Blurb

3 1 0
                                    

Kilalanin si Samantha Mendez, 19 years old at isang kilalang gangster sa kanilang lugar. Wala itong pinipiling kalaban. Mapababae man o lalaki, kung siya'y hahamunin, hindi niya aatrasan.

Gangster man siya sa kanilang lugar, mabait at malapit pa rin ito sa ibang tao, lalong-lalo na sa kaniyang mapagmahal na magulang at kambal na kapatid.

Dalawang taon na ang nagdaan simula no'ng magpasiya ang kaniyang kambal na si Savannah na mag-aral sa isang prestihiyosong paaralan. Matalino ito at maganda kaya naman madali lamang para sa kaniyang kapatid na makapasok sa Boarding School na 'yon.

Ngunit isang araw, nabalitaan na lamang nilang naaksidente ang kaniyang kambal. Nang magkita nila itong muli, hindi nila lubos maisip ang sinapit ni Savannah sa iskwelahang 'yon.

Punong-puno ng sugat at pasa ang kaniyang katawan, hindi makausap nang maayos at parati na lamang itong umiiyak. She's mentally unstable, iyon ang sabi ng doctor.

Sa puntong 'yon ay kinutuban na si Samantha na hindi lamang isang aksidente ang nangyari. Kaya naman nagpasiya siyang mag-disguise bilang si Savannah para alamin ang tunay na dahilan.

Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang plano na alamin lamang ang dahilan habang naka-disguise o mapapalitan iyon ng galit at paghihiganti kapag nalaman niya ang tunay na dahilan ng pagiging mentally unstable ng kapatid.

To be continued...

••••

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gangster in DisguiseWhere stories live. Discover now