"'Yaan mo na! Bawian mo na lang! Suntukin mo yung girlfriend!"

"Ay pabor pabor! Insan, nasaan ka??" paglingon nito sa paligid bago tumingin kay Nella na umamba ng tingin kaya inisuko niya ang palad bago tumakbo sa gawi ni Samantha na nag-side eye kay Nella na nag-side eye din sakaniya habang nakangisi.

"SORRY NA, NELLA!" tili ni Sam at akmang yayakapin ang dalaga nang umiwas ito at kunwari'y nagtatampo. "Sorry na!!!"

"Ayoko!" kunwari'y angil niya saka tatawa-tawa na bumaling sa kasintahan na natawa at tumalikod para hindi nito maipakita ang namumulang mukha..

"Nella, magbihis ka na kasi may laban ka pa.." utos ng guro nila kaya dali-dali nang nagsibalikan ang Grade 10 sa room nila. Si Nella naman ay nagbihis na ng shorts at iyong jersey niya na may nakalagay na Grade 10 Hercules, Blue Team, Wolves, 09.. At sa likod ay Camero ang nakasulat. Ang buhok naman niya ay nakatali sa ponytail.

"GO, MANDO!" sigawan nila Sam.. Ngayon ay nasa indoor court na sila. May net sa gitna at sa magkabilaang court na ang mga players. Ang mga audiences naman ay sa second row ng bleachers dahil mahahabol pa ang bola sa 1st row seat.

Si Mando muna ang maglalaro at balita nilang nag-champion ito noon sa badminton kaya ito padin ang ilalaban sa taon na iyon.. Si Nella naman ay nakaupo sa tabi ni James na nakapatong ang kamay sa hita niya habang nilalaro ang kamay niya.

*BUZZZZZZZZ!*

Nung tumunog na ang buzzer ay nagsimula nang i-serve ni Mando ang shuttlecock na agad pinasa ng kabilang player sa medyo malayong parte ng court na agad niyang hinabol at malakas na pinalo na agad namang nadepensahan ng kabila na dinepensahan niya din naman agad..

"Go, Mando! Kaya mo 'yan, Beh! Mahal ka namin ni Nella!" sigaw ni Athea na nasa kabilang tabi naman ni Nella.. Natatawang tinapik ni Nella ang balikat ng kaibigan na tatawa-tawa ding hiniga ang pisnge sa balikat niya. "MANDOOO!!!"

"Manahimik ka, Athea Maneja!" sigaw ni Mando kaya napahagalpak ng tawa si Sir Dan at dalawang babae na kaibigan nito.

Makalipas ang ilang oras ay nanalo na si Mando kaya panay ang talon ni Sir Dan at magkakaklase. Isang laro lang kasi iyon, isang bagsakan lang kaya kapag nanalo sila, champion na talaga. "Yes yes yes! Woo-Hoo!" kaway ng guro sa kung saan na para bang isang kandidato. "Nella, kuhanin mo na 'yan!"

Tatawa-tawang napatango si Nella bago pumwesto sa kaliwang court. Inayos niya ang suot na medyas saka inunat ang mga braso upang ma-warm up ang buto niya. Baka kasi mabigla din siya dahil iyon na lang din ang araw na maglalaro siya ng badminton, bukod nung nakaraan dahil nag-one on one sila ni Mando para makapagpractice kahit papaano.

Ang shuttlecock ay sakaniya kaya pumwesto siya doon sa serve line at swabe iyong ini-serve na kinuha nung isang player at pinasa sakaniya na siya namang agad niyang pinasa pabalik. Chill lang ang laro nilang dalawa dahil first set palang naman. Dalawa kasi ang set nila. Once na manalo siya sa unang round, isa pang round para manalo na talaga siya as Champion. Pero kung sa second set, manalo ang player sa kabila ay kailangan nilang mag-set 3 para malaman kung sino ba talaga ang magkakamit ng pagiging kampyon.

Sa unang set ay siya ang nanalo.. Aaminin niyang hindi siya magaling sa paglalaro pero tiyak namang mas magaling siya kaysa doon sa player. Magaling itong mag-serve ngunit sa habol ay nakukulelat ito. Siya naman ay kulelat sa serve pero hindi naman pumapalya, bale mahina lang..

*SAAAK!*

"OY PUTANG INA MO! Ang lakas pumalo ni Nella, Sir!" napapasapo ang bibig na saad ni Maeya habang sinusundan ng ulo ang pagpasa ng bola sa magkabilang court. Halata mong malakas at sinasadya ni Nella ang malakas na pagpalo sa bola pero kung titignan ang mukha nito ay kalmado lang naman ito.

High School SweetheartsWhere stories live. Discover now