Chapter 12

0 0 0
                                    

MAGICAL WORLD

King William Robles's Point Of View

Napatingin kaming lahat sa bagong dating

Dalawang lalaki,yung kulay nang buhok nung isa ay kakulay nang buwan,may hawak syang moon sword at nagliliwanag yung sword,may pakpak sya na nagliliwanag at yung kulay nang mga mata nya ay scarlet na may kasamang ginto

Yung isa naman ay kulay pula yung buhok at may hawak syang sword na nagaapoy,kulay abo yung apoy,yung kulay naman nang mga mata nya ay kulay berde,may pakpak sya na nagaapoy,pinaghalong puti at itim na apoy ang nasa pakpak nya

Pamilyar ang mga mata nila

Humarap silang dalawa sa mga kalaban

"Ikaw yung kumontrol sa portal" - Kiero

"Paano mo nalaman?" - Cerick

"Isa yun sa mga kapangyarihan ko,tumingin lang ako sa isang immortal o mortal ay nalalaman ko na agad ang lahat nang impormasyong kailangan ko" - Kiero

"Kayo yung nagbukas nang portal?" - Cerick

Galit na sabi nya

"Oo at kami nang kakambal ko ang tatalo sainyo" - Kiero

Biglang may mga dumating na half dragon and half human,kasama nila ang mga half wolf and half human

"Kiero" - Branches

"Kinno" - Moonlight

Saka sila yumuko dun sa dalawa

Sila ang kambal na Shizuke?

Sumugod na yung mga kalaban namin at nakipaglaban sila Kinno sa kanila pero lumapit samin si Kiero

"Kami nang bahala sa kanila,protektahan nyo ang mga nasasakupan nyo" - Kiero

At nakipaglaban na sya

"Makikipaglaban tayo ngunit gagawa tayo nang malakas na barrier para walang mapahamak sa kanila" - Flame

"Tutulong kami" - Ford

Tumango kami at gumawa na kami nang malakas na barrier

Habang nakikipaglaban kami ay nakarinig kami nang sigaw

"Kiero!" - Aitana

Nakita naming nasaksak nya sa dibdib kung nasan ang puso nang kalaban nya nang marinig nya ang pagsigaw nang isang babae sa pangalan nya

"Anong ginawa nyo sa asawa ko?" - Kiero
Malamig pa sa yelong sabi nya at mararamdaman mo talaga ang nakakatakot nyang awra

"Maganda ang asawa mo at gusto ko syang maging akin" - Daniello

Dahil sa sinabi nya ay mas lalong lumakas ang nakakatakot ang awra ni Kiero

"Masama 'to" - Kinno

"Bakit?" - Kai

"Masama kaming magalit at nakakatakot ngunit mas nakakatakot magalit si Kiero gaya nila lolo,hindi na tayo makikipaglaban dahil matatalo nya silang lahat sa isang iglap lang lalo na ngayong galit na sya" - Kinno

Kasabay nang paglayo namin ay mas lalong nagliwanag ang pakpak at sword ni Kiero

Humarap sya samin at iba na ang kulay nang mga mata,scarlet na may kasamang ginto pa rin ngunit may kasama na itong pula

"Walang makikialam,ako lang ang lalaban sa kanila" - Kiero

Tumango kami at humarap sya ulit sa mga kalaban

Sa isang kurap lang nang mata ay nasa harap na sya nung isang kalaban at nakabaon na sa leeg nung kalaban nya yung sobrang nagliliwanag na sword ni Kiero

Third person's Point Of View

Mabilis ang naging galaw ni Kiero at ilang sandali lang ay nakahandusay na ang mga malalakas na hayop na kalaban nila

Humarap sya sa mga totoong kalaban at mababakas sa mukha ni Daniello ang matinding galit dahil sa ginawa ni Kiero

Akmang susugod na sila nang mabilis na nakapunta sa gitna si Kiero at naibaon nya agad sa semento ang sword nya

Napatigil ang mga kalaban nila sa akmang pagsugod

Habang nakabaon sa semento ang sword ni Kiero ay unti unting lumabas sa semento ang matutulis na mga yelo at bumuhos ang malakas na ulan na nanggaling sa kalangitan

May kuryente ding tumama sa semento na nanggaling sa kalangitan,para itong umuulan nang kuryente

"Shit! gumawa kayo nang mas malakas na barrier!" - King Kelvin

"Malamang ay gagamitin nya ang lahat nang kapangyarihan nya,umalis na kayong lahat dito" - Kinno

"Maiiwan ka?" - King William

"Oo,tutulungan ko ang kakambal ko" - Kinno

Tumango sila King William at hindi nagtagal ay umalis na sila

My Husband Is An AlphaWhere stories live. Discover now