"Hindi na ako bata at talagang makisig ako, mas makasig kay ama."

Natatawang tumango si Miya, at napapailing nalamang si Wiena sa asal ng anak.

"Wiena saglit lang may pupuntahan lang ako," paalam ni Damon at hinalikan niya ang noo ni Wiena at Treno.

Umalis si Damon kasama si Pitoy at Ramon, patungo sa bundok gibabano upang kausapin ang ermitanyong si Pablo.

"Ina inaantok ako," humihikab na saad ni Treno.

"Ako nalang maghatid sa anak mo sa kubo ni pinuno, kumain kana muna diyan," saad ni Miya. Hinawakan niya ang kamay ni Treno at iginaya patungo sa kubo.

"Magaling! anong akala mo magiging masaya ka kasama ni Damon! nagkakamali ka!. Dahil hindi karapat-dapat ang isang tulad mo kay Damon!" may diin at gigil  na saad Sira.

"Bakit? sino?" mataray na tanong ni Wiena. "Ikaw? 'di hamak na mas maganda, maalindog, kaakit-akit at kamahal-mahal ako kaysa sa 'yo," palaban niyang dugtong at nginisihan si Sira.

Nanlaki ang butas ng mga ilong ni Sira dahil sa sinabi ni Wiena. "Akala mo pipiliin ka ni Damon dahil may anak kayo? paano kung sabihin ko na dinadala ko ngayon ang anak ni Damon?. Matagal kang nawala at maraming nangyari at isa na roon ang namagitan sa 'min ni Damon," saad ni Sira at napangisi nang makita na natigilan si Wiena.

"Sira anong ginagawa mo rito? hindi ba inutusan ka na balatan ang mga nahuling koneho," singit ni Miya nang dumating ito, mula sa paghatid kay Treno sa kubo.

Inikot ni Sira ang itim na mga mata at umingos bago umalis.

"Wiena..." tawag ni Miya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang ba? huwag mo pansinin ang pinagsasabi ni Sira."

Pilit na ngumiti si Wiena at tumango. "Sige Miya punta muna ako sa kubo, bigla kasi akong inantok," matamlay niyang wika.

"Wiena—"

Hindi na tinuloy ni Miya ang sasabihin dahil tulala nang tumalikod si Wiena.

Nang malapit na si Wiena sa kubo ni Damon ay napahinto siya sa narinig.

"Nako! Paano 'yan narito na ang engkantong kasintahan ni pinuno. Hindi ba buntis si Sira sa anak ni Pinuno?" saad ng isang babae.

"Ha? bakit sigurado ka bang kay pinuno iyon, eh alam mo namang walang gusto si pinuno kay Sira," sagot naman ng isa pang babae.

"Oo naman, dahil nakita ng dalawang mata ko noong lumabas si pinuno sa kubo, ay nakasunod si Sira na nakatapis lang ng kumot ni pinuno—"

Hindi na tinapos ni Wiena ang pakikinig at agad na tumakbo papunta sa kubo.  At doon ay tahimik siyang umiyak, habang tinatakpan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay.

Nang medyo humupa ang nararamdaman ay tumabi si Wiena kay Treno. Niyakap niya ito at ipinikit ang mga mata.

____

Samantala sa mundo ng mga engkanto nauubos na ang hukbo ni Curton, nauubusan na rin siya ng lakas sa daming enerheyang nailabas. Hindi maubos-ubos ang mga alagad ni Bukanao, na para bang kapag may napapatay sa alagad niya ay nadadagdagan nanaman ulit ito.

"Sumuko kana Curton, ibigay mo na ang iyong mutya nang payapa. Magsanib pwersa tayo, iisang layunin natin ang maghasik ng lagim sa buong mundo!" nakangising saad ni Bukanao.

"Nagkakamali ka Bukanao wala akong layunin na gan'on!, mamatay muna ako bago mo makuha ang mutya!" matapang na sigaw ni Curton.

Humalakhak ng malakas si Bukanao at sabay atake ng kulay lilang usok kay Curton. Gumawa ng harang si Curton ngunit wala rin itong silbi dahil tumagos lang ito sa harang niya. Nang dumapo sa balat niya ang usok ay nanghina siya lalo, tumalsik siya nang may tumamang itim na kidlat sa kanang balikat niya. Napasuka siya ng dugo at nanginginig ang tuhod na tumayo habang hawak ang balikat, ginamit niya ang kapangyarihan upang gamutin ang balikat ngunit hindi ito gumana.

"Hahaha! Walang silbi 'yan, hindi gagana ang kapanyarihan mo upang gamutin ang sarili. Dahan-dahan na kakainin ang kapangyarihan mo hanggang sa wala nang matira sa 'yo," nang-iinsultong saad ni Bukanao at nakangisi ng malaki.

Nag-isip ng paraan si Curton kung paano makakaalis sa sitwasyon niya ngayon, dahil siguradong kamatayan ang nag-aantay sa kanya kapag magtagal pa siya dito. Tumalsik ulit siyang nang tamaan ang likuran niya ng kapangyarihan ni Bukanao, nanginginig na ang kalamnan niya at hindi na makapagpalabas ng kapangyarihan. Huminga siya nang malalim at pinilit na makapag teleport sa malayo, subrang galak niya nang magawa niya ngunit napangiwi siya at napasuka ulit ng dugo, dahil natamaan ang tagiliran niya at umagos doon ang masaganang dugo.

"Hindi ka makakatakas kahit saan ka magtago." Nakangising bulong ni Bukanao.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now