Chapter Eleven

86 6 1
                                    

"TAHIMIK" Malakas na sabi ng pinuno ng akademyang ito na syang ikinatahimik ng lahat ng mga magician at pinanood na lamang ang mga susunod na mangyayari.

Muli akong tinignan ng headmaster kaya naman dahan dahan akong lumapit sa maka lumang kahon at nasilayan ko ang nakapaganda at kumikinang na Espada ,may kumikinang na diamante ito sa hawakan ng malapad na espada at kitang kita ang talim sa pagkakakinang nito.

"Subukan mong hawakan Ms Sarfenia" Seryosong saad ng headmaster kaya napa tingin ako dito at nabanaag ko sa mga mata nito ang pag daan ng hindi ko mawaring emosyon.

"Madaming magician na ang nag tangkang humawak sa espadang iyan sa nagdaang taon dahil isa iyan sa napaka lakas na espada sa Mundo ng mahika na pinanggalingan pa ay ang sagradong dyos at dyosa kaya naman madaming magician ang nag aasam na mahawakan iyan ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay sa Oras na nahahawakan nila ay ang biglang pag labas ng nagbabagang kuryente na may pinag halong apoy na tila ba ginagwardyahan ang espadang iyan sa mga taong hindi naman karapatdapat na hawakan iyan kaya Wala ng muling sumubok na hawakan ang sagradong espadang iyan kahit pa ang mga mahal na Hari at Reyna" Mabang paliwanag ni Ms Lee kaya napa baling sakaniya ang tingin ko at nakita kong seryoso itong nakatitig sa kumikinang na Espada.

Dahan dahan kong nilapitan ang makalumang kahon at sa hindi malamang  kadahilanan ay tila ba may kung anong enerhiya ang bumuhay sa katawan ko at tila sabik na mahawakan ang kumikinang na Espada na tila ba may kung anong koneksyon ang naka konekta saaming dalawa.

UNTI UNTI  ko itong hinawakan at sa Oras na nahawakan ko ang Espada ay ang syang pag lakas ng hangin at ang pag yanig ng lupa kasabay ng pag liwanag ng Lugar na iyon na syang ikina alarma at ikinataka ng lahat ng naroon.

Sa pag hupa ng liwanag ay ang syang pag bakas ng gulat sa mga mukha ng mga magiciang naroroon. Hindi nya maipaliwanag ang mga nangyayari ngunit ang alam lang nya ay hawak nya ang nag liliwanag na Espada na kanina lng ay nakapa loob pa sa makalumang kahon.

"Nahawakan at sumama sayo ang sagradong Espada" Bakas ang gulat sa Mukha ng headmaster ng sabihin iyon. Napa tingin ako sa espadang hawak ko at tumigil na ang pag liwanag non at nagmukhang ordinaryong Espada nalang iyon ngunit hindi nya alam kung nararamdaman din ba ng iba ang lakas ng kapangyarihan na nagmumula sa espadang hawak nya.

GULAT at pagtataka padin ang naka guhit sa mga mukha ng magician habang naglalakad sya pabalik sa dorm nya, ngayon sana gaganapin ang pagsasanay ngunit may biglaang pangyayari daw kaya itutuloy nalang bukas at pinag pahinga na kami para daw may lakas kaming mag sanay ng husto kina umagahan.

"Woah hindi padin ako makapaniwala na ikw ang napiling tagapangalaga ng sagradong espadang iyan serenity" Hindi padin makapaniwalang Saad ni Tasha. Hindi ka nag iisa girl dahil kahit ako gulat din sa mga nangyari.

"Imagine halos daang taon na ang lumipas pero ngayon lng sumama ang espadang iyon sa mga nag tangkang humawak" Patuloy pa ni Tasha habang nag lalakad kami pabalik sa dorm. If your wondering why we didn't use teleportation is because Tasha said it's a waisted of energy like does walking won't waisting your energy?.

" Hindi din naman ako makapaniwala eh" Tanging Saad ko nalang.

"Kataka taka man friend pero I'm so happy for you, napaka lakas ng espadang iyon at swerte mo kasi ikw yung napiling tagapangalaga" Bakas ang tuwa sa bosses ni Tasha kaya napangiti din ngunit hindi kodin maiwasang Hindi mag taka kung bakit sa lahat ng magician ay ako pa? like I am just a normal girl tapos Ilang araw palang ako dito ako na agad ang center of attention dahil sa espadang ito.

"Alam mo serenity? Hindi lang yan ang ibibigay ng mga Hari at Reyna" Biglang sabi ni Tasha kaya nilingon ko ito at nagtatakang tinignan.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.

"Hmm bibigyan tayo ng Hari at Reyna ng aalagaang hayop like mag s- summon ka gamit ang kapangyarihan mo then malalaman natin kung anong hayop ang aalagaan mo hindi lng simpleng hayop iyon dahil iyon din ang magiging kasangga mo at katulong sa anomang panganib kapag kailangan mo sila, tsaka galing payan sa mga dyos at dyosa na inutusan lng ang mga Hari at Reyna na Sila ang mag abot sa mga estudyante dito" Mahabang sabi ni Tasha kaya nasa kanya na ang buong attention ko habang naglalakad padin kami.

"Kailan daw gaganapin iyon?" Tanong ko.

"Hmm next next week bago maganap Ang Rank Game " Excited na sabi nya.

"Ahh next next week na pala agad" Tanging sabi ko nalang at itinuon na sa daan ang tingin at mula rito ay tanaw na namin ang dorm namin.

SUMAPIT Ang gabi na walang ibang laman ang isip ko kundi ang espadang nakuha ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pagkaka tulala sa ceiling ng kwarto ko bago lumuhod at kinuha ang makalumang kahon na lalagyan ng espadang nakuha ko bago binuksan iyon. Sa Oras na nabuksan ko ang kahon ay ang syang pagkawala ng malakas na enerhiyang na nangagaling sa sagradong Espada.

"Ramdam na ramdam ko ang lakas ng enerhiya na nangagaling sayo" Bulong ko habang dahan dahang hinahaplos ito.

"Bakit sa dinami-daming magician sa mundong ito ay ako ang napili mong maging tagapangalaga mo?" Wala sa sariling tanong ko rito ngunit tanging pag kinang lamang ang isinagot nito kaya napa buntong hininga nalang Ako at dahan dahang ibinalik ito sa kahon bago ito sinara at ibinalik sa ilalim ng kama.

SOUL KEEPER  [ On-Going ]Where stories live. Discover now