CHAPTER 1

8 0 1
                                    


"But a man who commits adultery has no sense; whoever does so destroys himself (Proverbs 6:32)." basa ni Eve sa paborito kong bible verse na kasalukuyang design ng aking phone case.

"Ang taray ha! Hindi halata sa bible verse ang pagkamuhi mo sa mga cheaters," saad nito at binaba ang aking cellphone upang kunin muli ang curling iron

"Bakit? Ikaw ba hindi galit sa ex mong manloloko?" tanong ko sa kanya habang tinitignan siya sa vanity mirror na nasa harapan namin.

Inirapan ako nito at idinikit ng kaunti ang plantsa sa aking tenga.

"Aray!" igik ko.

"Ikaw ang usapan dinadamay mo na naman ako," saad nito.

Tumawa ako rito at umiling. Nakasimangot naman ako nitong inirapan habang patuloy ito sa pag aayos ng aking buhok.

"Miss Lorelei we will start exactly 9 o'clock am," saad sa akin ng stage director for my interview. I smiled at her and nod.

"As always, sakto ako palagi. Ready na." Saad ni Eve habang binababa ang huling piraso ng aking buhok na siyang kinulot niya. Linagyan niya rin ito ng setting spray bilang finale.

I smiled at her pero bago pa makaambang tatayo ay hinawakan ako nito sa magkabilang balikat habang ito ay nasa aking likod at tinitignan ako sa aking mga mata gamit ang vanity mirror

"Anong masasabi mo sa look mo ngayon?" Eve excitedly asked dahilan ng aking pag iling. As always lagi itong nagtatanong ng aking opinyon.

Tumayo ako mula sa stool na aking inuupuan kanina to look at myself in the mirror properly.

My long hair is perfectly curled, the pink lipstick on my lips looks too tasty, my collar bone and cleavage is something men will find hard to not look at. My white dress that supposedly should make me look pure made me desirable. And lastly my stiletto that's white but can kill.

"Pretty, I look so innocent yet desirable"

"That's the theme, an innocent woman that looks like it could easily be preyed on but cannot."

I chuckled at hinarap ito, this is what I like about Eve. She knows how to interpret me by the use of fashion.

"You really know me well, Eve."

"Of course."

The interview went well. Like what I do in my past interviews I promote my new book about cheating and give some advice to women about women empowerment.

Sumikat ako sa social media by giving women encouragement to conquer their fears and even weakness against men.

"Lets go? Mayroon kang meeting for another project. Kaso hindi pa sinasabi ng manager mong mukhang pera at lalakero kung tungkol saan ang bago mong project," saad ni Eve dahilan ng aking pagtawa at iling.

"Baka marinig ka," biro ko rito.

"Edi marinig niya! Matapos lang talaga contract mo sa kanya. Who you siya sa akin!" saad nito at naunang maglakad sa akin papalabas ng hallway habang bitbit ang aking mga gamit.

Nang makarating sa sasakyan ay naabutan ko si Eve at Freen na nagbabangayan. Napailing ako sa dalawa at tahimik na lamang pinakinggan ang kanilang mga hinaing.

"Nasa hallway ka pa lang rinig na rinig ko na ang boses mo na sinisiraan ako kay Samira!" saad ni Freen.

"Bakit? Hindi ba totoo? Hindi ba last time pinilit mo si Samira na tanggapin ang project sa isang kuripot na brand dahil bet mo yung may ari ng brand? At anong nangyari? Nagkaroon ng bad feedback si Samira dahil ang pangit ng product nila!"

No one Should knowWhere stories live. Discover now