Chapter thirteen

73 3 2
                                    


༄✪༄


KINA UMAGAHAN lahat ng mga magician ay  nag practice sa quadrangle para mayroong lakas sa paparating na pag titipon next week pati nadin sa gaganaping Rank Game next next week.

Lahat ay seryoso sa pag iinsayo samantalang ako ay naka upo lng sa bench at tinitignan ang mga magician. Hindi ko alam kung saan at pano ako mag sisimula gayong wala pa akong ka alam alam sa mga dapat gawin. Napa buntong hininga nalang ako at nag lakad lakad nalang hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko patungo sa likod ng paaralang ito at nakita ang itinatagong garden na ngayon ko lamang nakita simula ng dumating ako dito. Encantria Garden

Napa ngiti ako sa ganda ng tanawing nasa harap ko bago dahan dahang nag lakad papalapit sa fountain na nakita  ko, hinawakan ko ang kumikinang na tubig habang naka ngiti at inililibot ang mga mata ko sa ganda ng harden na nasisilayan ko. Pagkatapos kong ma kontento sa pag hawak sa tubig galing sa fountain ay isinunod ko namang hawakan ang mga mapupulang rosas at inamoy ito habang dahan dahang ina-alon ang ang mahaba kong buhok dala ng hangin na tila ba sumasayaw sa harden.

Nagulat ako mula sa pagkaka higa sa damo ng maramdaman kong tila ba may maliliit na kamay na humahaplos sa mukha ko at ng imulat ko iyon ay may dalawang maliliit na fairy ang bumungad sakin Isang lalaking may kulay asul na damit ngunit maliliit lamang at Isang babaeng may pink na damit na naka ngiting naka tingin sakin kaya naman dahan dahan akong umupo sa damuhan at inilapag ko ang kamay ko sumisinyas na umupo sila dito na agad naman nilang nakuha kaya umupo ang mga ito.

"Ang cute nyo naman" Naka ngiting sabi ko sa dalawa.

" Anong pangalan nyo?" Dagdag na sabi ko.

"Ako si Lily mahal na diwani" Naka ngiting pakilala ng babaeng fairy.

"Ako naman si Josh mahal na diwani" Pakilala naman ng lalaking fairy at sabay silang lumipad ni Lily at nagpa ikot ikot saakin Hanggang sa may lumabas na mga dust na kumikinang at namalayan ko nalang na may koronang gawa sa rosas na ang naka patong sa buhok ko kaya naman tumatawang tinignan ko sila.

"Nagmumukha akong prinsesa sa ginawa nyo" Naka ngiting saad ko at nakita kong sabay silang nagkatinginan at sabay ding ngumiti.

"Higit kapa sa isang prinsesa diwani" Sabay na sabi nila kaya nag tatakang tinignan ko sila.

"Anong ibig nyong sabihin ,Lily? Josh?" Tanong ko sa mga ito ngunit ngumiti lang sila at sabay na umiling kaya natatawang napa iling iling nalang ako.

"Kayo ba ang bantay lagi dito sa magandang hardin?" Tanong ko sa mga ito.

"Opo hindi po kami basta basta nagpapa pasok lang ng kung sinomang magician dito bukod sainyo ng prinsepe ng apoy mahal na diwani" Sagot naman ni josh.

"Hmm palagi bang namamalagi ang prinsipe ng apoy dito? atsaka bakit nyoko pinapasok gayong baguhan palang ako dito?" Malambing na tanong ko sa mga ito.

"Sapagkat ika'y kakaiba mahal na diwani , ika'y higit na kagalang galang , at opo madalas pong mamalagi ang mahal na prinsipe dito dahil itong harden ang kanyang pahingahan" Naka ngiting sabi naman ni Lily ngunit hindi ko na lamang pinuna ang pauna nyang sagot at tumango tango nalang.

"Maaari ba akong matulog kahit Isang oras lamang sa lugar na ito?" Malambing na paghihinging pahintulot ko na siya namang pinag sang ayonan ng dalawa at pumaikot ikot sa akin bago ko naramdamang may tela ng naka sapin sa damong hihigaan ko.

"Maraming salamat josh , Lily" Pasasalamat ko sa mga ito at pumikit na para matulog.

NAGISING AKO sa Lugar na hindi ko alam kung pano at saan ako napunta ngunit ang tanging nakikita ko lamang ay purong ulap at ang tanging naririnig ko lamang ay ang ihip ng hangin.

"May tao ba rito?!" Nag tatakang sigaw ko at dahan dahang lumakad sa mga ulap at nakakapag takang nakakapag lakad ako rito. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong naglalakad ng walang direksyon ngunit tumigil lamang ako ng maka ramdam ng matinding pagod.

"Pagod naba ang isang Reyna?" Mula sa Isang tinig ng Isang babae nagmumula ang bosses na iyon, kaya naman nagpa linga linga ako upang hanapin kung saan nagmumula ang babae. Isang may mahabang kulot na buhok at mala prinsesang babae ang bigla nalang bumungad sa harapan ko.

"Who are you? and why are you calling me queen?" Seryosong tanong ko rito at tanging malambing at malamyos na tawa lang ang isinagot nito saakin.

"Hmm easy my dear, nandito ka para palabasin ang kapangyarihan mo at makapag handa sa paligsahang gaganapin sa paaralang pinapasokan mo" Malambing na sabi nito bago nag laho at naramdaman ko nalang na may kamay na humawak sa balikat ko na nag mumula sa taong nasa likod ko.

"Sumunod ka sakin" bulong nya sa tenga ko kaya naman nilingon ko ito at nakitang dahan dahan nasyang nag lakad kaya naman sinundan ko na lamang ito kahit pa may pagtatakang naka ukit saaking maamong mukha.

༄✪༄

SOUL KEEPER  [ On-Going ]Where stories live. Discover now