Chapter 25

0 0 0
                                    

Kiero Shizuke's Point Of View

Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto dito sa HQ

Nagtype ako nang password at bumukas yung mahabang durabox na naglalaman nang mga armas ko

Nilagay ko dun yung baril at yung blade na binalik ko na sa pagiging kutsilyo

Kinuha ko isang baril at nilagay ko sa bewang ko

Kinuha ko yung scythe ko at nilagay ko sa balikat ko saka ko sinara yung durabox at nagbalik yun sa pagiging pader

Kinuha ko yung ear piece at sinuot

Binuksan ko yung pinto at lumabas na ako

Nakahanda na din sila Quero

Tinanguan kami ni Sanzu at lumabas na kami nang HQ

Pumunta kami sa garahe at sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse

Nilagay ko na yung seatbelt at pinaharurot ko na yung kotse ko

Pagkalipas lang nang dalawang minuto ay nakarating na kami sa HQ nang KHG

Tinanggal ko na yung seatbelt at lumabas na ako nang kotse

Kinuha ko yung baril ko at nagpakawala ako nang tatlong bala

Bumukas yung gate at lumabas na sila

"Black Snipes Gang" - Charles

Sumugod na kami

Kaharap ko ngayon si Charles

Sinalo ko yung kamao nya at pinilit ko ang braso patalikod saka ko sya malakas na tinuhod

Naramdaman ko ang presensya sa likod ko

Humarap ako at sinangga ko ang sword nya gamit ang scythe ko

Bigla kong naramdaman ang pagbaon nang matalim na armas sa likod ko

Agad ko syang sinipa at kinuha ko ang nakabaon sa likod ko

"Sa tingin mo matatalo mo kaming dalawa?" - Charles

"Kilala mo ba ang nasa likod nang maskara ko?" - ako

Natahimik sya

Umatras ako at tumingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay magkatabi

"Sa tingin mo magagawa namin yun sa pamilya nyo?" - ako

"Bakit hindi? wala kayong puso at malamang ay magagawa nyo yun" - Charles

Umiling ako at tinanggal ko ang maskara ko

Halata sa mukha nya ang gulat

"Ngayon sa tingin mo ba ay makakaya pa rin naming patayin ang pamilya mo?" - ako

Nakikita ko pa rin ang galit sa mata nya

Kinuha ko yung cellphone ko at pin-lay ko yung record

"Parang awa nyo na,wag nyo kaming patayin"

Nakita ko ang panlalambot nang ekpresyon nang mukha nya nang marinig nya ang boses nang nanay nya

"Kayo ang magiging bayad sa kasalanan nang anak nyo samin"

Natigilan si Charles

Hininto ko na yung recording at nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko

"I think you already have in mind" - ako

Tumingin sya sakin

"Pero kung gusto mo pa rin kaming patayin,sge gawin mo" - ako

"Kuro anong sinasabi mo!" - Hate

"Isipin mo ang asawa mo Kuro" - Love

Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pagtutok ni Sandriel nang baril kay Charles at malapit na nyang makalabit yung gatilyo

Agad akong lumapit kay Charles at niyakap ko sya kasabay nang pagputok nang baril

"Kuro!" - Knight/Love/Hate/Silence

Unti unti akong napabitaw sa pagkakayakap ko kay Charles hanggang sa bumagsak ako sa sahig

Naramdaman ko ang paglapit sakin nila Knight

"Leader k-kung hindi man ako mabuhay,p-pakiingatan a-ang asawa ko" - ako

"Wag kang magsalita nang ganyan" - Knight

Yun ang huli kong narinig bago magdilim ang paningin ko


My Husband Is An AlphaWhere stories live. Discover now