Chapter 7: Possession

Start from the beginning
                                    

"Ahia!" Itinulak niya ako paharap sa dingding at idiniin ang katawan ko roon pati ang mga kamay. "Bing—" Tinakpan ulit niya ang bibig ko at hindi ko na natapos ang pagsigaw.

Lalong dumoble ang takot at panginginig ko kompara noon.

Hindi ako makakilos. Hindi ako makalaban. Mas marahas ang hawak niya sa 'kin sa mga oras na 'yon. Ilang beses niyang inuntog ang ulo ko sa kahoy na dingding para lang huwag akong mag-ingay at mawalan ako nang malay kahit saglit lang.

Ang higpit ng hawak niya sa mga braso ko. Para niyang sinisipsip ang leeg ko hanggang balikat.

"Bing . . ." nanghihinang pagtawag ko at nanlalabo na lahat kasi ang sakit ng ulo ko.

Nagawa ko pang hawakan ang braso ni Ricky pero sa sobrang hilo, hindi ko malabanan ang ginagawa niya.

Lumamig lang lalo sa paligid nang mahubad ang tuwalyang suot ko. Muntik pa akong bumagsak kung hindi lang niya ako sinalo sa baywang.

Dumodoble ang tingin ko sa kisame, sa mga display sa dingding, sa may side table, kahit kay Ricky, nang bumagsak ako sa malambot na higaan.

Palingon-lingon ako sa paligid, naghahanap ng puwedeng ipamprotekta sa sarili ko kahit pa gusto ko na lang mahimatay.

"Ricky."

Namumungay ang mata ko nang lumingon sa may pintuan.

Narinig kong nagmura sa Cantonese si Ricky pero sobrang labo na ng boses niya, hindi ko na narinig nang maayos ang kasunod niyang ibinulong-bulong.

Sinubukan kong bumangon nang may lumapit na anino sa puwesto namin.

"Bing . . ." mahinang pagtawag ko.

Papikit-pikit na 'ko nang makitang may kinakaladkad na palabas ng kuwarto ko, at masyado na 'yong malabo para makita ko pa.

Sa sobrang hilo, nawalan na lang ako ng malay nang hindi ko napapansin.



♥♥♥



Kapag sarili mong pamilya ang kalaban mo, ang hirap mag-isip ng paraan para malabanan sila, lalo kung sa kanila ka pa umaasa.

Tinanggap ko nang wala akong kakampi sa kanila, at sinabi ko na sa sarili kong wala na akong ibang pakinabang dito kundi anakan at mamatay na lang pagkatapos.

Iyon talaga ang inaasahan ko.

Sinag ng araw ang gumising sa akin kinaumagahan. Sa sobrang takot ko para sa sarili ko, mabilis akong bumangon at napasinghap habang yakap ang sarili.

Pinandilatan ko ang paligid at napatingin sa katawan kong hubad—hindi. May damit ako. Mahabang pantulog. Balot mula leeg hanggang buong braso, hanggang sakong ang haba at sobrang kapal ng tela.

Lalo kong pinandilatan ang kuwarto kasi . . . hindi ko kuwarto 'yon.

Simple lang ang disenyo, walang kahit anong display sa dingding maliban sa Chinese quote na "Water flows in only to flow out" ang eksaktong translation.

Hindi ko alam kung kaninong kuwarto 'yon. Nagulat na lang ako nang bumukas ang isang pinto sa gilid at napaatras ako nang makita si Ahia Wing na kalalabas lang ng banyo. Ngumiti agad siya sa 'kin at itinuro ang bintanang nakabukas sa gilid ng kama.

"Sorry if the sun woke you up, Shobe."

Nahihiya akong yumuko habang kunot ang noo. Hindi ko kasi alam kung paano ako napunta rito.

AGS 5: Kiss of the Red LotusWhere stories live. Discover now