"Sige sige.. Akyat na din kayo, ah?" huli niyang sabi bago pumasok sa hallway 3 at pumasok sa auditorium kung saan ay may iilang kaklase niya at mga magulang nila na nakaupo na doon..

Hinanap naman agad ng mata niya ang lola ng nobya na agad niyang natagpuan dahil nasa bandang unahan itong row ng mga upuan. "Lola!" agad niyang bungad dito kaya napalingon ito sakaniya at malaki ang ngiti na sinalubong siya ng yakap. "Hi, Melo!" bati niya din sa kapatid ng dalaga.

"Ang gwapo gwapo mo naman, apo! At ang bango mo pa!"

"Thank you po, Lola! Ang ganda niyo naman po ngayon! At palagi din, hehe! Kamusta po??"

"Ayos lang naman ako.. Eh, ikaw bang bata ka? Hindi ka na dumadalaw sa bahay, ah?! Ikaw, ah!"

"Sorry po! Medyo busy din po kasi inaasikaso ko na po yung requirements papasok ng Ateneo, eh.."

"Ay oo nga, ano? Sabagay, mahirap kasing makapasok kaya maiintindihan ko kung busy ka sa pagprepare doon! Pero alam ko namang makakapasok ka, apo eh! Ang sipag mo kaya!"

"Sakto lang naman po.." ngiting saad ni James at umupo sa tabi nito at kinalong si Melo na kinamusta din siya bago nakipagkwentuhan dito.

Ilang oras ang lumipas nung magsipasukan na ang lahat ng mga magulang at inutos na din ng mga guro na pumwesto na ang lahat ng estudyante sa pwesto nila. Magkahiwalay kasi ang pwesto ng mga magulang sa mga estudyante.

"Nasaan si Nella? Wala pa??" tanong ni James nung makitang wala si Nella sa tabi ni Athea. Doon naman ito pupwesto pero wala silang nakitang Nella. "Ano, Athea!"

"Ha.. ?? Ay! James, ikaw pala! Akala ko kung sino na.. Bakit?"

"Si Nella?"

"Ay.. Hindi ko alam, eh."

"Halah ka.. Saan naman kaya yun? Nag-istart na."

Tumayo ang lahat para sa Lupang Hinirang dahil kailangan nilang gawin iyon bilang pagrespeto sa bansang kanilang nilalagyan. De'bale nang madilim ang budhi nila, basta marunong silang rumespeto sa mahal nilang bansa. 

Matapos ang pagkanta ay doon na sila umupo at siya namang sinundan ng pananalita ng Emcee.  "To formally start this commencement exercise, let us hear from our principal, Mr. Jordan Hades Cascein Bremen, for his welcome address."

Pinanood ni James ang ama na umakyat ng stage at marahang kuhanin ang mic na inabot ng ibang staff na nakaantabay doon. "Ang gwapo din ng papa mo, James 'no? Magkamukha kayo."

"Ilang beses ko nang narinig 'yan.."

"Totoo naman, ah?" angil ni June kaya napailing-iling na lang si James at pinakinggan ang sasabihin ng ama.

"Good morning to everyone who attend the moving up ceremony today.. And thank you for all guardians who came today for their children's special day! I am really grateful to see you all here.." ngiti nitong sabi at tumango.. "For all of my Grade 10-Hercules. I am proud of you all.. Aaminin kong napakasakit ng ulo ko sa school year na 'to dahil isa kayo sa mga dahilan.. But I also admit na kayo ang pinakamemorable na batch ko in my whole career.. As your principal, I am also thanking you because you taught me some lessons that I truly learned."

Napapalakpak naman ang lahat, kadamay ang Grade 10-Hercules. Naghihiyawan pa sila habang nagkakalampagan kaya hindi mapigilan ng mga magulang ang mapatawa.

"I am also thankful for my faculties, especially, Sir Dan.. Sir Dan, sobrang thank you and I'm proud of you kasi kinaya mo.. Kinaya natin na maging mabuting guro, and at the same time, ama, I guess.. Kasi I'll admit na may pagkukulang ako bilang ama, napakarami kong mga bagay na pagkukulang kaya nga lahat ng bagay na hindi ko magawa ay pinipilit kong gawin para mabigyan ng tamang pagdidisiplina yung isa d'yan.." mapang-asar na pagpaparinig nito kaya napa-ikot ni James ang mga mata ngunit nakangiti din naman.. "Napakatigas ng ulo. And buti na lang lang din may isang tao ang tumulong sa akin.. I am very thankful kasi I have her as my President.. She did everything to be a good president and a good and inspiring leader, not just to her classmates---also to her schoolmates.. Lower or High grades. I'm introducing you, my president, Nella Chandra Camero."

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now