Tara inom?

Me:

I mean, yakult lang.

Kahit anong mangyari hindi ako iinom ng alak.

Agad naman siyang pumayag kaya nagset na ako kung saan kami magkikita. May favorite place ako kung saan magandang pagmasdan ang kalangitan ngayong gabi.

Sa antipolo.

Nagdrive ako papuntang lrt at doon kinita si Sarah. Pagkalapat palang ng mga mata namin sa isat-isa ay agad kaming tumakbo para sa yakap. We hugged each other and cry.

Again.

Pero ngayon, hindi na ako mag-isang umiiyak. Siya din. Hindi na namin kailangan mag-usap, kasi napapakiramdaman na namin ang bawat isa. Pareho kami ngayong may mabigat na dinadala.

Iniwan ko ang kotse ko sa malapit na parking lot at pareho kaming sumakay ng train. Last hour na ng lrt ngayon kaya paniguradong hindi na namin to maaabutan pag-uwi. Maghahanap nalang kami ng matutulugan don.

Tahimik lang kami buong byahe, pero hindi namin binitawan ang kamay ng isa't-isa. Pawang mga maga din ang mga mata namin.

Pagdating sa patutunguhan ay umupo kagad kami sa damuhan at inilatag ang mga yakult na binili.

Napakadaming bituin sa langit ngayon.

"You failed your exam, right?" pagkukompirma niya. Tahimik naman akong tumango. "Nakita kasi kitang nakapikit lang during exam, tatawagin sana kita kaso naisip ko na baka tapos kana rin naman. Ikaw pa."

"i was dizzy that time, di ko masagutan test paper ko." Akala ko walang nakakita sakin nung time nayon. Nandiyan pala si Sarah nakatunghay sakin. "Kamusta result mo?"

"Hmm, naipasa ko."

"Oh yun naman pala eh, bakit parang malungkot ka diyan?"

"Hindi na muna ako tutuloy, Ash. Nagkaproblema sa bahay."

"Ha? Hindi tutuloy saan?"

"Sa pag-aaral..."

"Bakit? B-baka may maitulong ako sayo, ano, kailangan mo ba ng pera? Sabihin mo lang." Hindi ako makapaniwala. Titigil siya ng pag-aaral.

"Hindi na, ako na bahala sa problema namin. Ako paba? Asikasuhin mo nalang din yang iyo." ngumiti siya saakin saka hinaplos ang pisngi ko. "Hindi lang yung examination ang problema mo noh?"

Yes. Pati sa parents ko, pati kay Yvo, pati tong kay Sarah ay parang gusto ko nalang din problemahin.

Kwinento ko kay Sarah yung tungkol sa ganap kanina kay Yvo at ate. Maging siya ay hindi napigilang mangasim ang ekspresyon.

Sakto pang pagtapos namin mag chismisan ay nagring ang cellphone ko, kanina ko pa napapansin na may mga messages na dumating sakin ayaw ko lang talagang basahin. Tapos ngayon ay nagriring na.

Nilagok ko ang panghuling yakult hanggang sa humito na ang pagring. Pero umulit padin ito. Sabay naming pinanood ni Sarah ang screen na kung saan mababasa ang pangalang Yvo.

Siya lang din ang kanina pa text ng text saakin.

"Kailan mo yan sasagutin?" Tanong ni Sarah.

"Hayaan mo siya, mapapagod din yan."

Hinayaan ko lang talagang mag ring iyon ng halos labing dalawang beses. Oo, 12x siyang tunawag.

"Sagutin mona beh, hindi napapagod oh." Napabuga ako ng hangin at pinagmasdan ang cellphone.

"Sige, don muna ako." Kinuha ko ito at  nagpaalam kay Sarah na lalayo konti para sagutin ang tawag.

[Hello? Ash, nasan ka?]

"Bakit?" walang gana kong sambit.

[Nandito ako ngayon sa condo mo, pero wala ka dito. Kanina pa din ako tawag ng tawag sayo pero hindi ka sumasagot.] malumanay ang pagkakabigkas niya bawat salita.

"Kasama ko si Sarah dont worry."

[Pero nasan ka? Anong oras nadin oh. ]

"Hindi mo na kailang alamin, Yvo. Uuwi din naman bukas."

[Ahh, okay]

Natahimik kami pareho, ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan nagsisimula.

"Umuwi kana." iyon nalang ang nasabi ko.

[Ayaw. Dito lang ako, hihintayin kita. Diba sabi mo kailangan mo ko?]

"Alam kong pagod kana, Yvo. Hindi mo na ako kailangan hintayin, magpahinga kana sainyo."

[Hindi pa ako pagod ah, ang dami ko pangang gustong ikwento sayo. Saglit lang kaming nag-usap ng ate mo kanina, pero madami-dami din.]

Bakas ang excitement at tuwa sa tinig niya.

At sa muling sandali nakaramdam nanaman ako ng pagkirot sa dibdib.

Alam ko ang tono nayan.

Dahil ganyan na ganyan si Maxivon nung makilala si ate.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now