Episode 13 - PEN

2 0 0
                                    

HINDI na-enjoy ni Ximena ang mga nakahain dahil na rin sa nao-overwhelm siya sa mga nangyayari. Hindi niya magawang maisubo ang pagkain habang tinatanaw ang mga nasa paligid na nagtatawanan habang ang daddy niya at siya ay tahimik. Pakiramdam ni Ximena ay hindi talaga siya welcome roon, sila ng daddy niya. Pagkatapos kumain ay isinama siya ng ama sa library. Matagal silang nakaupo lamang doon, naghihintay na magsalita ang isa sa kanila.

Hindi na nakapagpigil si Ximena. "N-naguguluhan ako, Dad. Ano 'to? Kasama ko sila Mommy at Jace at baka nag-aalala na sila."

"Umaano ka rito sa Spain?" pag-iiba ni Dario sa usapan.

"You have to answer me first, Dad. Ako po ang unang nagtanong."

"Fine! Yes! Pamilya ko sila."

Natulala si Ximena ng ilang minuto. "A-akala ko po..."

"Nagsinungaling ako."

"B-bakit po?"

"I have my reasons, anak. H-hindi mo na kailangan pang malaman."

"H-hindi? Ilang beses po kitang tinatanong tungkol sa pamilya mo. H-hindi? Mahalaga sa akin ang sagot mo, Dad."

Nang mapagtanto ni Ximena na wala siyang makukuhang iba pang impormasyon sa ama ay pinili na lang niyang iwan ito.

"San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" pigil nito sa kaniya.

Hindi niya nilingon ang ama dahil talagang malaki ang tampo niya rito. "Saka na po tayo mag-usap 'pag magtatapat na po kayo sa akin."

Inaasahan ni Ximena na susundan siya ng ama ngunit hindi iyon nangyari. Malalaki ang yabag na tinunton niya ang daan pabalik sa kaniyang silid. Sa di-kalayuan ay natanaw niyang may inilapag na kung anuman ang isang babae sa center table. Hindi naman sinasadya na doon din ang daan pabalik sa kwarto.

Nadaanan niya ang malalaking plorera na nakalagay sa center table. Nilapitan niya iyon at ininspeksyon. Naisip niya na kung may maliit lang sana nun ay baka puwede niyang maiuwi. Itinigil na niya ang paghawak sa mga iyon ng may kung ano na naman siyang naramdaman. Sa may dulo ay nakita niya ang isang signature pen. Hinawakan niya ito at nakita niyang may naka-engrave na pangalan.

Kinabahan na naman siya at sobrang na-excite. Ipinikit niya ang mata dahil gusto niyang ibaba iyon. Ang dami na niyang pen sa bag niya. Isinilid pa niya roon maging ang pen na nasa counter sa isang shop sa mall na malamang ay pagmamay-ari ng cashier. Maging ang ballpen na di-sinasadyang nahulog ng flight stewardees na maaaring isa sa mga papremyo nito sa games, at marami pang iba.

Wala naman sa kaniya kung mahal o hindi ang ballpen. Hindi niya alam kung anong mayroon sa mga school supplies at gustong-gusto niya mag-stock.

Pinasadahan niya ang paligid. Wala naman nakakakita.

Sa huli ay nanalo ang bulong ng kaniyang isipan.

She felt some sort of happiness after putting the pen on one of her side pockets. Napangiti siya ng kaalamang nasa kamay na niya iyon. Humakbang na siyang muli.

"Ximena!"

Napahinto si Ximena sa kaniyang paghakbang. Dahan-dahan niyang nilingon ang babae.

Ito ang may-ari ng ballpen.

Ang kasiyahan niya ay napalitan ng kaba.

"H-Hi.." nauutal niyang bati rito.

"Hi!" biglang bati sa kaniya ng babae. Seryoso itong naglalakad palapit sa kaniya. Napahawak siya sa ballpen na nasa kaniyang bulsa.

Pagdating nito sa kaniyang harapan ay bigla na lang siya nitong sinunggaban.

Napaiwas siya ngunit mas mabilis ito.

Unruly HandsWhere stories live. Discover now