I Will Always, Honestly, Truly, Completely Love You

104 2 0
                                    

"Hello, ako pala si Klay." panimula ko. Isang malaking ngiti ang aking binitawan habang inililibot ang aking mata sa lahat ng bisita hanggang sa tumama ito sa mata nang taong pag bibigyan ko ng speech na ito.

"Hinay hinay sa alak ha? Medyo amats kasi itong si Fidel. Medyo struggle buhatin yan nung bonggang nalasing nung debut ko." Pang aasar ko, at nagsi tawanan naman silang lahat, kasama na siya. Ako ay naka ngiti pa rin, hindi halata ang bawat pag kirot ng puso ko.

I took a deep breath and opened the crumpled paper I was holding on for dear life, my hands shaking visibly. I tried to calm my nerves to avoid my voice to crack when I continued with my speech.

"Yung pagpili sa taong sasamahan ka sa.... sa kung anong agos nang buhay... isa iyon sa pinaka importanteng desisyon na gagawin nating lahat. Kasi kapag nagkamali ka, it will just turn your life into grey, never full of life. At... at madalas, hindi natin napapansin iyon, hanggang sa gigising ka na lamang...", iginala ko ang tingin ko sa lahat at humigit ng isa pang malalim na pag hinga. "at saka mo lamang marerealize na, buwan at taon na rin ang nakalipas. Dumaan na ang taon at huli na natin iyong napagtanto.Alam na alam natin yan, hindi ba, Fidel?" wika ko, habang tinititigan siya. Tumahimik ang paligid, rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko sa aking dibdib. Napalunok ako at nangingilid na sa aking mata ang mga luha na anytime pwede nang bumagsak ngunit sinubukan kong pigilan.

"Yung friendship na ibinigay mo sa akin simula noon hanggang ngayon ang siyang nag bigay ng kulay sa buhay ko. Nandiyan ka kahit sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko at napakaswerte kong tao to even receive that kind of gift from you. Sana lang, hindi ko iyon na take for granted noh? Siguro nga oo. Kasi sometimes..." huminto ako saglit, yumuko ng bahagya upang huminga muli dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako sa sakit, na parang anytime, babagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. I crumpled the paper that I was holding. I know everyone is looking at me, waiting for me to continue.

"Sometimes, you just don't see na yung pinakamagandang nangyari sa buhay mo ay nandiyan lamang sa harap mo. Pero okay lamang yun." Muli ko siyang tinitigan, at siya rin ay nakatitig sa akin, ang mga mata ay nangingilid sa luha, inaantay ang kung anong sunod kong sasabihin.

"Because I have realized that wherever you are, whatever you do or who you are with, I will always honestly, truly, and I will completely love you." I admitted, looking straight to his eyes, communicating through his soul, and his heart. Pouring all my emotions through our eyes.

He was just staring at me, mouth agape, breathing heavily. I saw in my peripheral vision na napainom si Clarita ng wine sa sobrang nerbyos din siguro. Ramdam ko ang titig ng bawat bisita sa venue, judging me, asking why would I say that. Ngunit hindi naman sila si Fidel.

Ngunit alam ko rin na gulo lamang kung dun ko tatapusin ang speech ko. Inilibot ko muli ang tingin ko sa paligid. Saka ngumiti ng malaki at nagpatuloy,

"Like a sister wants a brother and a friend to a friend. I will always stand guard for your dreams, Fidel. No matter how Martian or weird they may be." Kumuha ako ng glass ng wine sa table malapit sa akin at itinaas iyon.

"So, please, everybody, join me in a toast to the bride and groom." Matapos ng aking speech at nilagok ko ang alak, inilapag ito sa mesa, nagtapon ng huling tingin kay Fidel at naglakad ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Bitbit ang durog kong puso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BarDa/Filay One Shot AUsWhere stories live. Discover now