Episode 9 - Show, Don't Tell

Start from the beginning
                                    

Kaya ang ginawa ko, klinaro ko ang lalamunan ko sabay sabi ng, “Tigil n’yo ’yan. Naalibadbaran ako sa inyo. Masyadong cliche ang eksena.” ’Tapos, umakto pa ’kong nasusuka para mapanindigan.

“Ang aga-aga mo namang maging putragis, Don Clyve,” was all he said.

After ng discussion, nag-announce ang instructor namin na magkakaro’n kami ng short quiz kaya isa-isang naglabas ng papel ang mga classmate namin. ’Tapos, nag-alok ng papel si Kannagi sa kaibigan ko, “Luke, hati tayo.”

“Sorry, Kann. May kahati na kasi ako, e.”

The words coalesced themselves in my mind then I almost uttered, Ako na lang kasi. ’Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Naisip kong parang kailangan ko siyang asarin pa lalo para mapansin niya talaga ako at hindi siya maki-creepy-han sa ’kin. Instead of Ako na lang kasi, I whispered, “Uh-oh! Mukhang umiiyak na ngayon si Cupid, a. Ikaw lang kasi ang . . . tinamaan.”

Pero bakit ako ’yong namula? Pa’no ba naman kasi, inilapit ko ang mukha ko sa kanya para ibulong ’yon. Act normal, Clyve.

Parang minura at t-in-orture niya ’ko sa isip niya bago magsabi ng, “Siguro, hari ka.”

My forehead went crease. “Pa’no mo naman nasabi?”

The words erupted from his mouth: “Kasi . . . kingina mo!”

• • • • •

“May gusto ka kay . . . Kannagi?” hindi makapaniwalang saad ni Rich.

Pumunta kami ni Rich (alias: Beast Mond) sa isang mall sa Morlon pasado alas-kuwatro ng hapon after naming mag-skateboarding sa plaza. Namili kami ng iba’t ibang designs, LED lights, red cups, at mga pagkain para sa house party. Samantalang si Luke naman ang bahala sa mga drinks.

Tinigil ko ang pagtulak sa shopping cart para lingunin si Rich. “Yes. S-sana, wala kayong pagsabihan na ibang tao. Kayo pa lang ni Luke ang nakaaalam for now.”

“Okay.”

I threw him a quizzical look and echoed, “Okay?” I knew Rich very well; gusto niya maangas ang image niya. Buong akala ko, ’pag inamin ko sa kanya na lalaki ang gusto ko, itutulak niya ’ko palayo o tatawanan.

“Okay,” ulit niya, parang kaswal lang. “Wala namang masama sa pagkakagusto mo sa lalaki, Clyve—kung ’yan ang ikinababahala mo. Nasorpresa lang ako nang kaunti. Pero ’yon na nga”—bumuntonghininga siya’t ngumiti—“I adore you for being yourself, dude. And thank you na rin kasi sinabihan mo ’ko ngayon. Sorry sa mga panahon na pakiramdam mo, ’di mo ’ko puwedeng sabihan ng mga bagay tulad nito.”

Uminit ang sulok ng mga mata ko, pero idinaan ko na lang sa tawa. ’Tapos, pabiro kong sinuntok ang braso niya. “Drama naman nito.”

“Pero balita ko, na-admit sa ospital ang tita ni Kannagi. Tutulungan mo ba siya?” he questioned, shifting the subject.

My gaze drifted down to the shopping cart. “Hihingi siguro ako kay Papa ng pera so that I could help him.”

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Rich ng mga sandaling ’yon bago siya magsalita, “Alam ko na, dude! Pauutangin ko na lang si Kannagi, pero ’di ko papatungan ang isisingil ko sa kanya. Okay ba?”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now