YUGTO

34 0 0
                                    

Ang buhay ay parang libro maraming kaganapan, maraming pahina. Kada tapos ng pahina ay hindi naman natin tinatanggal o pinupunit, bagkos ay nagiging daan o tulay ito para sa mas maganda at maayos na susunod na pahina, dahil kung wala ang unang pahina, ay walang kasunod na pahina.  Handog sainyo ng Raz Radio 1: YUGTO

Ako si Meiz , taga bicol, isa akong Maestra sa isang maliit na paaralan dito sa sa maliit na bayan sa bandang Albay. Isa rin akong Ina, Ina ng isang 5 taong gulang na si Ryen.

"Maestra, maari niyo po ba kaming tulungan?"

"Oo naman, tayo na't ng matapos na kayo sa inyong gawain."
———————————————
"Inay !"

sigaw ng aking anak pag pasok ko sa aming tahanan

"Nakauwi ka na pala. Tara at kumain na tayo, nag luto ako ng paborito niyong mag ina. Kanina pa gutom yang si Amaris.'

Pagsulpot bigla ng aking asawang si Jaxen
———————————————
"Uwian na sa wakas!"

sigaw ni Ryen. "Teka Ryen!" sigaw ko ng bigla nalang itong humiwalay at tumakbo patawid.

"Ryen!" Parang tumigil ang mundo ko, tanging boses lang ng taong nakapaligid sa aking anak ang naririnig ko.
———————————————
"Time of Death, 2:59"  "Pasensya na Misis, hindi po kinaya ng anak niyo, masyado pong maraming dugo ang nawala sakanya"

tahimik lang akong nakatitig sa anak ko na ngayo'y wala ng buhay at may nakataklob na puting tela.
———————————————
isang malungkot na tugtog, pinapaalala nito ang aking anak, hilig kasi nito ang gantong klaseng tugtog, klasik at nakakalungkot. Ang sakit, sobrang sakit, pero kailangan kayanin.
———————————————
"SUNOG! SUNOG! MGA KAPIT BAHAY MAY SUNOG MAG SIGISING KAYO!"

ang mahimbing kong tulog pagkatapos ng isang mahabang iyakan ay naputol dahil sa sigaw ng aming kapit bahay, nasusunog daw... Ang bahay! Nasusunog ang aming bahay! Ang gamit ni Ryen, ang tanging ala-ala ko sa aking anak. Agaran akong tumakbo sa kwarto ng aking anak at kinuha ang mga gamit nito.

"Mahal? Meiz! MAHAL! NASAAN KA?"

rinig ko ang sigaw ng aking asawa ngunit wala akong pakialam, mas mahalaga itong gamit ni Ryen.

"Meiz! Ano ba, tara na pabayaan mo na yan, kailangan nating makaalis dito! Meiz, alam kong mahal mo ang ating anak pero alalahanin mo naman ang iyong sarili!"

hindi ako nakinig sakanya at patuloy lang na kinukuha ang gamit nga king anak. Nabitawan ko naman ang gamit ng aking anak ng bigla akong hilahin ng aking asawa, ang paborito nitong laruan lang ang aking nabitbit.
———————————————
"Inay... Tama na Inay, masaya na ako, gusto ko ng mag pahinga"

"Mag pahinga ka anak, tara't aayusin ko na ang higaan mo"

"Inay, ayaw mo naman akong patahimikin eh, tama na."

"Ano bang sinasabi mong bata ka?! Matulog ka na ngalang" sabi ko rito at umalis na.
———————————————
"Meiz, tama na, alam ko namang Mahal na Mahal mo si Ryen. Pero sobra na toh, kailangan mo ng umahon, dahil unti unti ka ng nalulunod sa kaisipang buhay pa ang ating anak, unti unti ka ng nalulunod sa kalungkutan"

"Tumigil ka nga jan Jaxen. Kung ano ano sinasabi mo, namana tuloy ng anak mo yan" "Oh, ba't ganyan ang tingin mo sakin? Ang lungkot lungkot naman ng mata ng Asawa ko."

"Meiz... "
———————————————
"Lumalaki na ang anak ko! Mag sasampung taong gulang ka na anak, anong gusto mo?"

"Ang patahimikin niyo ako Inay, Limang taon Inay, Limang taon, limang taon niyo na akong ayaw patahimikin, limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay ayaw niyo pa rin akong hayaan na magpahinga."

"Wag mong sabihing inaantok ka nanaman? Kakagising mo lang anak"

"Inay! Tama na! Matagal na akong patay, Inay. Limang taon na akong patay, maaawa ka sa inyong sarili, pati narin kay tatay."

"Ryen... " umiiyak kong sambit
———————————————
buwan na rin ang lumipas at eto ako ngayon, binibisita ang puntod ng aking anak, hindi ko alam, siguro ay tinalikuran ko ang katotohanan dahil alam ko sa sarili kong nag kulang ako sa pagiging ina. Yan tuloy umabot ako sa puntong hindi matahimik ang anak ko, kahit ilang beses na siyang sinubukang isama ng kanyang ama sa mas maayos na lugar. Oo, matagal na ring patay ang aking asawa, siya ang nakasagasa sa aming anak, buwan pagkatapos ng nangyari ay kinuha niya ang sariling buhay. Masaya na ako ngayon, tahimik at panigurado ay masaya na sila. Ito ang Buhay ko, hindi ko kinwento ang buhay ko para kaawaan, kundi para makakuha kayo ng aral, hindi naman dapat tayo nagpapakalunod sa lungkot, dapat aahon at aahon din tayo. Di naman porket namatay na ang isang tao ay kailangan na nating mag luksa habang buhay, ang pag luluksa ay isa sa yugto ng ating buhay, dapat dinadaanan lang, hindi tinatambayan. Ang buhay ay may mga Yugto, Yugto na dapat dinadaanan lang hindi tinatambayan o tinitirhan.

YUGTO ; one shotWhere stories live. Discover now