang babae, si mommy naman nasa abroad.

na pinagpapasalamat ko

Si daddy ang kasama namin dito at masasabi kong ok naman pero araw araw akong nahihirapan lalo na't hindi ko naman siya close, wala naman akong close sakanila.

Kumain na kami pagkatapos at naghugas narin ako dahil alam kong sasabihan nanaman ako nila kuya ng "ikaw naman maghugas ako naghugas kagabi"  typical shits.

Ginawa ko nalang ang assignments ko, tutal magbabakasyon narin naman hindi nako mahihirapan. Makakapagpahinga na din ako kahit dalawa't kalahating buwan lang.

Sumapit ang alas kwatro at kailangan ko nanaman tawagin ang kapatid ko na naglalaro sa labas "Teo! Pasok na, anong oras na?!" Syempre di makakalagpas sa paningin ko ang tingin ng mga kalaro niya na naging kaibigan ko din.

Mga plastic..

Tinignan nila ako pero di ko nalang pinansin "Hi yanna!" ngumiti lang ako at tumalikod rin pagkatapos tignan ang kapatid ko, alam ko namang susunod din siya. "Babye! Bukas ulit" sabi ko nga.

Kinagabihan, nagsaing ulit ako at umupo lang sa sala hanggang sa kailangan ko na ulit maghain "Kain na!" Pagtawag ni daddy sakanila kuya. Hayyy

Pagkatapos kumain ay sinabi ko kay kuya na siya naman maghugas di nalang siya sumagot at naghugas nalang din. Nakakasanay din ang ganitong tratuhan naming magkakapatid, walang imikan.

Ayoko din naman talaga sakanila. I hate them.

Alas dose ng madaling araw nakatitig sa kawalan at nagiisip ng kung ano ano.

Bakit nga ba ako nandito? Bakit sila ang pamilya ko? Bakit hindi nalang iba? Ayoko sakanila. Sana hindi nalang sila ang pamilya ko. Bakit ako iniwan ni lola? Bakit nila nagawa yun? Galit ako sakanila. Pano nalang ako? Pano nako? Ayoko dito, gusto ko kay lola.

Mga salita at mga tanong na laging tumatakbo sa isip ko. At lagi kong iniiyakan hanggang sa makatulog.

Bakit nga ba? Bakit nila pinaalis yung nagiisang taong kakampi ko dito?

Nakakainis, nakakagalit

**

GRADE 6 pa lang ako pero mulat nako sa kung gano kapait ang mundo. Kung gano kasakit ang mga pwedeng mangyari sa buhay mo at kung panong paulit ulit ang pagikot ng buhay mo sa magulong sitwasyon na hindi mo malalaman kung pano takasan.

Baby palang ako iniwan nako ni mommy kila lola at habang lumalaki ako napapalapit ang loob ko sakanila, kila tita, tito, lolo at lalo na kay lola. Kaya siguro hindi ko matanggap.

Si mommy, daddy at ang bunso kong kapatid ay nasa Saudi, ang pagkakaalam ko doon sila nagstestay para magtrabaho at doon din nagaaral si Mateo.

Kasama ko naman dito sa Baguio sila lola, tita, tito, lolo, si Kuya Simon, Kuya Stephen at mga pinsan ko.

Baby ako hanggang sa umabot ako sa Grade 4, wala akong pake sa mundo. I'm inside my comfort zone not until my own family made me want to go out, made me experience how ruthless the world around you can be.

Sanay naman akong magisa, noong nag grade 1 ako ay wala akong naging kaibigan pero may 2 akong matalik na kaibigan non kaso noong nag grade 2 naman ako ay di na kami nagpansinan pero nagkaroon ako ng bagong dalawang mababait na kaibigan din pero gaya ng nauna hindi din nagtagal at di na kami nagpansinan.

Noong nasa pangalawang baitang ako ay di ko naman talaga alam ang salitang "Crush" at kung ano yun. Not until sinabi sakin ng mga kaklase ko ang ibigsabihin non, sa una wala akong pake sa mga lalaki dahil pagaaral ang inuuna ko.

Naging crush ko si August noong grade 2 ako hanggang sa umabot ako ng grade 4. Sa totoo lang ginawa ko siyang inspirasyon para pumasok ako araw araw at syempre dahil kay lola.

Nangako ako kay lola na magtatapos ako ng pagaaral at mag flaflight attendant ako para madala ko siya sa kahit saang lugar na gusto niya.

Noong nag grade 3 din ako ay di na kami nagpansinan ng mga kaibigan ko noong grade 2 pero dumating ang dalawang kaibigan ko ulit pero nagkaroon kami ng alitan ng dahil sakin, si Leanna at Tonni.

Grade 4 ako noong nalaman kong may nagkakacrush sakin, si Justin. Noong una ay di ko naman talaga pinapansin lalo na't magkaibigan kami kasama sa grupo namin si Nathan, Lorenzo, Ryka at si Nash. Hanggang sa naging mag M.U kami dahil naging crush ko din siya kalaunan.

At pinagsisihan ko yun ng sobra

Pero hindi naging madali dahil nung nagustuhan ko siya ay nagkagusto siya sa iba pero ng dumating ang 4th grading namin, ayun nga naging mag M.U kami pero natigil din yun.

Grade 5, kasama ko padin si Nash at Ryka, masaya ako dahil kahit papaano ay may magtatagal din pala sakin, nakakatuwa lang.

"Grabe crush mo padin si Justin hanggang ngayon?" Tanong ni Nash sakin "Ehh oo pero iba naman gusto niya eh, hayaan niyo na"

Hanggang sa napansin niya ako at naging M.U ulit kami, masaya ako non dahil eto ba ang love?

Pero hindi. Mali yun dahil mga bata pa kami. Ibang iba sa pagmamahal.

Dahil sa pagkagusto ko sakaniya di ko naman alam na nakakalimutan ko na ang sarili ko. Sa baitang din na iyon ay nabalik ang pagkakaibigan namin ni Tonni dahil nagkaroon sila ng issue sa isa pa nilang kaibigan.

Masaya ako dahil naging kabigan ko ulit siya pati narin si Sallia, may apat nakong kaibigan.

Akala ko ang kung anong meron kami ni Justin, ang M.U ay tatagal pero bago pa man matapos ang taon ko sa pagiging grade 5 ay lumayo ang loob namin sa isa't isa hanggang sa tuluyan na ngang natapos.

He's an asshole after all.

Puppy love lang pala.

And with all of those that happened, ang isang pangyayari noong grade 4 ako ay hinding hindi ko makakalimutan.




That's when I start hating myself.


*****

Ruined Promises (Ruined SERIES 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα