CHAPTER 3

4 0 0
                                    


"I'm truly sorry about what happened, Ms. Freen, Ms. Eve and Ms. Samira. I wish we would still be able to do the project. I promise I will find a decent director," saad ni Nico Ignacio, the owner of the brand I am currently working with.

It happened na kaibigan ni Gael Valentine si Nico Ignacio at habang nangyayari ang commotion ay nagawa na nitong tawagan ang kaibigan.

Kaya pala mayabang ang loko.

Tumingin sa akin sila Eve at Freen waiting for my answer. I know how big this project is at kung hindi lang ako na bastos kanina ay paniguradong si Freen ang mangungunang umoo sa lalaki lalo na at gwapo ang aming kaharap

I look at the man in front of me pero agad ko ring inilipat ang tingin kay Nico. Did I say kaharap?

Eww

Yung nasa tabi nito ang gwapo, not him!

"Walang problema Mr. Nico. I know na hindi niyo naman kontrolado ang nangyari at wala rin kayong alam. But for now I would like to rest. Nakaka-stress ang araw na ito. Pag iisipan ko rin kung itutuloy ko ang demanda laban Kay Ms. Francisco at sa anak nito." I said

"You should!" saad ni Gael dahilan ng pagtaas ng aking kilay.

Bakit ba may asungot dito?

Dala ang aking bag ay tumayo na ako. Nakapag bihis na rin ako kaya makakauwi na ako agad. Naiirita ako sa kaharap ko, kumukulo ang dugo ko.

"Mauuna na kami Mr. Nico, I just really want to rest," I said and smiled at him na sinuklian naman ng huli

Naputol lang ang ngiti nito sa akin ng siniko ito ni Gael at may ibinulong dito.

"Ah, hindi niyo ba muna gustong kumain? My treat!" napapakamot ang ulong tanong ni Nico habang sumusulyap sa katabi.

"Thank you for the offe,  but I just really want to rest," saad ko at nilingunan ang dalawa na ngayon ay nakatayo na rin they both shake hands with Nico at nagpasalamat

Nang tatalikod na sana ako ay nagsalita na ang pangit.

"Hatid ko na kayo." Umirap ako sa hangin bago humarap dito.

"Thank you sa pagsalag kanina kay Ms. Francisco. Pero actually hindi ko naman talaga kailangan ng tulong mo. Hindi naman ganoon kalaki ang magiging pinsala sa akin ng bread knife. Kung hindi mo pa nga iyon sinalag siguro ay maipapakulong ko siya agad ngayon. But still, thank you for being a knight and shining armor. I would like to refuse your offer. Bukod sa mayroon kaming driver, sapat na ako sa isang manyakis sa isang araw." saad ko at tumalikod na.

"Ang sama naman ng tingin mo sa akin, Miss," habol na sigaw nito ng makalayo layo na kami.

"Mukhang napabaliw mo saiyo iyong si Mr. Valentine ah?" pang aasar ni Eve ng makapasok kami sa aming sasakyan.

Inirapan ko lang ito at umiling. I'm too tired to protest.

Pagkauwi sa condo ay humiga agad ako sa aking kama at napatingin sa kisame.

A reflection of a woman show in front of me na agad kong pinalis sa aking isipan.

I don't get it, bakit mayroong mga babaeng hinahayaang bumaba ang kapwa nila babae? I can't see myself hurting a woman just for the sake of a man.

"Kaya mo ba talagang mag audition?" tanong ni Eve sa akin kinabukasan habang nasa sasakyan kami.

Ngumiti ako rito na kasalukuyang nasa aking tabi habang si Freen ay tahimik na nakikinig sa amin na ngayon ay nakaupo sa passenger seat, katabi ng driver.

"I'm fine, Eve. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito upang mapili sa isa sa mga modelo ni Cassandra. Her design is really something. Ang tagal kong pinangarap na maging isa sa modelo niya, " I said and smiled genuinely.

No one Should knowWhere stories live. Discover now