CHAPTER 1

3 0 0
                                    


Damn my head hurts. What the fvck did I just do last night? I can't remember a single thing. I just woke up and I'm already feeling so devastated. Gumising lang sa umaga nakakawalang gana na.

Also, Where am I?

All I can see is this white ceiling, asa hospital ba ako? Hindi naman ako na aksidente kagabi sa pagkakaalam ko?

"So you're awake na huh?" What is that voice.

Lalake?? Am I with a boy the whole night?

I immediately got up from the bed and that was when I realized that I am not wearing anything underneath! I'm literally naked!

Agada gad kong hinila ang kumot mula sa higaan na aking hinigaan kanina, hindi ko na pa inalintana ang pagsigaw ng lalakeng andoon.

"Hey! Don't grab it! I'm not wearing anything underneath too!!"

What the fuck.

"What the fuck Kian!?" Napasigaw ako. This whole time, I was with Kian? Seriously is this a joke man!?

The moment I mentioned his name ay napatulala siya and I grabbed that opportunity to grab the blanket to cover myself saka dali daling kinuha ang mga damit ko mula sa sahig at nagtungo sa banyo para magpalit.

Why am I with Kian? Did I have sex with him last night? Oh God, I can't remember a single thing.

Kahit man ay nilalamig ay pinasok ko pa rin ang shower para maligo. I have to clean myself up, I have to leave. Immediately. I can't stand a second being with him this close. I swore to myself, God, and to my friends that I would never have a connection with him ever again.

He ruined my life once, I can't make him ruin it again.

Hindi na pa ako nagtagal pa sa banyo't after ay ay nagbihis na para umalis sa room na kasalukuyan naming kinakatuluyan. Pagkalabas ko ng banyo ay hindi ko siya nadatnan dito. Umalis siguro, buti naman dahil wala akong balak na makita siyang muli.

I don't care if it's rude to just leave someone without saying a word. Well, he did that too, before. And since when did he come back to the Philippines? Ang akala ko ay hindi na ito babalik pa rito since nag settle na siya roon for good. With his family.

Family.

May family na nga ba talaga siya or was it just a rumor?

Anyways, that doesn't concern me anymore. Who gives a shit kung may family siya.



Pagka uwi ko sa bahay ay naligo ulit ako and change to my pajama clothes. Ansarap sana mabuhay kung ganito lagi, pa chill chill lang at walang inaalalang babayarin. Sana katulad ko siya, mayaman at walang prinoproblema.

Dahil nga'y kamakailan lang ako na sesante, kailangan ko ulit maghanap ng panibagong trabaho para sa ikabubuhay ko, namin. Dahil nga'y iniwan at kinalimutan kami ng kanyang ama ay walang bubuhay saaming dalawa kundi ako lang.

"Oh san ka galing, ba't 'di ka umuwi kagabi? Hinahanap ka ni Karl." Lumapit saakin si Jessie, ang kahati ko dito sa condo na inuupahan namin.

Si Jessie ang nagbabantay kay Karl tuwing wala ako dito sa condo total freelance worker naman si Jessie at laging naka work at home. Gusto ko nga rin sanang itry ung trabaho niya para mas mabantayan si Karl pero hindi ko alam kung kakayanin kong magbabad sa radiation 24 oras. Madalas pa mandin akong mag ka migraine. Mas gugustuhin ko nalamang na personal ang aking ginagawa kesa sa nakakababad.

"Sorry, may inasikaso." Inasikaso ko kagabi ung tatay ni Karl na nangiwan sa amin na ni hindi ko alam kung naaalala pa ba ako.

Kanina lamang habang papauwi ay naalala ko ang pinag gagagawa ko kagabi. Ginawa ko nga talaga yon, namin. Antanga ko rin kasi ung last na sahod ko sa trabaho kong iyon ay imbes na pinambili ko ng mga gamit ni Karl ay pinang inom ko. Apaka iresponsable ko talagang nanay.

Hindi ko alam kung pinaparusahan ba ako ng Panginoon o sadyang ito lang talaga ang nakatadhana saakin. Alam ng lahat, alam na alam ng Panginoon kung gaano ko ka-ayaw magka anak. Lagi ko itong pinagdarasal noon na sana'y hindi ako magka anak. Ngunit tignan mo nga naman, heto tayo ngayon.

Single mom.

Putanginang Kian kasi.

"May inasikaso o nag-inom?" Pangaasar pa ni Jessie.

Nginitian ko na lamang ito at pumunta sa kwarto namin ni Karl.

Nakatulog siya ngayon, apaka himbing ng kanyang tulog.

"Ngayon palang ay humihingi na ako ng tawad sayo anak. Pasensya ka na't wala ang tatay mo sayong tabi, sorry kasi hindi kita ma provide-an ng maayos at marangya na buhay. Sorry kasi sapat lamang ang naibibigay ko sayo." Hinaplos ko ang kanyang mga pisngi.

Unti unting tumulo ang mga luha saaking mga mata.

If only I wasn't careless back then, then none of this would've happen. Ngunit hindi ako nag sisisi na mayroon si Karl. Nagsisisi ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Masyado akong nagpadala sa tukso.

Kung hindi ba kami nalugi ay kapiling pa kaya naming si Kian? Buo ba kaming pamilya?

Kung sana lang. Hindi sana nagdudusa ng ganito si Karl. Ang sakit sakit makita everytime na lalabas kami ni Karl halatang nangungulila siya sa presensya ng kanyang ama.



"Rhea, are you done?" I'm putting my earrings on when I heard my mom mula sa labas ng aking room.

"Almost done po mommy!" I answered back.

Tinignan tignan ko pa ang sarili sa aking vanity mirror saka nag pose pose bago kinuha ang aking mga gamit at lumabas na ng kwarto. I don't wanna be late. Papagalitan nanaman ako ni Daddy tapos madadamay pa si Mommy.

Pupunta kami ngayon sa birthday ng anak ng business partner ni Daddy. I heard he's the same age as mine and kakauwi lang galing London. I heard din na homeschooled siya roon at ngayong nakauwi siya sa Pinas ay sa school ko na rin siya mag aaral. Must be the reason why Daddy bought me along with him. Para maka close siya at may makasama siya sa School when school started ulit.

"Rhea we're here. Remember to behave yourself and just do what I say." Daddy said with full authority.

Tumango nalamang ako at lumabas na rin ng sasakyan lumabas sila Mommy.

Blinding lights and loud sounds welcomed me. Andito palang kami sa tapat ng entrance ay mahahalata mo nang Grande talaga ang event na 'to.

I wonder if its really his birthday party or gaya rin ng saakin na kunwari birthday party pero ginagamit talaga ng family naming to negotiate with business partners.

Pagkapasok namin sa loob ng mansyon nila ay tila nawala ang napaka lakas na tugtog sa labas kanina. Dito sa loob is like a palace. Ang elegante tignan at napakatahimik. Para kaming asa loob ng isang palasyo.

I roamed my eyes around, hinahanap ang binate kung andito na ba pero I didn't saw him. Ang tanging nakikita ko lang ay ang malaking tarpaulin niya sa harap na may nakalagay pang text na Happy 18th Birthday Kian EJ Zapanta.

Okay, I'm jealous. Buti pa siya binibigyan ng ganyan pag birthday. Ako wala, literal na event lang. It doesn't even feel like its my own birthday.

Sucks to have a parents whose mind is set for business only. Ni ako mismo na nag iisa nilang anak ay business pa rin para sakanila. Like a retirement plan.

A lady went to us and gestured us na maupo muna sa isa sa mga tables dito. I wanna roam around sana habang 'di pa nag sstart ang event but knowing Daddy, he won't let me kaya nakatunganga lang ako rito.

I can't even use my phone kase it's disrespectful daw at hindi elegent tignan.

Since when did I became elegant ba? 

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Mar 12, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

One Busy NightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum