Hindi na ako nakisali sa kanila. Kailangan ko sigurong kausapin si Princess. Kailangan maunahan ko tong unggoy sa tabi ko.

Chris.

-

Pagkalabas ko ng pintuan, hindi na ako nagpaliguyligoy pa. Agad kong hinanap si Aiko. Sya lang ang magbibigay ng kasagutan sa mga tanong ko. Sya lang ang makapagbibigay ng payo kung anong gagawin ko. Hindi naman sa hindi ko maasahan ang payo nila Chris at ng Guardians pero sigurado akong pampalakas loob lang ang ibibigay nila sakin. Kaya eto ako ngayon, nagmamadaling pumunta sa bahay ni Aiko.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nyang makaluma, agad ko ng binuksan ang pinto kahit hindi kumakatok. Isang tahimik na sala ang bumungad sakin. Mga libro na nagkaayos sa lalagyan. Mga potion na nakalagay sa bote at nakaayos din sa kanikanilang lalagyan depende sa gamit.

Wala si Aiko. Nasaan kaya sya?

Hinanap ko muna sya dito sa unang palapag bago sa pangalawang palapag.

Mas madaming kagamitang ang ikalawang palapag. Mga lumang estatwa, lumang mga banga, at lumang mga paintings. Medyo nakakatakot pero nilakasan ko ang loob ko, hinanap ko sya sa buong silid pero wala. Isa na lang hindi ko natitignan.

Itong nagiisang pintuan. Ano kaya ang nasa loob nito? Ito kaya ang lugar kung saan ginagawa nya ang mga potion?

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko ang isang babaeng nakaupo at nakatali sa isang silya.

"A-aiko?" napalapit ako sa kanya at tangkang tinatanggal ang tali pero mahirap pa sa inaasahan ko ang pagkahigpit ng tali.

"Sino ang gumawa sayo nito?"
Bumubuka ang kanyang bibig pero walang lumalabas na salita. Hindi ko din naman maiintindihan.

"A-ano? Ano bang nangyari" sabi ko habang patuloy sa pagtanggal ng tali.

"Tamang tama lang ang dating mo, Princess Ariana. Akala namin matagal kaming maghahantay para sayo"

Yung boses na yun. Kilala ko kung kino yun.

Alexa.

Pero teka parang ibang boses ni Alexa ang narinig ko. Hindi sya tulad dati na napakalambing. Napakalamig na nya ngayon. Ibang Alexa sa nakilala ko.

Napatigil ako sa pagtatanggal nung biglang sumara ang pinto kaya tumungin ako kung sino ang pumasok.

Hindi nga ako nagkamali. Si Alexa, Inferno at si Abra.

"A-alexa? A-anong ginawa mo kay Aiko? Bakit mo sya dinadamay sa away?"

Napangiti naman sya.

"Haha. Kailan ka pa naging shunga Princess Alexa? Isa syang Enchanted kaya kasama sya sa away" sabi nya na walang emosyon. Iba na talaga sya. Sigurado akong may ginawa ang mga taga-Wicked sa kanya.

"Wala ka na bang sasabihin Princess? May gagawin pa kasi kami sa Wicked Kingdom.... Kasama si Aiko" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Sinubukan kong lumaban pero isang laso ang bumalot sa katawan ko at humagis papunta sa isang dingding.

Napahawak ako sa braso ko at sinubukang lumapit sa kanila pero huli na ang lahat isang usok ang biglang bumalot sa silid.

Unti unting nawala ang usok at wala na akong nakita. Napaupo na lang ako at napayuko. Kusang tumulo ang luha sa mata ko. May napahamak na naman ng dahil sakin at hindi ko na dapat palampasin yun.

Dumating ako sa kwarto at nakita ang mga Guardians.

"O-okay ka lang ba Princess?" tanong ni Jin.

Napatingin ako ng masama sa kanila.

"Bakit hindi kayo dumating?" mahinang sabi ko sa kanila.

Sabi kasi nila malalaman nila kapag nasa panganib ako pero bakit kanina hindi sila dumating?

"A-ano bang sinasabi mo Princess?" tanong ni Theo.

"M-may nangyaro bang masama Princess"

Napataas ang kilay ko sa mga tanong nila. Hindi ba talaga nila alam?

Lumapit ako sa kay Jin at tinignan yung singsing.

"Ahh.. A-anong ginagawa mo Princess? Nakakapanibago ka naman"

Tinignan ko sya habang nakataas ang kilay.

"Nasa panganib ako kanina pero hindi nyo alam?" takhang tanong ko.

"Nasa panganib ka?" gulat na tanong nila.

"P-pero hindi naman nagbabala ang singsing" sabi ni Tim.

Napatingin naman ako kay Jin na biglang yumuko.

"Bakit Jin? May problema ba? Tanong ko sa kanya.

"Si Abra... Sigurado akong kinontrol nya ang kapangyarihan ng singsing.. Naglagay sya ng barrier sa lugar mo para hindi namin maramdaman na nasa panganib ka" lumuhod sya sakin.

"Patawad Princess" sabi nya tsaka nagsorry din ang mga kasama nya. Ngumiti lang ako.

"Okay lang ano ba kayo.. Okay lang ako kaso si Aiko.. Nakuha sya" sabi ko at nagulat naman sila sa sinabi ko.

"P-papaano na tayo makakapunta sa Labyrinth City kung wala na sya?" tanong ni Kyle.

"Kakailanganin pa din natin ang tulong nya" dugtong ni Nathan.

Gusto ko sanang magsalita kaso bigla akong nahilo at hindi ko namalayang bumagsak na pala ako sa sahig.

-

"Princess" isang boses ang narinig kong tumatawag sakin at kung hindi ako nagkakamali, boses yun ni Aiko.

"May mga inihanda akong mga gamit na makakatulong sa inyo. Kuhain mo ito sa isang drawer sa ikalawang palapag. Dalhin nyo iyon sa inyong paglalakbay. Malaki ang maitutulong nun sa inyo"

Binuksan ko ang mata ko dahil akala ko nasa tabi ko na si Aiko pero nagkamali ako. Wala pa din sya. Ang nakita ko lang ay si Chris.

"Princess! Ano bang nangyari? Bakit ka nawalan ng malay?" pag-aalala ni Chris.

Nagflashback sakin ang mga nangyari bago makuha ng Wicked si Aiko.

"Yung usok... May halo siguro yung pampatulog.." bulong ko.

"Saan ka ba nagpunta? Hinanap kita kung saan saan simula nung lumabas ka ng kwarto. Pinuntahan kita sa bahay ni Aiko pero wala ka naman" napataas naman ang kilay ko.

"Nasa bahay lang ako nila Aiko. Imposibleng wala ako dun-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung may naalala ako

"Si Abra... Sigurado akong kinontrol nya ang kapangyarihan ng singsing.. Naglagay sya ng barrier sa lugar mo para hindi namin maramdaman na nasa panganib ka"

"B-bakit princess? May problema ba?"

"Si... Abra.. Sya ang may gawa.. Kinulong nya ako sa barrier para walang makasagabal sa kanila.. Planado nila yun.." halos maikuyom mo ang kamo ko sa galit. Sinusubukan talaga nila ako.

"Ayy. Oo nga pala. Yung pinapakuha ni Aiko" nagmamadaling sabi ko tsaka agad tumayo.

"T-teka sasama ako" nagroll eyes na lang ako tsaka umalis. Hayaan ko na lang syang sumunod baka kaso mapahamak na naman ako magisa.

Nagsimula na kaming pumunta sa bahay ni Aiko. Kailangan kong makuha yung bagay na yun. Naniniwala akong malaki ang matutulong samin nun. Kahit hindi ko pa alam ang mga yun, ang alam ko lang kailangan namin yun. Desidido na akong makuha ang medalya para matapos na ang gulo. Para maibalik ko na ang mga taong mahahalaga sa buhay ko.

Mama

Papa

Aiko

At Alexa.

Maghantay lang kayo. Mababalik ko din sa dati ang lahat.

The Pink Princess [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now