WYBHBM ~~ Chapter 28 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    


Biglang bumilis yung andar. Nagsigawan lahat ng nakasakay. Napahawak sa braso ko si Heira. Ako naman napahawak ng mahigpit sa bakal. The hell ! AYOKO NA !


"waaaaaa." patuloy yung sigawan hanggang sa natapos na yung ride.


WHAT THE EFF ?! Bumaliktad ata sikmura ko.

.

.

.

Parehas kaming pagewang-gewang ni Heira habang palabas ng ride. Dammit! Kung alam ko lang na ganun yung feeling di sana di na ko sumakay don. Sumalampak agad kami pareho sa wooden bench.

"woah. . .hilo pa din ako ah. . ." sabi nya.


Maski ako pero di ako umimik.


Shit . Di na ko sasakay jan kahit kailan ! =_=


"gusto ko sumakay ng ibang ride." *O*


Binalingan ko sya.


"sumakay ka mag-isa mo!" =_=


"tara dun oh. Sakay tayo dun sa barkong pagewang-gewang!" *O*


"tss. Sumakay ka mag-isa. Dito lang ako."


"kj mo abot hanggang ibang planeta. Tara!" hinila na naman ako ni Heira dun sa barkong pagewang-gewang daw. Tss. Later on,nalaman naming anchor's away pala ang tawag dun. Kanina pa sya barko ng barko. Muntanga talaga. =_=


Pumila na naman kami ng pagkahaba-haba. Nung kami na yung nakasakay, kulang na lang maihi ako . Darn ! MASMASAHOL PA TO SA MINI ROLLER COASTER ! Gusto ko na talagang magmura. Si stupid girl sigaw lang ng sigaw katulad ng mga ibang nakasakay sa ride na yon.
Pagkababa namin don. Na-drain ata lahat ng lakas ko dahil bigla akong nanghina. Di nga ako magtataka kung masusukaako ngayon dito. =_= pero si Heira imbis na manghina, parang na-full charge bigla. Anong klaseng babae ba sya? =_=

Nagpatangay na lang ako sa kanya. Kung anu-anong rides ang nasakyan namin.

.

.

.

Hindi ko namalayan na enjoy na enjoy na akong kasama sya. She made me smile and laugh. Scream to death, enjoy the experience and have fun. I actually feel light and happy. Na parang nawala lahat ng problema ko. . .


We also tried mini games. Nanalo kami ng prize. Mula sa maliit na bears hanggang malaki. Pinakyaw na namin lahat.


Nang mapagod at magutom, kumain kami ng hotdog-on-stick,pizza and siopao with softdrinks.
Nakaupo ulit kami sa wooden bench habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa harap namin.


"sabi mo hindi mo ko ililibre? E ba't nilibre mo ko ngayon?"


"kung ayaw mo nyan, itapon mo." kumagat ako ng pizza.


"psh. Bad yon. Magagalit si Lord."


Hindi ako umimik. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.


"Cy. . ."


"hmm."


"thank you. . ."


Nilingon ko sya.


"for what?"


"dahil sinama mo ko dito."


"hindi kita sinama, nagpumilit ka."

"ganun na din yon!"


"psh. Magkaiba yon."


"basta thank you pa din."

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon