"Ayaw ko!" Pabebe kong sagot sa kaklase ko at maraming umiling, "Pogi ka naman Miguel kaya ikaw na lang." Suhol pa ng president namin at sumimangot na lang ako kunwari bago tumango.


Biglang pumasok sa isip ko si William at ang pagiging Mr. Architecture niya. Gusto ko lang rin pumasok sa standard ng ibang tao para matanggap nila ang maaring mangyari sa relasyon namin. Sobrang gwapo ni Yuan at alam ko na hindi ko kayang pantayan 'yon kaya kapag may chance na ganito siyempre iga-grab ko.


"Super late ngayon ng pageant 'no? Dati raw kasi first sem pa lang may Mr. Architecture na mukhang nagmamadali tuloy tayo para makasali sa Mr. University. Bali Miguel and Violet ang pageant daw ay next week need niyo lang magsuot ng one formal and casual at sabi meron daw short na question and answer." Explain ng class president namin at tumango na lang ako.


Pagkalabas namin ng klase ay agad kaming pumunta ng mga tropa ko sa cafeteria kung saan sobrang mahal ng pagkain. Wala naman kaming choice dahil mabilis lang ang break namin ngayon tapos nabawasan pa dahil sa pag-nominate ng contestants. Maraming tao sa cafeteria pero pumukaw agad sa mga mata ko ang poging mukha ni William na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.


Biglang lumayo si Gio nung makita niya ang lamesa nila William. Tangina? Anong meron? Si Jan naman ay lumayo na at naghanap na ng pagkain. Maghahanap na rin sana ako ng pagkain pero bigla akong sinalubong ni William at may dala itong lunchbox.


"Hello, love!" Bulong nito at tumaas ang kaliwang kilay ko at natawa ako, "Anong meron?" Balik ko rito nang pabulong rin at natawa kaming dalawa. Iniabot niya sa'kin ang isang lunchbox na may lamang pagkain.


"Sinobrahan ko yung niluto kong almusal kanina para sa'yo. Kanina pa kita hinahanap pero late yata kayo lumabas ng classroom." Normal na ang boses na gamit nito, kinuha ko ang lunchbox na may pagkain.


"Thank you. Balik ko na lang sa'yo yung lunchbox later."


"No need, disposable naman 'yan."


Hawak pa rin ni William ang kamay ko pero bigla kong nakita na papalapit si Jan sa amin kaya agad kong binawi ang kamay ko.


"Sige kakainin ko na 'to." Ani ko at agad na naghanap ng upuan sakto naman na nakasunod na rin si Jan sa akin.


Walang namutawing usapan sa'ming magkakaibigan dahil nga nagmamadali kaming kumain. Nakita rin naman ni Jan kanina na binigay sa akin ni William ang pagkain kaya wala na rin siyang say at sinabi na lang kay Gio kung saan galing ang hawak kong pagkain.


"Bibili ka ba mamaya ng damit sa contest?" Tanong ni Jan habang naglalakad kami pabalik ng classroom.


"May mga damit naman ako pero baka yung accessories ang bilin ko para sakto lang sa damit na susuotin ko. Sasamahan niyo ba 'ko?" Tanong ko at umiling na agad si Gio.


"Hindi may plano kaming laro mamaya ng mga classmates natin." Sagot ni Jan at 'di na ako sumagot.


✎﹏﹏﹏﹏


Dahil solo flight ako sa pagbili ng mga gagamitin ko sa Mr. Architecture na competition ay agad akong lumabas ng classroom at nag-book ng motor papunta sa mall kung saan ako bibili. Mabilis lang rin at dumating na ang na-book kong rider.

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Where stories live. Discover now