Chapter 5

2.4K 198 22
                                    

Special thanks to my lovelines—Ri Artry, Argeline Justan, and Angel B. Niog—for letting me use their names in this story! Mahal ko kayo kahit akala niyo first chapter pa lang mamamatay na character niyo xDDD

Here's an update! Enjoy reading!


#TTRage05


NAGING GANOON ANG setup namin ng mga sumunod na araw.

I find it tiring yet . . . fulfilling.

Compared to my real life, I have a purpose here and there is something that drives me to wake up and look forward to every day.

"Verity, paki-xerox 'to please tapos ito paki-print. Eight copies, ha? Staple mo na rin," utos ni Miss Ria. Inabot niya sa akin ang folder at isang flashdrive.

"Okay po."

"Verity, pabigay naman nito sa design team, oh. Need na nila magawa 'yan, e. Salamat!" mabilis na sabi ni Argeline at inabot sa akin ang isa pang folder.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa dahil mabilis din siyang umalis sa harap ko para bumalik sa content team.

Una kong inabot sa design team ang pinaaabot niya dahil urgent daw 'yon. Sunod kong ginawa ay nag-print ako ng sabay at xerox. Marami-rami rin kasi ang kailangan i-print. Inaayos ko isa-isa ang lumalabas sa printer tapos ay kukuhain ang isang batch ng print ko.

Nang matapos, isa-isa ko 'yon na inayos at pinagsama gamit ang stapler. Inabot ko ang lahat ng nagawa ko kay Miss Ria. Tapos bumalik ako sa printing area para itapon ang mga papel na nasayang ko. Nilagay ko sa shredder para mas magkasya sila sa basurahan.

"Pakibili mo naman kami ng drinks, oh," nakangising bungad sa akin ni Miss Janna. Inilahad niya sa akin ang two thousand pesos.

Gusto ko man tumanggi pero alam kong busy rin siya. Pangalawa siya sa mataas kay Miss Ria rito. Iniiwasan kong sagutin siya dahil doon at pagiging propesyunal na rin. Pero simula kahapon pa niya ako sinusubukan mula noong madapa ako sa harap ni Ysmael Alessandro.

Ika niya, nagpapapansin daw ako sa Chairman ng Vestra para raw umangat ang estado ko sa buhay. Baliw 'di ba? Pinakalat niya 'yon sa floor namin. Balita ko nga ay umabot na rin sa iba pang mga department. Nalaman ko kay Argeline at Angel kung bakit niya ginagawa 'yon. May gusto si Miss Janna kay Ysmael Alessandro. Kaya mala-anghel daw ito kapag nasa harap ng chairman.

Ano kaya magiging reaksyon nito kapag nalaman niya 'yung totoo sa amin ni Ysmael? Technically, hindi naman totoo 'yung pagiging mag-asawa namin dalawa. But I bet she would do anything just to be in my position.

"Sige po. Akin na." Pilit ang ngiti na iginawad ko sa kanya. She laughed in mocking tone.

"Girls. Ano inyo?" tanong niya sa mga kasama niya sa presentation team.

"Hibiscus iced tea with pomegranate pearls and strawberry syrup for me."

"Strawberries and cream frappucino. Oh, and pa-add na rin ng java chips and hazelnut syrup."

"Sa akin, iced youthberry tea with strawberry syrup. Add pomegranate pearls, too."

"And an iced chocolate classic, for me, with 2 pumps of dolce sauce. Add on a chocolate drizzle and chocolate whipped cream on top," dagdag ni Miss Janna na mas lalong lumawak ang ngisi sa akin ngayon. "Nakuha mo ba lahat?"

"Yes," tugon ko. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Una na po ako," magalang na saad ko at ako naman ang ngumisi sa kanya ngayon.

Nakabusangot akong sumakay ng elevator, hindi alintana ang mga kasabay ko.

The Tyrant's Rage (Reincarnation #4)Where stories live. Discover now