Tumabi si Damon kay Wiena at tinitigan ang mukha. Nanatiling nakatingala si Wiena at nakatitig sa buwan.

"Bukas ay pulang buwan na," saad ni Wiena, ngunit nanatiling nakatitig sa buwan.

"Kung may binalak ka sabihin mo sa'kin,"

"Damon, may lihim ang pagkatao ko at sigurado akong 'di mo ako matatanggap. Magkaiba ang pinagmulan natin," saad ni Wiena at nakipagtitigan kay Damon.

"Bakit 'di mo sabihin sa'kin, wala ka bang tiwala sa'kin?"

Bumuntong hininga si Wiena. "Maaring matanggap mo ako... ngunit ang nasasakupan mo ay hindi,"

"Wala silang magagawa, ako ang pinuno nila,"

Mapait na ngumiti si Wiena. "Paano kung sabihin ko sa'yo na... na anak
ako ng hari ng mga itim na engkanto,"
napapalunok ng laway na saad ni Wiena.

Natigilan at nagulat si Damon, 'di kaagad siya nakakibo.

"He he!" pekeng tawa ni Wiena. " Sabi na eh,"

"Seryoso ka ba sa sinabi mo?"

"Hahaha! hindi biro lang 'yon ano ka ba..." tumatawang saad ni Wiena at mahinang hinampas sa braso si Damon. "Pero kung sakaling totoo ano gagawin mo?"

"Hindi ko alam... kalaban namin ang itim na engkanto, lalo na ang hari dahil tinulungan niya ang pinuno ng mga aswang noong nakaraan na pulang buwan. Galit ako sa kanila, nangako ako noon na mabubuhay ako para patayin sila,"

"Ahh, ganoon ba..." tumatangong saad ni Wiena. "Ang totoo eh may lahi ako ng mangkukulam, 'di ko lang napigilan ang sarili ko ang sakit kasi ng pagkakasabunot ng asawa mo!"

Napataas ng kilay si Damon. "Anong asawa?"

"Tss! Kunwari ka pa," nakangusong saad ni Wiena.

"Sino ba tinutukoy mo?"

"Sino ba ang kumalbo sa'kin!" inis at pasigaw na saad ni Wiena.

"Ha? 'di ka naman nakalbo ah, si Sira ba? sa pagkakaalam ko wala akong asawa," natatawang saad ni Damon.

"Ah ganun kinakampihan mo siya? kinakampihan mo ang kasintahan mo!"

Hindi na napigilan ni Damon at napatawa siya ng malakas, na hawak pa ang tiyan. "Nagseselos ka ba? sa pagkakaalam ko ikaw ang kasintahan ko,"

Namula si Wiena at tinarayan si Damon para itago ang kilig na naramdaman niya. "Ako daw! samantala nakikipagyakapan ka sa kanya!"

"Ohh... kaya ba narito ka at parang nabigo sa pag-ibig?" tumatawa pa ring saad ni Damon.

Hindi sumagot si Wiena at panay irap lang.

"Halika nga rito!" saad ni Damon at hinila papunta sa dibdib niya si Wiena.

"Pinuno! pinuno!"

Sa gulat ay natulak ni Wiena si Damon, nangunot ang noo ni Damon at napailing.

"Ano 'yon Simon?"

"Luto na po ang letchong baboy!"

"Tsss! sige!" inis na saad ni Damon.

Napatawa naman si Wiena, dahil parang nalugi ang mukha ni Damon.

Hinawakan ni Damon ang kamay ni Wiena at sabay sila nagtungo sa kasiyahan.

"May mahalaga akong anunsyo..." saad ni Damon para makuha ang atensyon ng mga kasamahan. Hinapit ni Damon ang baywang ni Wiena at ngumiti. "Si Wiena ang magiging kabiyak ko, magpapakasal kami pagkatapos ng laban natin sa mga aswang. Sana matanggap niyo si Wiena bilang bagong miyembro, at bilang asawa ko."

Naghiyawan ang mga tribano tanda na tanggap nila si Wiena, maliban kay Sira na subrang panibugho ang nararamdaman.

Magkatabi at magkayakap sina Damon at Wiena sa higaan. Madaling araw na sila natapos ng kanilang kasiyahan, subrang nalasing ang mga tribano.

"Masaya ako na nakilala kita Wiena," saad ni Damon, habang hinahaplos ang buhok ni Wiena.

"Ako din Damon, matulog na tayo dahil alam kong pagod kana," saad ni Wiena, at mas lalong isiniksik ang sarili kay Damon.

"Pinagod mo kasi ako," nakangising saad ni Damon.

Napatawa at kinurot ni Wiena si Damon, hindi na siya sumagot dahil sa inaantok na siya. Bago siya makatulog ay naramdaman pa niya ang halik ni Damon sa noo.

___
"Pinuno! pinuno pinuno!"

Nagising si Damon sa sigaw ni Pitoy, tinitigan niya si Wiena na tulog na tulog pa din. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo ni Wiena na nakaunan sa braso niya, at inilipat sa unan ang ulo ni Wiena at tumayo.

"Ano?!" iritang tanong ni Damon.

"Narito ang pangkat ni Giblo, napakarami nila!" hinihingal na ulat ni Pitoy.

Napakuyom ng kamay si Damon at nanlisik ang mga mata.

Saktong nagising si Wiena at narinig ang sinabi ni Pitoy, tumambol ng malakas ang puso niya sa kaba.

Hahamakin Ang LahatWhere stories live. Discover now