CHAPTER 2

10 0 1
                                    


"Oh my god?!/What the?!" magkapanabay na saad nila Eve at Freen pagkakwento ko sa kanila ng buong storya.

"But infairness, magaling siyang magtago. I thought Mr. Valentine is a loyal man. Wala akong narinig na kahit anong chismis dito tungkol sa pagiging babaero," saad ni Eve

"Hindi na rin nakakapagtaka, gwapo e," saad naman ni Freen dahilan ng batok dito ni Eve.

"Kahit kelan ka ang harot mo!"

"What?! Kung ako ang asawa ni Mr. Gael magpipikit mata na lang ako. Ang importante ako ang pinakasalan, inuuwian, inanakan at higit sa lahat, akin ang pera!" saad ni Freen dahilan ng pagsabog ni Eve at walang kasawaang debate na naman ang nangyari sa dalawa.

Kaya naman iniwan ko ang dalawa sa sala ng aking penthouse. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng beer atyaka pumunta sa pool area. I sat at the bench and look at the city lights while drinking the beer.

All the things I have now came from my sweat. Wala ni isang nanggaling sa kanila. Wala ni isang nanggaling sa mga magulang ko.

"Samira Lorelei, tumatawag si Cassandra," saad ni Eve dahilan ng paglingon ko rito na kasalukuyang nasa sliding door nitong pool area.

I quickly stood up and walk towards her to grab my phone.

"Hello?" saad ko sa aking cellphone pagkakuha ko nito kay Eve. Habang si Eve ay seryosong nakatingin sa akin.

"Good evening my sweet yet revengeful Samira Lorelei Virgines, I think it's time for your first mission," saad nito dahilan ng panlalaki ng aking mga mata

"Seryoso po kayo?!" I excitedly asked.

"Yes, Samira. Come to the headquarters at sunday 6 in the evening." She said and hang the phone.

I looked at eve that's smiling at me ear to ear now. I scream out loud while jumping in too much happiness

"What happened?!" saad ni Freen na nagmamadaling pumunta sa amin.

"Pinapapunta na siya ni Cassandra," saad ni Eve dahilan ng panlalaki ng mata ni Freen at nakitalon sa akin.

"Oh my God! Congrats!!!" Freen said while jumping with me.

Habang si Eve ay natatawa kaming inilingan. Sinamahan ako ng dalawa sa pag inom ng beer but unlike kanina this time we drink with happiness until we all dropped.

"Kanino galing?" Humihikab na tanong sa akin ni Eve kinaumagahan.

Bumuntong hininga ako at iniabot sa kaniya ang card na kasama ng bouquet.

"Good morning, from G.V" basa ni Eve sa card dahilan ng pagkunot ng noo nito. Nagtataka itong tumingin sa akin, may pagtatanong sa mga mata.

"Gael Valentine," sagot rito ni Freen habang binababa ni Freen ang tasa ng tsaa sa aking harapan.

Ito ang unang nagising at naka- receive ng bulaklak. Hindi niya daw ito hinindian dahil akala niya ay galing lamang sa mga fans.

"Owww, that cheater? Mukhang tipo ka nga talaga noon ah?" saad ni Eve na mukhang ngayon ay tuluyan ng nagising.

"Here," saad ko pagkababa ng tatlong kape sa kitchen bar. Tuwing nasa labas kami these two are my stylist and manager but whenever we are here, in my penthouse pantay pantay kami. Hati ang gawain bahay dito. Salitan din ang naka- assigned sa paglalaba ng damit at iba pang gawaing bahay. Maliban na lamang sa pagluluto, only Freen can do that cooking thing.

"Tipo man ako o hindi, ayoko sa kaniya." saad ko kibit balikat naman ang isinagot sa akin ni Eve. Habang si Freen ay naiiling at patuloy sa pagluto. "Ano nga palang schedule natin ngayon Freen?"

No one Should knowWhere stories live. Discover now